READ AT YOUR OWN RISK! STEFANY POV. "Brion!" Napabalikwas ako ng bangon, kasabay ng paghawak sa kamay niyang gumagapang sa bewang ko. Napapikit siya at huminga nang malalim, parang hindi man lang nagulat. "Hmm… ang aga-aga, Stefany. Ang ingay mo." "Anong ginagawa mo?" Diniinan ko ang hawak sa kamay niya, pero imbes na magising nang tuluyan, ngumiti lang siya at lalo pang hinigpitan ang yakap sa akin. "Ang lambot mo…" bulong niya, bahagyang nakangisi. Napamulagat ako. "Ano raw?!" Nagsimula akong pumalag, pero lalo lang akong naipit sa mga bisig niya. Dumikit ang mukha niya sa leeg ko, at ramdam ko ang init ng hininga niya sa balat ko. "Brion, bitawan mo ako kung ayaw mong sipain kita palabas ng kama!" babala ko, pero sa halip na sumunod, mas lalo pa niyang idinikit ang sarili niya s

