Habang tinititigan ni Brion si Stefany, ramdam niya ang hindi mapakaling t***k ng kanyang puso. Hindi niya maintindihan kung bakit tila natatakot siyang malaman ang katotohanan. "Hindi mo ba talaga alam kung bakit kita dinala rito?" tanong niya, pilit na pinakikiramdaman ang reaksyon ni Stefany. Matalim ang tingin ni Stefany sa kanya. "Wala akong pakialam, Brion. Ang gusto ko lang ay makaalis dito!" Pinisil ni Brion ang sintido niya, parang hindi niya kayang harapin ang maaaring sagot. Hindi pa buo ang impormasyong hawak niya, pero may bahagi ng utak niya na nagsasabing baka may malalim na sikreto sa pagitan nila ni Stefany—isang bagay na maaaring bumago sa lahat. "Gusto kong malaman kung sino ka talaga," mahina ngunit mariing sabi niya. "At kung malaman mo? Ano? Ikukulong mo pa rin a

