Lumabas sa banyo si Isabella at inabutan nitong nakahiga at nakapikit na si Blake. Doon siya matutulog kina Blake hanggang sa sumapit ang araw ng kasal nila. At balak na ni Isabella na umpisahang gawing makatotohanan ang kaniyang pagbubuntis. Nakasuot lang siya ng puting nighties nang sumampa siya sa kama. Ikinumot niya rin sa katawan ang kumot na gamit ni Blake. Pagkatapos ay sumiksik siya rito at niyakap ang lalaki. Hindi naman halos kumikilos si Blake. Ramdam ni Isabella na gising talaga ang lalaki at nagkukunwari lamang itong tulog. Nakatalikod ang puwesto ni Blake sa kaniya habang yakap niya ito. Inihaplos niya ang palad sa dibdib ni Blake at dahan-dahan niya iyon pinapababa hanggang sa marating ng kaniyang kamay ang pakay. Nakapaibabaw ang palad ni Isabella sa telang tumatabing sa pa

