CHAPTER 12

1639 Words
Pumasok sila sa isang restaurant na malapit lamang sa park saka sila nag-order ng kanilang pananghalian. Habang kumakain sila ay hindi niya napigilan ang pagmasdan si Sandy habang nilalantakan nito ang pagkaing nasa harapan nila. Sandwich lang ang naging agahan nito kanina kaya malamang, totoong nagugutom na talaga ito. "Is it delicious?" tanong niya rito. "Hmmm," sagot nito saka nag-thumps up pa. Hindi ito halos makapagsalita dahil puno ng pagkain ang bibig nito. Ang akala ni Michael ay nagugutom lamang si Sandy kaya ganito siya ngayon kung kumain, hindi nito alam na ganito siya kakain kapag nahihiya o nagagalit siya ng mga oras na 'yon. Gusto lang niya idaan ang hiya na kanyang nararamdaman kanina pa sa park na hanggang ngayon ay hindi mawala-wala sa kanyang isipan. Laging bumabalik sa kanyang isipan ang ginawang pagyakap ni Michael sa kanya at lalo siyang nahiya nang tanungin siya nito kung bakit siya nagba-blush. Pasimple niyang tinapunan si Michael na napaka-elegante kung kumain habang siya naman ay parang takot mauubusan. Dinahan-dahan na niya ang ginawa niyang pagkain dahil na-realize rin naman niya na nakakahiya nga ang kanyang ginagawa. Nang matapos nilang kumain ay muli na naman silang namasyal. Lahat ng lugar na kanilang pinuntahan ay nasa bucket list talaga na inihanda niya para sana sa mga ito. Hindi niya talaga lubos maisip na siya rin pala ang makakapunta sa mga lugar na talagang nilaanan pa niya ng ilang araw para lang makakuha siya ng mga lugar na magandang puntahan at the same, affordable! 'Yon nga lang, may mga naisali rin siya na medyo may kamahalan pero dahil maraming pera ang kanyang kliyente ay hindi iyon naging problema. Dumudilim na at naisipan na ni Michael na bumalik na ng hotel pero bago pa man siya sila bumalik ng hotel ay dumaan muna sila sa Barcelona's Social Hub na mas kilala sa tawag na La Rambla, a wide-tree shaded avenue na naghahati sa isang matatandang town ng Barcelona into two parts. Kilala ito bilang the most popular hangouts in the city. Makikita du'n ang Convent of Sta. Anna, the beautiful romanesque 12th century ng banyagang bansa. Sa paligid naman nito ay nakatayo ang iba't-ibang shops. May mga restaurants and outdoor cafes din. Sa umaga ang ibang mga tao na pumupunta du'n ay nagsa-shopping sa Mercat de la Boqueria at sa gabi naman ay ginagawa itong pasyalan dahil na rin sa ganda nitong taglay tuwing gabi dahil sa iba't-ibang ilaw sa paligid na kanya-kanya sa pagkikislapan, ang iba ay para langhapin ang sariwa nitong hangin at namnamin ang maganda nitong ambiance. May iba naman ay pumupunta sa lugar na 'yon para saksihan ang live performance nang mga taong nagpe-perform ng mime show o di kaya ay live music sa lugar na 'yon. May nagpe-perform din ng impromptu street performances. Binusog ni Sandy ang kanyang mga mata sa mga magagandang tanawin na kanyang nakikita na ibinigay sa kanya ng kapaligiran. Tahimik naman si Michael na naglalakad sa kanyang likuran. Napaisip kasi siya na mas maganda siguro kung si Monique ang kasa-kasama niya ngayon habang magkakahawak ang kanilang mga kamay. Ito naman talaga ang pangarap nilang dalawa. Gagalugin nila ang buong mundo nang magkasama at magkakahawak-kamay. Napatingin si Sandy sa kanyang asawa at naramdaman niya ang lungkot sa mga mata nito. Kahit na anong pilit nitong pasayahin ang sarili ay hindi pa rin talaga nito kayang itago lalo pa at nakikiramay rito ang kapaligiran. Napakaganda ng kapaligiran na sana mas gaganda pa kung ang babaeng mahal nito ang kasama nito. Napatingin si Michael nang mapansin niya ang paglapit ni Sandy sa kanya na may dalang red balloon. "Where did you get it?" takang-tanong niya dahil wala naman itong pera kaya papaano ito nakabili ng balloon. "The woman gave it to me for free," sagot naman ni Sandy sabay turo sa isang babaeng foreigner at nakita niya itong namimigay nga ito ng mga balloons for free. "Today is her birthday and she just wants to make others to be as happy as what she feels right now." Napatango na lamang siya bilang pagsang-ayon sa mga sinabi nito sa kanya upang wala nang iba pang dapat itong ipaliwanag sa kanya dahil hindi naman niya kailangan ang mga iyon. "Alam mo ba na may kwento akong narinig tungkol sa balloon? Gusto mo bang marinig?" "Okay," maikli niyang sabi. Napatingin siya sa kanyang kanang braso nang kinuha iyon ni Sandy saka nito itinali sa kanyang pulsuhan ang tali ng balloon na hawak nito. "Sabi nila, ang balloon parang pag-ibig lang din 'yan,  hindi 'to mawawala sa'yo kapag itinali mo siya nang mahigpit sa'yong kamay." Napatingin siya sa kanyang asawa habang itinatali pa rin nito ang tali ng balloon sa kanyang kamay. May kung anong damdamin na naman siyang bigla na lamang nadarama habang nakatingin siya sa nakayukong si Sandy. Hindi niya inakala na may ganitong side rin pala ang kanyang asawa. Napatitig siya sa mga mata ni Sandy nang napaangat ito ng mukha at napatingin sa kanya. Saglit silang nagkatitigan hanggang sa bigla na lamang natauhan si Sandy at agad nitong binitiwan ang kanyang kamay. "B-balik na tayo sa hotel," pag-iiwas nito. Napangiti naman siya saka siya napasunod dito habang nakatali sa kanyang kamay ang balloon. Pagdating nila ng hotel room ay agad na naglinis ng katawan si Michael dahil lagkit na ang kanyang pakiramdam. Makalipas lang ang ilang sandali ay natapos na rin siyang maligo at nang lumabas na siya sa banyo ay nakita niya ang mabilis na pag-iwas ni Sandy nang tingin nang makita siya nitong tanging tuwalya lang ang takip sa kanyang katawan. Umandar na naman ang kanyang pagiging pilyo. Dahan-dahan niyang nilapitan si Sandy na nakaupo sa gilid ng kama. "Why did you cover your eyes up?" nakangiti niyang tanong dito. Hindi naman sumagot si Sandy bagkos ay tumayo ito para iwasan siya pero talagang umandar ang kanyang kapilyuhan. Bigla niyang niyakap mula sa likuran si Sandy na labis naman nitong ikinabigla. "What are you doing?" natataranta nitong tanong. "Why are you afraid?" pabulong niyang tanong dito. "Don't ever tell me that you still not able to see your boyfriend naked infront of your eyes?" nanunukso niyang tanong dito. "H-hindi naman siya naghuhubad sa harapan ko," pagtatapat nito na siyang lalong nagbigay ng intriga sa kanya. "Then what about when you two will having a love making? Don't tell me, you haven't done that thing yet?" Hindi nakaimik si Sandy. Ano ba naman kasi ang isasagot niya? Baka kasi kapag sinabi niya ang totoo na hindi pa nga, baka pagtatawanan lamang siya nito dahil sa edad niyang 'to at sa tinagal na ng relasyon nila ng boyfriend niya, hindi pa talaga sila naligaw sa ganu'ng bagay. Sa pananahimik ni Sandy ay parang alam na ni Michael ang sagot sa kanyang tanong kaya dahan-dahan siyang kumalas mula sa kanyang pagkakayapos dito at dumiretso na siya sa kinalalagyan ng kanyang mga gamit. Nagbihis siya habang si Sandy naman ay dali-daling pumasok ng banyo. Kinapa niya ang kanyang dibdib nang maramdaman niya ang malakas at mabilis na pagkabog ng kanyang puso. Huminga siya nang malalim saka niya pilit na pinakalma ang sarili. Bakit ba ganito ang kanyang nararamdaman sa tuwing magkadikit ang kanyang katawan sa katawan ni Michael? Ano bang meron at bakit siya nagkakaganito? Pinilit na lamang niyang baliwalain ang lahat saka niya ipinailalim ang kanyang sarili sa bumabagsak na tubig galing sa binuksan niyang shower. Makalipas ang ilang sandali ay lumabas na rin siya at wala siyang nakitang Michael sa loob ng kwartong 'yon. Napatingin siya sa ibabaw ng kama nang may nakita siyang isang pirasong papel. Nilapitan niya ito saka kinuha at binasa ang laman. I went outside. Just eat your dinner and don't wait for me. Kumuwala siya nang malalim na buntong-hininga saka siya nagbihis. Napatingin siya sa pintuan nang tumunog ang doorbell at nang buksan niya ito ay isang waiter na naman ang kanyang nakita habang may tulak-tulak itong trolley na may lamang pagkain niya. Binati muna siya nito bago ito pumasok sa loob at inayos ang kanyang mga pagkain sa mesa at agad ding umalis. Napaupo siya sa isang upuan na kaharap ang mga pagkain. Kakain na naman ba siya ng kanyang hapunan ng mag-isa kagaya ng ginawa niya kagabi? Saan kaya pumunta ang kanyang asawa? Ano naman kaya ang ginawa nu'n sa labas? Bakit ba niya iniisip ang taong hindi nga siya inaalala kahit saglit man lang. Kapag natapos na ang linggong 'to, ano na kaya ang susunod na mangyayari sa kanya? Sa kanilang lahat? Si Monique, ano na kaya ang ginagawa nito ngayon? Sinubukan kaya nitong kuntakin si Michael para magpaliwanag at humingi ng sorry? Alam na kaya nito na itinuloy pa rin ni Michael ang pagpunta ng Spain kahit wala siya? Sana, hindi na lamang siya pumayag sa pakiusap nito, hindi na sana niya dadanasin ang mga bagay na 'to, hindi sana siya magmumukhang third wheel sa relasyon ng mga ito. Isa pa sa nagbibigay sa kanya ng alalahanin ay si Romnick. Paano kung tumawag ito at hindi niya nasagot? Paano kung nakahagip ito ng balita tungkol sa nangyaring kasalan? Anong gagawin niya? Dahil sa dami ng mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan ngayon ay halos hindi na niya magawa pang galawin ang pagkain na nasa harapan niya. Hatinggabi nang magising si Sandy nang marinig niya na may ingay siyang naririnig mula sa labas ng pintuan ng kanilang hotel room at nang silipin niya  ito ay saka lang siya nakadama ng pag-aalala nang makitang si Michael pala iyon. Sinusubukan nitong buksan ang pintuan pero hindi nito magawa dahil mukhang lasing ito. Mabilis na binuksan niya ang pintuan at mabilis naman ang pagresponde na kanyang ginawa nang muntikan nang bumagsak si Michael sa sahig. Mabuti na lamang at mabilis na nasalo niya ito kaya napasubsob naman ito sa kanyang dibdib. Nagtataka siya kung bakit napakalasing nito ngayon. Ano kaya ang nangyari?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD