Third POV Sa loob ng isang abandonadong warehouse, isang duguang lalaki ang nakagapos sa gitna ng madilim na silid. Halos hindi na nito maigalaw ang katawan dahil sa matinding bugbog na natamo mula sa dalawang matangkad at matitikas na lalaki—ang kambal na sina Drago at Caleb Ellison. Drago: “Hindi ka na makakatakas. Kaya sabihin mo na kung sino ang nag-utos sa inyo.” malamig ang boses nito habang nililinis ang dugong dumikit sa kanyang kamao. Caleb: “Kung gusto mo pang mabuhay, umamin ka na.” dagdag niya, may bahid ng pang-uuyam ang tinig. Pero nanatiling tahimik ang lalaki. Mahina itong huminga, pilit nilalabanan ang hapdi ng mga sugat sa katawan. Isang anino ang lumapit sa kanya. Mabagal ang bawat hakbang, pero ang bigat ng presensya nito ay sapat para manginig ang lalaking bihag.

