BRION Napatayo ako nang makita kung sino ang pumasok sa café. Si Andrea. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya rito, pero isang bagay ang sigurado—hindi siya magdadala ng kahit anong mabuti. “Brion,” tawag niya, ang ngiti sa kanyang mukha ay tila pilit at puno ng intensyon. “Hindi ko inaasahan na makikita kita rito. At si Stefany pa ang kasama mo.” Napansin kong napatingin si Stefany sa akin, ngunit hindi siya nagsalita. Alam kong hinihintay niyang ako ang magbigay ng paliwanag. “Anong ginagawa mo rito, Andrea?” malamig kong tanong. Hindi ko sinubukang itago ang iritasyon sa boses ko. Wala na akong dapat itago, lalo na kay Stefany. Lumapit si Andrea, hindi alintana ang tension na bumalot sa paligid. “Naghahanap lang ng lugar na mapagpapahingahan. At hindi ko naman inaasahang makikita

