"Nak, kumusta na ang pakiramdam mo?" nag-aalala pa ring tanong ni Marga sa kagigising lang niyang anak. "Okay lang ako, Ma," sagot naman ni Sandy habang pinipilit na itago mula sa ina ang tunay niyang nararamdaman. Napatingin siya sa kanyang ama na tahimik lamang sa isang tabi habang nakikinig sa kanila. "Pa?" tawag niya rito. "Mabuti at gising ka na," sabi ni Albert. Napangiti naman si Sandy kahit na nasasaktan pa rin siya. "Sa susunod, that bastard will have no right to stay close to you from now on," matigas na tugon ni Albert at pareho silang napatingin sa may pintuan ng bigla itong bumukas at iniluwa iyon ni Juvy. "Bala-e?" bati nito sa kanyang mga magulang at hindi naman umimik ang mag-asawa. "Ma?" tawag ni Sandy sa kanyang biyenan para naman hindi ito masyadong mapahiya

