"Doc, kumusta ang pasyente namin?" tanong ni Cathy sa doktor na nag-asikaso kay Sandy nang mga sandaling 'yon. Gising na rin si Sandy pero nanatili pa itong nakahiga sa hospital bed habang kinakausap ng dalawa ang doktor. "She's fine. Don't worry. May mga pagkakataon talaga na nahihimatay ang isamg buntis." Napaawang ang mga labi nina Cathy at Romnick sa narinig saka sila nagkatinginan. Sabay silang napatingin kay Sandy na ngayon ay nabigla na rin sa narinig. "B-buntis po siya?" paniniguro ni Cathy. "Yes! She's 6 weeks pregnant at reminder lang para sa kanya..." Napatingin ang doktor kay Sandy na kasalukuyan pa ring nabigla. "...huwag mo sanang hayaan ang sarili mong ma-stress dahil napakaselan ng pagbubuntis mo. Maaaring napasama ang ibinubuntis mo kapag lagi kang problemado at s

