CHAPTER 63

1669 Words

"Ma, hayaan niyo na lang muna ako rito," muling pakiusap ni Sandy sa ina pero mukhang hindi pa rin ito natitinag sa kanyang mga pakiusap kaya itinuloy pa rin nito ang pagliligpit ng kanyang mga gamit sa loob ng maleta. Walang ibang nagawa si Sandy kundi ang napaupo na lamang sa isang sulok ng kanyang kwarto saka umiyak. "Hayaan mo muna ang anak mo," saad ng kanyang amang si Albert na nasa pintuan niya nakatayo at nakamasid sa kanila. "Hahayaan?" galit na baling ng ginang sa kanyang asawa. "Paano kapag mauuto 'yan ng mga salita ng walang kwentang lalaking 'yon?!" tanong nito sabay turo sa direksyon ng pintuan ng unit ni Sandy. "Matanda na ang anak mo at alam na niya kung ano ang dapat at hindi niya dapat gagawin," pagtatanggol ng kanyang ama sa kanya habang siya naman ay walang tigil a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD