Stefany POV Tumitibok nang mabilis ang puso ko habang nakaupo sa gilid ng entablado. Ramdam ko ang lamig ng aking mga kamay, at tila hindi ko magawang huminga nang maayos. Ngayon na ang araw ng pageant, at parang gusto kong tumakas. "Stefany, ayos ka lang ba?" tanong ni Aling Pilar habang inaayos ang palda ng aking gown. Halatang mas excited pa siya kaysa sa akin. "Ah, opo, ayos lang po," sagot ko, pero ang totoo, gusto ko nang magtago sa likod ng kurtina. Paano kung magkamali ako? Paano kung pagtawanan nila ako? At paano kung makita ng mga tao na wala akong lugar sa ganitong klaseng event? Napatingin ako sa salamin sa harap ko. Suot ko ang gown na ipinahiram ni Aling Pilar, at kahit simple lang ito, maganda ang pagkakagawa. Pero sa likod ng makeup at gown, nararamdaman kong hindi pa r

