Napaawang ang mga labi ni Sandy sa kanyang narinig.
Totoo ba ang kanyang narinig o baka kung ano-ano na ang pumapasok sa kanyang utak dahil kanina pang walang laman ang kanyang tiyan dahil sa pagiging busy niya.
Nagising siya mula sa pagkakatulala nang bahagyang niyugyog ni Monique ang kanyang braso.
"Please, please," paulit-ulit nitong pakiusap sa kanya.
"I can't do that. Ano na lamang ang iisipin ng mga tao kapag nalaman nila?"
Napaupo siya nang maramdaman niya ang panghihina ng kanyang mga tuhod.
"Monique, anak. Baka pwede muna natin 'to pag-isipan ng mabuti," sabad ni Monica sa anak na desperado nang umalis.
"Ma, Lola needs me right now. Alam niyo naman kung gaano siya kahalaga sa akin kaya hindi ko siya kayang pababayaan na lamang," umiiyak na saad nito sa sariling ina.
"But what about Michael?" tanong naman nito sa boses na nag-aalala.
Nanlaki ang mga mata ni Sandy nang hindi niya inaasahang napaluhod si Monique sa kanyang harapan.
"I'm begging you, Sandy, please help me," humahagulhol nitong pakiusap sa kanya.
"Please, please stand up, Monique," aniya saka niya sapilitang ipinapatayo si Monique pero nanatili itong matigas.
"Please, Sandy. Please, maawa ka."
Lalong gumulo ang utak ni Sandy at hindi na niya alam kung ano ang kanyang gagawin.
"Monique?" Napatingin silang dalawa sa pintuan nang dumungaw mula roon ang isang lalaki kasama ang kanyang amang si Jerome. "Let's go," aya nito sa bride saka ito nagpatiuna na sa paglakad papunta sa sasakyan kasunod ang ama nito.
Agad na tumayo si Monique at muli siya nitong hinarap.
"Ngayon lang 'to. Babalik din ako kaagad. Please, Sandy," muli nitong pakiusap sa kanya, "Hinihintay na ako nila ako sa kotse. Kailangan na naming umalis. I really need to go."
Napahinto si Michael sa kanyang paghakbang papasok ng room kung saan nag-uusap ang dalawang babae nang marinig niya ang huling sinabi ng kanyang bride.
Nang lumipas kasi ang ilang sandali na hindi pa rin dumating si Monique sa venue ng kasal nila ay nagpasya na siyang puntahan ito sa room kung saan ito inaayusan kanina kasama ang mga bride'smaids.
Tapos 'yon lang pala ang kanyang nadatnan.
"Please, help me, Sandy." Narinig niyang pakiusap nito sa kanilang family planner.
"I need to go," muli pang sabi ni Monique. "Ma?" baling ng dalaga sa kanyang ina.
"Naiintindihan kita. Mag-ingat ka. Balitaan mo kaagad ako pagdating niyo du'n."
Narinig niyang bilin ng kanyang magiging mother-in-law sana. Mas lalo siyang nasasaktan sa kaalamang pati ang ina nito ay kasabwat nito.
"Sandy," muling tawag ni Monique sa pangalan ng kanilang wedding planner.
Napatingin si Sandy kay Monique at nakita niya ang nakikiusap nitong tingin sa kanya habang may mga luha pa ang bawat gilid ng mga mata nito saka agad na itong lumabas ng kwarto at mabilis naman ang kilos na ginawa ni Michael para makapagtago.
Nang sinilip niya ang kanyang bride ay nakita niya itong hinawakan ng isang lalaki sa kamay at mabilis na sumakay ang mga ito sa kotse nito at agad namang pinasibad nito paalis.
Naikuyom niya ang kanyang mga palad sa kanyang nakita. Hindi niya aakalain na sa mismong araw pa ng kanilang kasal, umalis si Monique kasama ang ibang lalaki.
Nagpupuyos ang kanyang dibdib sa galit at talagang hindi niya lubos maisip kung bakit nagawa ito sa kanya ni Monique.
