Samantha’s POV Para akong binuhusan ng kumukulong tubig. Para akong hinubaran sa harap ng maraming tao—pinahiya, tinapon, at iniwang walang halaga. "Hindi kita mahal." Paulit-ulit na umalingawngaw ang mga salitang iyon sa isipan ko. Ilang taon akong naging perpekto. Ilang taon akong naghintay na mahalin niya. Pero isang iglap lang, itinapon niya ako. Dahil sa babaeng iyon. Nanginginig ang kamay ko habang hawak ang baso ng alak sa loob ng aking silid. Sapat na ba ang sakit na nararamdaman ko para tumigil? Hindi. "Hindi mo ako pwedeng basta iwanan, Brion," bulong ko habang mariing pinipiga ang baso hanggang sa halos mabasag ito sa kamay ko. Ako si Samantha Santiago. Hindi ako basta-bastang babae. Kung akala niya ay hayaan ko siyang makuha ng kung sinong babaeng wala sa lugar—nagkakam

