Stefany’s POV Tahimik ang paligid ng isla, pero hindi ang puso ko. Para itong tambol na walang patid sa pagbayo, lalo na nang iabot sa akin ng isang tauhan ang telepono. "May tawag ka," anito, malamig ang boses. Nag-aalangan akong kunin iyon, pero nang marinig ko ang pamilyar na tinig sa kabilang linya, parang nanigas ang buong katawan ko. "Uuwi ako ngayong gabi." Diretso at walang paligoy-ligoy ang boses ni Brion, may bahid ng utos at babala. "Maghanda ka." Hindi ko alam kung anong klaseng paghahanda ang tinutukoy niya, pero alam kong hindi ito isang simpleng babala. Lalo na nang biglang sumagi sa isip ko ang gabing huli kaming magkasama… ang paraan ng paghawak niya sa akin, ang init ng kanyang labi sa balat ko. Napalunok ako, at biglang bumigat ang paghinga ko. Anong gagawin ko?