Sinilip niya si Sandy na nakatingin sa wedding gown na iniwan ng kanyang bride habang nasa tabi nito ang ina ni Monique.
Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo ngayon sa isipan ng mga ito pero ang alam lang niya, niloloko siya ng mga ito!
Dahan-dahan niyang inihakbang ang kanyang mga paa papunta sa venue ng wedding ceremony nila at ngumiti siya na parang walang nangyari pero ang totoo, pinipilit lamang niyang pigilan ang kanyang mga luha na kanina pa gustong dumaloy sa magkabila niyang pisngi dahil sa sakit na kanyang nararamdaman sa pag-aakalang tinakbuhan siya ng kanyang bride sa araw mismo ng kanilang kasal para sumama sa ibang lalaki.
Makalipas ang ilang sandali ay dumating na rin ang hinihintay ng lahat. Ang bride kasama ang ina ni Monique!
Nagtataka ang lahat kung bakit ang ina ng bride ang naging escort nito at hindi ang ama nito pero kahit na ganu'n, agad namang nawala sa isipan ng mga ito ang pagtataka.
Ang hindi alam ng lahat na ibang mukha pala ang nasa ilalim ng belong suot nito. Ibang mukha pala ang natatakpan ng belong 'yon at hindi naman lingid iyon sa kaalaman ni Michael.
Ang kasal na matagal na niyang pinangarap ay nauwi lamang sa isang mala-pelikulang buhay.
Ang excitement at saya na kanyang nararamdaman kanina ay nagiging bangungot na sa kanya na alam niya na kahit anong gawin niya ay hinding-hindi na niya makakalimutan pa na maging sa pagmulat niya sa umaga ay ito pa rin lulukob sa kanyang buong pagkatao.
Pinipilit niyang ngumiti kahit ang totoo, gustong-gusto na niyang magwala at sumbatan ang babaeng nasa likod ng belong 'yon. Gusto niya itong sumbatan kung bakit nagawa nitong makipagsabwatan kay Monique. Gusto niyang malaman kung bakit nagawa ng mga ito ang lukuhin siya at gawing tanga at katawa-tawa.
Hindi niya palalagpasin ang mga nangyari. Magbabayad ang dapat magbayad. Magdusa ang dapat magdusa!
Lihim na muli niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao habang patuloy na ipinapangako sa sarili na magiging impyerno ang buhay ni Sandy sa piling niya.
Hindi niya hahayaang mamuhay ito na parang prinsesa, kailangan nitong pagbayaran ang nagawa nitong panluluko.
Lahat ng nandu'n ay parehong nakangiti at excited na pinagmamasdan ang naglalakad na bride papunta sa groom nito. Masaya ang lahat pero ang hindi nila alam ay ang lihim na pagkatakot na nararamdaman ni Sandy habang natatakpan ang kanyang mukha ng belo na hindi naman para sa kanya.
Maraming tanong ang gumugulo sa kanyang isipan ngayon.
Papaano kung malaman ni Michael na ang bride pala nito ay siya at hindi si Monique? Papaano na lamang kapag nakita siya nito instead na ang mukha ng babaeng mahal nito?
Ano kaya ang mangyayari sa kanya pagkatapos nito?
Gagawin niya ang lahat, ipapaliwanag niya dito ang lahat kung bakit nagkakaganito 'to pagkatapos ng seremonya ng kasal para naman malinawagan ito at ang tanging hiling lamang niya ay sana matuto itong makinig at hindi magpapadala sa inis o galit.
Naniniwala siyang magiging okay ang lahat pagkatapos nito.
"Please, take good care of my daughter, Michael," saad ni Monica nang iabot na niya ang kamay ni Sandy sa lalaking pinapangarap ng sarili niyang anak habang si Sandy naman ay nanatiling nakayuko dahil hindi niya magawang tingnan ng diretso si Michael sa mga mata nito.
"I will, Tita," sagot naman ni Michael habang ang puso niya ay nagpupuyos na sa galit.
"Why do you look like you're avoiding my eyes? Don't you want to look at me?" makahulugang tanong ni Michael kay Sandy habang ang dalaga naman ay pinipilit nitong iwasan ng tingin ng binata dahil sa takot na baka mahahalata siya nito na hindi siya si Monique.
"Ayaw ko lang umiyak," sabi niya.
Lihim na lumitaw ang makahulugang ngiti sa mga labi ni Michael dahil alam naman niya na nagsisinungaling lamang si Sandy.
"Bakit ka naman iiyak?"
Kumabog ang dibdib ng dalaga dahil sa takot na baka kung ano pa ang magiging kahihitnan ng lahat nang 'to.
Kaya imbes na sagutin ang tanong nito ay mas pinili na lamang niya ang manahimik at iwasan ang mga tingin na ipinupukol nito sa kanya.
Maya-maya lang ay nagsimula na ang seremonya ng kasal. Kasal na pinangarap nilang dalawa pero sa piling ng iba at hindi sa isa't-isa.
"Young man, do you accept this young woman to be your wife for better or for worse?" tanong ng pari kay Michael.
Napatingin si Michael kay Sandy na para bang sinusuri niya ang reaksiyon ng dalaga.
"I do, father."
Pasimpleng napatingin si Sandy sa binata. Ang akala talaga niya ang tatanggi ito at tatakbuhan siya. Sana nga ay ganu'n na lamang ang ginawa nito.
Si Sandy na naman ang binalingan ng pari.
"Young woman, will you take this young man to be your husband for better or for worse?"
Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ni Sandy ang microphone saka dahan-dahan niya iyon inilapit sa kanyang bibig.
Bago pa man siya sumagot ay napatingin muna siya kay Michael na kasalukuyan na ring nakatingin sa kanya.
Anong gagawin niya? Tatanggapin ba niya o tatakbuhan niya ito?
Sa loob ng halos dalawang buwan na nakasama niya ang mga ito lalo na si Monique, ramdam na ramdam talaga niya at nakikita niya ang wagas na pagmamahal ng mga ito sa isa't-isa. Ramdam din niya ang tunay na pagmamahal ni Monique rito kaya kung tatanggapin niya ito ngayon, wala naman sigurong masama at isa pa, nangako si Monique na babalik ito kaagad.
Naniniwala siya sa pangako ng bride nito. At kapag bumalik na si Monique, alam niyang magiging okay din ang lahat.
"I do, father," sagot niya pagkaraan.
"Now, I pronounce you, man and wife!" saad ng pari, "You may now, kiss your bride."
Ito na ang kinatatakutan ni Sandy. Dahan-dahan na hinawi ni Michael ang belong nakatakip sa kanyang mukha. Gusto niyang umiwas pero may magagawa pa ba siya.
Napapikit siya nang tuluyan nang nahawi ni Michael ang belo at inaasahan talaga niya na magwawala ito at magagalit ng todo.
"Bakit hindi si Monique 'yan?" tanong ng isa sa mga bisita nilang nandu'n.
"Nasaan si Monique? Bakit ibang babae 'yan?" dagdag pa ng iba.
Dahan-dahang inimulat ni Sandy ang kanyang mga mata habang patuloy pa rin nilang naririnig ang bulung-bulungan ng mga bisita.
Napatingin siya kay Michael at ang nakapagtataka ay wala siyang ibang nakita kundi ang emotionless nitong mukha.
Kabaliktaran sa kanyang inaasahan ang nangyari.
Napatingin siya sa dalawang kamay ni Michael nang hawakan nito ang magkabila niyang pisngi saka ito dahan-dahan na inilapit sa kanya ang mukha nito.
Mabilis na iniharang niya ang dalawa niyang palad sa malapad nitong dibdib para pigilan ito at napatingin naman du'n si Michael, ang akala niya ay magagalit ito pero binalewala pa rin nito ang kanyang ginawa at itinuloy ang paglapit ng mukha nito sa kanyang mukha kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang pumikit na lamang.