CHAPTER 7

1646 Words
"I don't have a plan to kiss a traitor." Napapiksi na lamang si Sandy sa pabulong na sinabi sa kanya ni Michael. Ang akala talaga niya ay hahalikan siya nito pero hindi pala. Agad siyang nagmulat ng mga mata at bahagya siyang napaatras nang makita niya kung gaano kalapit ng mukha ni Michael sa kanyang mukha na kung pagmasdan ay mukha talaga siyang naghahalikan. Napaatras pa siya nang nakaramdam siya nang kakaibang damdamin na muntikan na siyang mabuwal mula sa kanyang kinatatayuan pero mabuti na lamang at naging maagap si Michael. Mabilis na hinapit siya nito sa kanyang beywang at saka siya nito buong lakas na hinila kaya napasubsob siya sa malapad nitong dibdib na siyang dahilan ng lalong pagkabog ng kanyang puso ng malakas. Bahagya na ring nakaawang ang kanyang mga labi at mabuti na lamang ay nakatuon ang kanyan mukha sa direksyon ni Father at hindi sa direksyon ng mga bisita na pinapanood sila ng mga oras na 'yon. "Baka gusto mong ganito na lang tayo hanggang gumabi," pabulong uli na sabi ni Micahel sa kanya habang nakatingin ito sa kanyang bisita at may sapilitang ngiti sa mga labi. Agad niyang inilayo ang kanyang sariling katawan mula rito dahil sa kahihiyan. Humarap na rin siya sa mga bisita sabay ngiti ng sapilitan habang hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang malaking pangamba. Pasimple niyang binalingan ng tingin si Michael at nagkatagpo ang kanyang mga kilay matapos niyang marinig ang mga katagang 'yon. May alam kaya si Michael sa nangyari? Bakit naman siya nito tinawag na traydor? Pagkatapos ng seremonya ng kasal ay agad na pumunta si Sandy sa room kung saan inaayusan ang bride at ang mga abay kanina. Nang nasa loob na siya ay nag-iisip siya nang posibleng way para makalusot siya sa gusot na kanyang pinasukan. Sinubukan niyang tawagan si Monique pero nakailang beses na niyang idinayal ang phone number nito ay hindi ito sumasagot. "Anong gagawin ko?" tanong niya sa sarili habang gulong-gulo na ang kanyang isipan. "Sandy?" Napatingin siya sa pintuan nang dumating si Monica, ang ina ng bride. "Are you okay?" nag-aalala nitong tanong sa kanya. "What is the next step? What is your next plan after this?" tanong niya rito. Sa totoo lang, naiinis na rin siya pero hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil kusa naman siyang pumayag sa pakiusap ng mga ito. Gusto lang naman niyang tumulong pero ano naman ang mangyayari sa kanya pagkatapos nito? "I will go to Davao. I will follow then and then we will contact you after we talk about this matter. You just need to wait." "How long should I wait for your next plan?" tanong niya uli rito. "Be patient, Sandy. Naguguluhan na rin kami. We didn't expect it too so bear with usn please. I know, we will be able to get through from this chaos that my daughter made. Believe us," nakikiusap na pahayag ng ginang. Naibaling niya sa ibang side ng room ang kanyang paningin. Sana, ganu'n lang kadali ang lahat. "I'm gonna go," pagpaalam nito sa kanya at ni hindi man lang nito hinintay ang magiging sagot niya. Agad na itong lumabas ng kwarto at hindi rin ito nag-abala pang lingunin siya. Nanghihinang napaupo siya sa pinakamalapit na upuan habanb ang utak niya ay halos hindi na gumagana ng mga oras na 'yon sa sobrang gulo. Agad siyang napatayo saka niya dinampot ang kanyang phone na nakapatong lamang sa isang mesa at saka niya tinawagan si Marah na kasalukuyang naiwan sa kanyang kompanya. "Yes, Sandy," anito mula sa kabilang linya. "Kindly, cancel the flight we booked going to Spain right now dahil hindi na sila matutuloy du'n at-----"No!"  Kinabahang napalingon si Sandy sa kanyang likuran nang mula roon ay narinig niya ang mabagsik na boses ni Michael na tumatanggi sa binabalak niyang pagkansela sa flight. Nakaramdam na uli siya ng pagkatakot lalo na nang makita niya ang mukha ni Michael na any moment, handa nang kumain ng tao sa sobrang galit na nararamdaman. "Sandy, what's wrong?" nagtatakang-tanong ni Marah dahil narinig din nito ang pagsalita ni Michael. "Just wait for my signal, Marah," mahina niyang sabi niya saka niya agad na in-end ang tawag niya rito. "Who gave you a permission to cancel our flight?" tanong nito sa boses na para bang nanunudyo. "Michael, I know that you are angry right now but can you let me explain first about what happened? Why we're doing all this things?" nanginginig ang boses na tanong niya rito pero mas lalo lamang naging masama ang tingin sa kanya ni Michael. "I will let you explain everything later, not now kasi kailangan pa nating lumipad papuntang Spain for our honeymoon, right?" Napaatras si Sandy nang humakbang palapit sa kanya si Michael. "I ... I want you to know that----"That you want me, too?" agad nitong singit sa iba pa sana niyang sasabihin. "Hindi ganu'n 'yon. Hindi kita gusto. Alam mo naman na may boyfriend ako kaya papaano ko magagawa ang------"That's right!" Napapiksi si Sandy sa pasigaw na saad ni Michael kasabay nu'n ay ang paglayo nito sa kanya at napatalikod ito sa kanya. "You know that you already have a boyfriend pero bakit ka pumayag na magpakasal sa akin?!" Lalong natakot si Sandy sa pagbulyaw nito sa kanya na para bang pakiramdam nito ay isa siyang bingi kaya kinakailangan nito anb sumigaw para lang makarinig siya. "I just want to save you." "Save me?!" Tumawa ito ng pagak. 'Yong tawa na para bang nakaka-disappoint pakinggan! "Save me from what, Sandy?! Hindi mo ba inisip na dahil sa ginawa niyo, nagmumukha na akong tanga para sa lahat?!" Kitang-kita ni Sandy ang nangingitid nitong mga ugat sa leeg nito. Wala siyang ibang emosyon na nakikita mula sa mga mata ni Michael kundi galit at pagkasuklam sa kanilang ginawa rito. "Nakiusap sa akin si Monique and I just want to help her." Sinubukan niyang magpaliwanag pero mukhang wala yatang balak ang kanyang kausap na pakinggan siya ng mga oras na 'yon. "Help her?" Damang-dama ang galit sa boses ni Michael nang bigkasin niya ang tanong na 'yon. "Tinulungan mong magtaksil ang isang tao sa araw mismo ng kanyang kasal?" Napakunot ang noo ni Sandy sa kanyang narinig. Wala siyang maintindihan kung bakit nasabi ni Michael ang bagay na 'yon. "What do you mean?" takang-tanong niya rito. "And you're acting like you don't know anything after what you did?" nanunudyong tanong ni Michael sa kanya. "Wala akong ginawang masama para magalit ka nang ganyan. Wala akong maaalalang may-----"You helped her to ranaway from our wedding with another guy and now sasabihin mong wala kanyang nagawa na dapat kong ikagalit ng ganito? Are trying to fool me again, Sandy?!" bulyaw nitong pahayag. Kaya ba galit ngayon si Michael dahil sa pag-aakalang niluko siya ng babaeng pakakasalan nito? Kaya ba, gusto na nitong pumuton sa galit ngayon dahil sa maling akala? "Mali ang iniisip mo, Michael. Hindi magagawa ni Monique ang bagay na 'yon." "So, ako pa ang may mali ngayon, ganu'n ba, Sandy?" Muli siyang napaatras namang muli itong humakbang palapit sa kanya habang ang mga mata naman nito ay nanliliksik sa galit. "I saw her with that guy. I saw everything!" "You saw everything but you didn't hear everything!" pabulyaw ding saad ni Sandy. Nakaramdam na rin siya ng pagkainis dahil bakit ba kasi ang hirap para kay Michael ang makinig muna sa kung ano man ang mga paliwanag tungkol sa bagay na 'yon. "Alam ko naman na kapag narinig ko ang lahat, mas lalo lang akong masasaktan." Pumihit si Michael patalikod at nang lalabas na sana ito ay muli siya nitong nilingon. "Prepare yourself because we're going to Spain today." Napaawang ang mga labi ni Sandy sa kanyang narinig pero bago pa man siya nakapag-react ay wala na sa kanyang paningin si Michael. Napaupo na lamang siya uli habang pilit na pinipigilan ang sariling mga luha na huwag tumulo sa magkabila niyang pisngi. Kailangan niyang magiging matatag. Kailangan niyang tibayan anv kanyang kalooban. Tumulong lamang siya kaya niya nagawang magpakasal sa taong hindi naman niya gusto at hindi siya ang pangarap kaya hindi siya ang dapat na magdusa at magsakripisyo. Mabilis na dinampot niya ang kanyang bag na dala-dala pati na ang kanyang phone saka mabilis na lumabas siya ng kwartong 'yon. Kailangan niyang makaalis sa lugar na 'yon para matakasan niya si Michael kahit saglit lamang. Ayaw niyang pumunta ng Spain dahil baka kung ano pa ang mangyayari sa kanya doon. Hindi niya alam ang pasikot-sikot sa banyagang bansang 'yon kaya kinakailangan niyang itago ang kanyang sarili mula kay Michael kahit ngayong araw lang. Patakbong pinuntahan niya ang labasan ng resort na 'yon para maghanap ng maaari niyang masakyan at nang nasa labas na siya ay panay ang tingin niya sa paligid dahil baka makikita siya ni Michael. Panay naman ang dasal niya na sana matakas siya at nang may nakita siyang sasakyan na pararating ay napangiti siya nang kaytamis pero habang papalapit nang papalapit sa kanya ang sasakyan ay unti-unti namang nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi dahil ang sasakyan palang 'yon ay pagmamay-ari ng lalaking pilit niyang tinatakasan. Labis ang kanyang takot na nadarama nang bigla siya nitong hinarangan gamit ang sasakyan nito nang sinubukan pa niyang tumakas. Napahawak siya sa kanyang dibdib sa sobrang pagkatakot habang kumakabog naman ng sobrang lakas ang kanyang puso. Pakiramdam niya ay biglang nawalan ng lakas ang kanyang mga paa kaya nang lumabas na mula sa driver seat si Michael ay hindi na niya nagawa pang makatakbo. Pagalit na hinablot siya ni Michael ang kanyang braso saka siya kinaldkad palapit sa sasakyan nito. "Let me go!" sigaw niya habang pinipilit na kumuwala mula sa pagkakaladkad nito sa kanya. "Michael, please. Let me go!" muli niyang pakiusap pero hindi siya nito pinakinggan. Agad na binuksan ni Michael ang pintuan ng sasakyan nito na katabi lang ng driver seat at sapilitan siya nitong ipinasok!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD