CHAPTER 26

1727 Words

"S-sasabihin naman po namin kaso, lagi kasi kaming busy sa trabaho namin." Pareho silang napapiksi ng biglang pagalit na inilapag ni Albert ang baso ng juice na gawa ni Sandy para sa mga ito. "Busy?" tanong ni Albert saka niya binalingan ng matatalim na tingin si Michael," Oh, baka sabihin niyong pati ang mga magulang ng lalaking 'to ay wala ring alam sa kasalan na sinasabi niyo?" Napatingin si Sandy kay Michael na para bang humihingi ito ng pasensiya sa mga inasal ng mga magulang niya. "Alam po nila at sa katunayan ho, they were present during our wedding day," sagot naman ni Michael. "They were present tapos kami kung hindi kami nag-surprise visit dito, hindi namin malalaman na kasal na pala ang nag-iisa naming anak? Ano 'yon, Sandy?" Naguguluhang napatingin si Marga sa kanyang anak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD