CHAPTER 13

1722 Words
"Michael?" tawag niya sa pangalan nito habang nakasubsob ito sa kanyang dibdib at mapungay naman ang mga matang nag-angat ito ng mukha saka siya tiningnan sa mga mata. "Sorry if I'm drank tonight," saad nito sa boses na lasing. Kumuwala ito mula sa pagkakayakap niya rito saka ito naglakad papasok pero bigla itong nabuwal dahilan para matumba ito at bumagsak sa sahig. Mabuti na lang at hindi biglaan ang pagkakabagsak nito dahil kung nagkataon, malamang untog ang aabutin ng noo nito sa sahig. "Michael?" muli niyang tawag dito pero umungol lang ito saka muling nanahimik. Dahil sa kalasingan, hindi na nito alam kung saan ba dapat matulog. Dahan-dahan niya itong binangon para maihiga niya nang maayos sa ibabaw ng kama. Inalalayan niya ito kahit pa ang bigat nito para sa isang katulad niyang babae na maliit lamang at hindi naman ganu'n kalakas. Nang maihiga na niya ito sa ibabaw ng kama ay umakyat muna siya saka niya ito hinila sa magkabila nitong balikat para naman maitaas niya ang dalawa nitong binti na nakabitin lamang sa gilid ng kama. Inayos niya ang pagkakaunan nito nang maayos na niya ang pagkakahiga nito. Kumuha siya ng bimbo saka niya ito pinunasan. Inayos niya pagkatapos ang kumot sa katawan nito. Sa sahig na lang muna siya matutulog, sanay naman siya sa ganu'n, eh. Hindi naman kasi isinilang na may silver spoon sa bibig kaya natutunan niya ang lahat ng paghihirap, though hindi kahirap ng mga nararanasan ng iba atleast masasabi talaga niya na hindi siya iba sa mga ito. Nang aalis na sana siya mula sa kama ay biglang bumangon si Michael kaya natatarantang agad niya itong pinigilan. "Saan ka pupunta?" tanong niya rito habang nakahawak siya sa balikat nito para pigilan ito. Napatingin sa kanya si Michael na para bang tinatantiya nito kung sino nga ba siya. "Why are you here?" Napakunot ang kanyang noo sa tanong nito sa kanya. "You left already but why did you come back?" Ngayon, alam na ni Sandy kung bakit ganu'n ang mga tanong nito sa kanya. Inakala nito na siya si Monique at hindi si Sandy. "Do you ever think that you can heal my wounded soul after you came back?" lasing nitong tanong sa kanya. "Michael..." Nasasaktan siya para rito. Kung maibabalik pa sana niya ang panahon kung kailan nakiusap sa kanya si Monique, gagawin na talaga niya kung ano man ang tama. "You're wrong. You can't heal it cause I'm already married..." sabi nito sabay taas sa kamay nito kung saan nakasuksok ang suot-suot nitong wedding ring. "...didn't you see it? I'm already married, Moniqeu," mangiyak-ngiyak nitong sabi, "I got married to a woman whom I didn't love." Bahagyang napaawang ang mga labi ni Sandy nang marinig niya ang huling sinabi ng kanyang asawa. "I got married to a woman whom I didn't love and it's all your fault," dagdag pa nito saka ito napahigang muli sa ibabaw ng kama. Maya-maya lang ay narinig na niya ang mahihina nitong paghilik senyales na tulog na nga ito. Kinumutan niya ito nang maayos saka niya ito tinitigan nang mabuti. "I got married to a woman whom I didn't love." Mga katagang bumabalik-balik sa isipan ni Sandy at sa hindi niya alam na dahilan, nagdulot iyon ng sobrang sakit sa kanya. Nasasaktan siya, hindi niya alam kung bakit. Hindi naman niya ito minahal pero bakit hanggang buto ang sakit na naidulot nito sa kanya? Bakit ganu'n na lamang ang sakit na naging epekto nito sa kanya. Napaupo siya at napasandal sa gilid ng kama saka siya napapikit nang muli niyang naaalala ang mga katagang 'yon. Napahilamos niya ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha at laking pagtataka ang kanyang nadarama nang may nadama siyang basa sa kanyang daliri. Napakunot ang kanyang noo nang makita niyang luha iyon na nanggaling sa kanyang mga mata. Bakit siya umiiyak? Dahil ba nasasaktan siya? Bakit naman siya nasasaktan? Dahil ba... noong una pala'y may special na siyang pagtingin para rito? Muli siyang napapikit at pilit na iniwaglit sa kanyang isipan ang tungkol sa bagay na 'yon. Hindi niya ito mahal at hindi niya ito mamahalin kailanman. Si Romnick lang ang lalaking mamahalin niya habang buhay at alam niya, sigurado siyang hindi na 'yon magbabago pa. Masakit ang ulo nang magising si Michael kinabukasan. Kahit na hindi pa niya naibuka nang maayos ang kanyang mga mata ay hinagilap niya ang baso ng tubig na nakapatong sa ibabaw ng side table na nasa gilid lamang ng kamang hinihigaan niya. Nang lalagukin na sana niya ito ay natigilan naman siya. Wala siya sa kanyang condo pero bakit may baso ng tubig nakahanda na para inumin niya kapag gigising na siya? Saka lang sumagi sa isipan niya si Sandy. Napatingin siya sa kanyang tabi pero wala naman siyang nakitang bakas na nakatabi niya ito sa kanyang pagtulog kagabi. Inilapag niya ang baso sa ibabaw ng side table saka siya bumaba ng kama. Tiningnan niya ang loob ng banyo perp wala naman siyang nakitang Sandy sa loob nu'n. Nang paglabas niya ng banyo ay saka lang niya napansin ang kumot saka unan na nasa upuan, nakaayos na at maaayos