Fearless, Fierce Love by Mar Mojica : Chapter Six

856 Words
Tumambad sa amin ang dalawang matangkad na lalaking nagtatawag ng karangyaan. Nakapaloob ang puting polo nila na natatakpan ng mamahaling kasuotan na kulay itim. Parehas silang nakasuot ng kurbatang itim din. Seryoso ang mga mukha nila. Magkahawig ang bagong dating na mga bisita kung kaya't malalaman mong mag-ama sila. Ang isa ay may katandaan na nagbabadya ng awtoridad ngunit kita pa rin ang bikas. Ang isa naman sa tingin ko ay sing-edad ko lang. Nakatiim bagang siya at bahagyang nakakunot ang noo. Maganda ang pangangatawan at mas guwapo kay Franklin? Ewan ko pero may kung anong kumabog sa dibdib ko nang mapagmasdan ko ang labi niya. Nakasunod sa kanilang dalawa ang tatlong lalaki na pulos nakasuot ng itim na salamin sa mata. Parang ‘yong mga napanood kong pelikula na men in black. May dalang dalawang standing flowers at mga basket na puno ng mamahaling bulaklak ang mga lalaki. Inilapag nila ang mga iyon sa tabi ng kabaong ni itay. Agad akong nag-isip kung sino ang mga taong dumating. Saan ko nga ba sila nakita? Parang pamilyar kasi ang mga hitsura nila. Mga kaibigan kaya sila ni itay? Alam kong maraming kaibigan si itay sa trabaho man o maging sa labas ng kanyang kinamulatang propesyon. Kaya hindi malabo na isa rin sila sa mga nakakikilala sa itay ko. Nakita kong nag-angat ng tingin si inay at napanganga nang magtama ang kanilang mga mata ng mas matandang lalaki. Huling-huli ko ang pamumula ng kanyang pisngi at pagkataranta. Tumayo siya at napalunok habang hindi inaalis ang tingin sa lalaki. "Leila..." Pangalan ni inay na binigkas ng lalaki. Iyon ang unang salitang narinig ko. Nasa likuran ng mas nakatatandang lalaki ang anak na seryoso pa rin ang ekspresyon ng mukha. "B-Brian, hindi ko inaasahan na darating ka rito," ani inay na parang namamalikmatang nakatingin sa kausap. Ramdam kong marami ang mga matang nakatingin din sa kanila, maging ako at mga kaibigan ko. Sino ang mga taong ito? "Leila, I'm so sorry," mababang tinig na sabi na nakapangingilabot. Kita ko ang kalungkutan sa mga mata ng lalaki. Ewan ko pero bukod sa pagdadalamhati ay may nasulyapan pa akong kakaibang kislap sa mga mata niya. Nanginig ang aking ina. Gumalaw ang mga balikat niya at napabuka ang bibig. Sumungaw ang butil-butil na luha sa kanyang mga mata. Akala ko ay ayos na siya dahil kanina pa siya hindi umiiyak. Bakit ganito ang naging reaksiyon niya nang makita niya ang lalaking may pangalang, Brian? Mas lalo akong nagitla nang lapitan ng lalaki si inay at niyakap nang buong higpit. Dalawang bisig niya ang kumulong kay inay na para bang ayaw niyang pakawalan. Napapikit ang lalaki at tumingala na halatang pinipigilan ang maiyak. Nagkuyom ng kamao ang anak niyang naglayo ng tingin at aksidenteng dumako sa akin. Napasinghap kaming tatlong magkakaibigan. Parang pare-pareho kaming biglaang nagulat at natakot. Tumayo si Leni at nalilitong napakuha ng tubig at agad na ininom habang nakatayo. Ramdam kong may kakaibang tensiyon ang dala ng mga tinging iyon. Kinilabutan ako sa titig niya. Hindi siya kumukurap. Basta nakatingin lang siya sa akin. Tumatagos ang tingin ng kanyang kulay kayumanggi na mga mata, matangos ang ilong at katamtaman ang laki ng kanyang labi. Labi na kung pagmamasdan ko ay ayaw ko nang iwaksi sa aking paningin. Mas matangkad, mas maporma, mas guwapo talaga siya kaysa kay Franklin na ngayon ay tumabi sa akin at pinalitan si Leni. Nagulat ako nang akbayan ako ni Franklin at maramdamang nakapatong ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ko. Nagtaka akong nawala si Thalia na kanina lang ay kasama niya. Muling dumako ang mga mata ko sa lalaking lahat yata ng suot ay may pangalan at mamahalin. Noon lamang ito nag-iwas ng tingin at ipinamulsa ang mga kamay. Pinapadaanan ng haplos ng palad ang likod ni inay ng lalaking tinawag na Brian. Maliwanag ang pagaalala at awa sa ikinikilos niya. Nang mahimasmasan ay kumawala si inay mula sa bisig ng lalaki. Nagpahid siya ng luha sa pamamagitan ng mga kamay. May sumilay na ngiti sa kanyang labi. "S-Salamat Brian," aniyang pumaling ang tingin sa mas batang lalaki. "Dean, pasensiya ka na, hijo. Maliit lang ang bahay namin. Hindi ito sinlaki ng bahay ninyo. Ipagpaumanhin mo sana." Kahit nakadadama ako ng ginhawa sa mga init ng palad ni Franklin ay hindi ko napigilan ang sarili na mapatayo at iwan siya sa kinauupuan niya. "Sino sila, inay?" hindi ko napigilang magtanong. Naiinis ako kasi humihingi si inay ng paumanhin sa lalaking tinawag niyang Dean. Kasing edad ko lang ang lalaking iyon. Bakit parang ang galang naman niya rito? Bakit parang ikinahihiya ni inay ang bahay namin? Maliit man ito ay tahanan naman ito ng mga totoong tao. Masaya kami sa bahay na ito at ngayon lang, ngayon lang naging malungkot dahil sa pagkamatay ni itay! "Mel, anak..." "Siya ang anak mo?" tanong ng nakatatandang lalaki. Tumingin sa akin iyong Brian at napasinghap na ngumiti. "Ikaw pala ang nag-iisang anak nina Henry at Leila. No wonder you're so pretty," sabi niyang nakatitig sa mukha ko. Tumungo ako at hindi matagalan ang titig niya na parang kinakabisa ang mukha ko. "This is my only son, Dean…”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD