Maagang gumising si Stefany kinabukasan. Habang tinutulungan niyang ayusin ang mga paninda ni Aling Pilar, hindi niya mapigilang mapabuntong-hininga. Ito na ang huling araw niya sa probinsya. "Anak, sigurado ka na ba sa gusto mong gawin?" tanong ni Aling Pilar habang iniaabot sa kanya ang isang baong pagkain. "Hindi mo na kailangang bumalik kung ayaw mo." Ngumiti si Stefany, pero pilit. "Kailangan ko pong bumalik, Aling Pilar. May kailangan akong malaman." Sa totoo lang, hindi lang tungkol sa kasal ng ate niya ang bumabagabag sa kanya. Hindi niya rin maintindihan ang sarili kung bakit gusto niyang makita si Fabio—o Brion—ulit. Dumating na si Cheska para sunduin siya. Mabilis silang nagpaalam kay Aling Pilar, at habang nasa sasakyan na sila, hindi mapakali si Stefany. "Stef, anong plan

