Sunod-sunod na mabibigat na hininga ang kanyang pinakawalan habang pareho silang nakatitig sa isa't-isa. Mas lalong gumulo ang kanyang dibdib nang naramdaman niya ang maiinit na hiningang nanggagaling dito na tumatama sa kanyang mukha. Amoy na amoy na rin niya ang alak na ininom nito at napansin na rin niya ang mapupungay nitong mga mata habang nakatitig sa kanya. Mas lalong napahigpit ang kanyang pagkakahawak sa kanyang pintuan at mas lalo pa siyang napasandal dito nang lalo pang lumapit sa kanya ang kanyang asawa at bago pa man tuluyang nagkadikit ang kanilang mga katawan ay muli pang umatras si Sandy sa kanyang pintuan hanggang sa bigla na lamang itong bumukas dahilan para muntikan na siyang bumagsak sa loob ng kanyang unit. Mabuti na lamang at mabilis ang ginawang pagpigil ni Mich

