"Nak, alam kong masakit pero kailangan mong titiisin. Kung kayo talaga ang itinakda ng tadhana para sa isa't-isa, magtatagpo at magtatagpo pa rin talaga ang inyong mga landas. Just believe in God and everything will be fine according to His will." Nangingilid ang mga luha sa mga mata ni Sandy habang nakikinig lamang siya sa bawat katagang lumalabas ngayon sa bibig ng sarili niyang ina. Napatingin siya sa unahan, sa direksyon ng lumulubog na araw. "Hindi ko lang talaga alam kung magagawa ko bang makalimutan siya," aniya saka siya napangiti nang may bahid ng pait. "Hindi ko alam kung ano na lamang ang sasabihin ko sa anak namin tungkol sa kanya." Pinipilit niyang huwag mapaiyak dahil ang totoo, napapagod na rin siya sa kaiiyak nang walang tigil. "Hindi ganitong buhay ang pinapangarap k

