Naitabig ni Monique ang lahat ng mga gamit niya na nasa ibabaw ng kanyang kama sa galit at poot na nararamdaman nang matapos niyang masaksihan ang eksena kung papaano lumuhod si Michael para magmamakaawa kay Sandy na babalikan ito at papatawarin sa lahat ng nagawa nito. "Sandy," sambit niya sa pangalan ni Sandy habang nakakuyom ang kanyang mga palad at nangangalit ang kanyang ngipin sa galit na nararamdaman. "Hindi magkakaganu'n si Michael kung hindi ka dumating sa buhay namin," galit na bulong ng kanyang isipan habang naniningkit ang kanyang mga mata. Dapat sa kanya lang magkakaganu'n si Michael at hindi sa kung kani-kaninong babae. Masakit talaga para sa kanya na pagmasdan ang lalaking minamahal na lumuluhod habang nagmamakaawa sa harapan ng ibang babae at hindi sa kanya. Ni misan,

