Third POV Tinanghali na naman ng gising si Stefany. Halos magtatanghali na, at pakiramdam niya ay mas bumigat ang katawan niya dahil sa magdamag na pag-iisip. Ang mga tanong sa isip niya kahapon ay parang mga ulap na bumalot sa kanya, hindi siya tinantanan kahit sa panaginip. Pagdilat ng kanyang mga mata, bumungad sa kanya ang sikat ng araw na dumadaloy mula sa bintana. Napabalikwas siya ng bangon nang marinig ang pamilyar na boses sa labas ng bahay. “Stefany! Tanghali na! Akala ko ba maaga kang gumigising?” boses ni Fabio, may halong pang-aasar. Agad niyang inayos ang sarili, sabay tumingin sa salamin. Hindi niya alam kung paano haharapin si Fabio, lalo na’t alam niyang mukhang haggard pa siya sa kakaisip kagabi. Pagbukas niya ng pinto, naroon si Fabio, may bitbit na supot ng pagkain