ang pagkakapatong nito sa upuan. Napaupo siya sa gilid ng kama saka niya inalala kung ano nga ba ang nangyari kagabi. "Why are you here?" Naalala niyang tanong kay Sandy kagabi. Kahit na anong pilit ang ginawa niya sa kanyang sarili na hindi si Monique ang kanyang kausap ng mga oras na 'yon talagang hindi niya napigilan na isipin na ang babaeng kaharap niya ay ang babaeng minahal at pinangarap niyang makasama habang buhay. Ganu'n nga ba talaga ang epekto ng alak? Sa totoo lang kasi, first time niyang naglasing nang ganu'n kaya hindi niya alam na ganu'n pala ang magiging epekto sa kanya 'yon. "You left already but why did you come back?" "Do you ever think that you can heal my wounded soul after you came back?" Napahiga siya sa kama habang patuloy na naglalaro sa kanyang isipan ang mga katagang namutawi sa kanyang mga labi kagabi. "You're wrong. You can't heal it cause I'm already married. Didn't you see it? I'm already married, Monique. I got married to a woman whom I didn't love." Alam niyang lasing siya kagabj pero dapat ba talagang sabihin niya ang mga 'yon sa isang taong hindi naman dapat 'yon ang makarinig ng ganu'ng bagay? "I got married to a woman whom I didn't love and it's all your fault." Inis na napabalikwas siya ng bangon saka niya hinagilap ang kanyang leather jacket na sa tingin niya si Sandy ang nagsabit nu'n sa sandalan ng upuan. Agad siyang lumabas ng hotel saka niya hinanap ang kanyang asawa. Pero ang malaking problema niya ay hindi niya alam kung papaano at kung saan niya ito hahanapin. Isa lang ang sigurado siya, nasa paligid lang ito ng hotel. Hindi ito makakalayo dahil wala naman itong pera para gagamitin kung saan man ito pupunta. Pero halos naikot na  niya ang lahat ng posibleng pupuntahan nito pero hanggang sa mga oras na 'yon ay hindi pa rin talaga niya ito nakita. Kahit na anong gawin niya ay hindi talaga niya ito makita. Nagsimula na rin siyang mangamba na baka kung ano na ang nangyari kay Sandy. Nagsisimula na rin siyang mataranta at mabahala. Ang puso niy ay nagsimula na ring kabahan at kumabog ng malakas dahil sa takot na baka kung ano na ang nangyari sa kanyang asawa. Pinilit niya ang kanyang sarili na huwag mag-aalala dahil sa totoo lang, ano naman ang kanyang pakialam kung ano na ang nangyari du'n. Dapat nga ikasaya niya iyon dahil iyon naman talaga ang kanyang gustong mangyari upang sa ganu'n nakakaganti na siya sa ginawa nitong pagtatraydor sa kanya pero ang puso niya ay talagang hindi niya mapigilang mag-aalala at matakot sa magiging kaligtasan nito. Kung may mangyaring masama kay Sandy, alam niya na hindi niya kayang patawarin ang kanyang sarili sa pagiging makitid niya kung mag-isip. Oo, galit siya rito pero hindi naman siguro sapat na dahilan iyon upang pababayaan na lamang niya itong mapa'no sa banyagang bansa nang wala man lang kilala. Iisang desisyon na lamang ang nabuo sa kanyang isipan nang hanggang sa mga oras na 'yon ay hindi pa rin niya nakita si Sandy. Pupunta siya ng police station para i-report ang pagkawala nito at para na rin matulungan siya ng mga pulis para mapadali ang paghahanap kay Sandy. Nang papara na sana siya ng taxi ay natigilan na lamang siya nang makita niya si Sandy na nakatayo sa kabilang gilid ng kalsada at nakaharap ito sa kanya na may hawak pang isang paper cone sa kanan nitong kamay. Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan nang makita niya ang kanyang asawa na nakangiti nang matamis habang nakatuon sa kanya ang paningin. Nang nagkaroon na ito ng pagkakataon na makatawid ay parang napako naman ang mga binti ni Michael sa kanyang kinatatayuan dahil sa tuwa na bigla na lamang bumalot sa puso niya kaya hindi na niya ito nagawa pang igalaw para salubungin ang kanyang asawa. Halos ayaw na niyang ihiwalay ang kanyang mga mata kay Sandy dahil sa takot na baka nagmamalik-mata lang pala siya. Sa takot na baka ibang tao lang pala ang kanyang inakalang si Sandy. Nang nasa harapan na niya si Sandy ay agad nitong inabot sa kanya ang isa sa dalawang paper cone na bitbit nito. "Para sa'yo," nakangiti nitong sabi at nang tingnan niya ang laman ng paper cone na ibinigay nito sa kanya ay saka lang niya napagtantong pagkain pala ang laman nu'n. Isa sa mga sikat na street foods ng Barcelona na kung tawagin ng karamihan ay Churro in sugar powder na madalas sine-serve ito with a cup of hot chocolate for dipping. "Sabi kasi nila, masarap daw 'tong Churro nila so I was tempted to taste it," saad pa nito habang nakaunat pa rin ang kamay nito sa kanyang harapan. Napatingin siya sa mukha nito at nakita niya ang pagiging seryoso nito. Pero maya-maya lang ay dahan-dahan nitong ibinaba hindi dahil sa nangangalay na ito kundi dahil sa takot na baka galit na siya. "Sorry if I stole some amount of your money in your pocket. I j-just want to buy it so------" Hindi na nito nagawa pang ituloy ang anumang sasabihin pa nito nang bigla niya itong hinila at ikinulong sa loob ng kanyang bisig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD