1-Alzheimer
CHAPTER 1
Setting: Hospital
Sa neurology department sa Vonte Hospital nag-uusap ang isang doctor at ang pasyente na si Mrs. Suzzette Vonteyalon. Si Mrs. Suzzette Vonteyalon ang nagmamay-ari ng ospital at siya ay nagpapakunsulta kay Dr. Suarez, isang magaling na neurologist sa ospital na iyon.
“I’m sorry Mrs. Vonteyalon but you must quit your work and please inform your family about your situation. We have seven stages of Alzheimer’s disease and I am sorry to say that you’ve already reached the fifth stage and it is really crucial. You’’ll be in danger if no one watches you 24/7.” Aniya ni Dr. Suarez
“I would” sagot naman ni Mrs. Vonteyalon. Maya maya pa ay lumabas na siya sa silid na iyon at tahimik na binaybay ang pasilyo palabas ng ospital. Tanggap na niya ang kaniyang sakit, pagkat nalaman niya ito ilang buwan na ang nakakaraan ngunit inilihim niya lamang sa kaniyang nag-iisang anak at sa lahat. Hindi niya sinabi sa anak ang tungkol sa sakit niya ngunit ilang buwan niya itong sinusuyong umuwi na subalit dahil sa trabaho, hindi niya magawang umuwi. Bigla niyang naisip ang mga maliligayang mga panahon nila ng kaniyang anak at napangiti habang tumutulo ang mga luha sa mga pisngi. Ngunit sa kaniyang paglalakad ay bigla siyang napahinto at nablangko ang utak. Naguluhan siya kung ano ang mga nakikita niya sa paligid niya. Hindi siya pamilyar sa lugar at sa mga tao. May mga dumadaan at nagbibigay respeto sa kaniya ngunit hindi niya sila kilala. Sa oras na iyon ay palabas din si Mr. Bon Vonteyalon ang kapitid ng yumaong asawa ni Mrs. Vonteyalon. Nakita ni Mr. Bon si Mrs. Vonteyalon kung kaya’t nilapitan niya ito upang kausapin ukol sa pupuntahan niyang pagpupulong na dapat daluhan rin ni Mrs Vonteyalon. Dahil sa mga doctor na kasama ni Mr. Bon tuluyang natakot si Mrs. Suzzette ngunit nakatayo lang siya at hindi gumalaw.
“Mrs. Vonteyalon, sumabay ka na sa amin at papunta na rin lang kami sa conference room” aniya ni Mr. Bon ngunit tinitigan lang siya ni Mrs. Suzzette, maya maya pa
“bakit ako sasama? Sino ka ba? Bakit ako sasama sa inyo?” napahinto si Mr. Bon at tinitigan ng maigi sa mata, inisip niyang nagbibiro ito kung kaya’t lumapit siya at hinawakan niya ito sa kaniyang braso sabay sabing,
“Mrs. Vonteyalon, nagbibiro ka ba? Tara na at tayo nalang hinihintay” aniya at mahinhin na hinila ang braso ni Mrs. Suzzette ngunit nagulat pa ito nang mariin na tinaboy ni Mrs. Suzzette ang kaniyang kamay.
“hindi ako sasama, hindi ko kayo kilala, hindi kita kilala!” pasigaw na sabi ni Mrs. Suzzette. Natulala si Mr. Bon kasabay ng kaniyang pag-alala. Sandali pa ay hinawakan niya ang magkabilang braso ni Mrs. Suzzette, yumuko ng kaunti at tinitigan ulit sa mata at magsasalita na sana ngunit mariin siyang tinulak ni Mrs. Suzzette.
“Huwag mo akong hawakan!” sabi ni Mrs. Suzzette. May lumapit sa kaniya na nurse ngunit pinigilan niya ito.
“Huwag niyo akong lalapitan! sino kayo? Nasaan ako? Hindi ako sasama sa inyo! Mga masasama kayong tayo!” pasigaw na sambit ni Mrs. Suzzette. Mas lalong nabigla at naguluhan si Mr. Bon at hindi alam ang gagawin kung kaya’t lumapit pa siya kay Mrs. Suzzette kasabay ng ilang doktor at nurses na gustong umalalay at nag-aalala sa CEO ngunit dahil dito matinding natakot si Mrs. Vonteyalon at nagsisisigaw habang winawala ang mga gamit sa counter ng nurse station na nasa tabi lang niya. Nahawan niya ang isang gunting at tinutok kay Mr. Bon at sa mga nagtatangkang lumapit sa kaniya habang nagsisisigaw sa takot. Walang sinuman ang matapang na lumalapit sa kaniya pagkat maging si Mr. Bon ay naguguluhan sa mga nangyayari.
Sa kabilang banda, papasok palang ng ospital si Cayde para sa kaniyang shift. Agad niyang napansin ang umpukan ng mga tao ngunit dahil sa pagmamadali ay hindi niya ito pinansin at dumiretso sa elevator. Habang naghihintay sa pagbukas ng elevator, napalingon siya sa umpukan ng mga tao ng may narinig na nagsisisigaw, nakita niya ang isang may edad na babae na may hawak na gunting at tinututok sa mga tao. Nagulat ito at napatakip ng bibig. Mas lalo siyang nagulat at natakot nang napalingon sa kaniya ang babaeng nagsisisigaw, ngunit napatigil ito nang makilala ang babae, ang CEO ng ospital walang iba kundi si Mrs. Suzzette Vonteyalon. Nanigas siya sa kinatatayuan niya ng biglang tumakbo si Mrs. Vonteyalon palapit sa kaniya at nagsitilian ang mga tao. Hindi niya magalaw ang kaniyang mga paa dahil sa pagkabalisa kaya hindi siya makaalis sa kaniyang kinakatayuan. Ngunit para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang ibinalot ni Mrs. Vonteyalon ang kaniyang mga braso sa kaniya at tumahimik ang buong paligid. Narinig na lamang niya ang pagkahulog ng gunting sa sahig.
“Anak, galing ka bang bookstore? Meron na ba yung hinahanap mong libro?” natulala si Cayde sa mga salitang binitawan ni Mrs. Vonteyalon.
“bakit anak? May nangyari ba? Bakit ka tahimik?” tinitigan niya sa mga si Mrs. Vonteyalon at inisip na baka may dimensia ito.
“may umaway ba saiyo?”
“wala po, wala po ok lang po ako medyo napagod lang po ako” ani ni Cayde
“kawawa naman ang anak ko, umuwi na tayo at ipagluluto kita ng paborito mong champorado, gusto mo yon?” napalingon si Cayde sa paligid at nahagilap ng mata niya si Mr. Bon na papalapit sa kanila at tinitigan siya na parang nangungusap.
“Suzzette, sa taas na muna tayo, doon nalang kayo magpahinga muna” kumunot ang noo ni Mrs. Vonteyalon at tumingin kay Cayde
“kilala mo ba siya anak? Kanina pa niya kasi ako kinakausap?”
“po? Opo! Titser ko po siya” aniya ni Cayde at awkward na tumawa habang napatango nalang si Mrs. Vonteyalon.
“asan pala tayo anak?”
“sa ospital po! May sakit po kasi kayo kaya tara na po sa kwarto niyo”
“ha? Anak wala, ayos na ayos ako, walang masakit sa akin, diba nga ikaw itong pagod? Kaya tara na at umuwi na tayo” ani nito at mahinang hinila ang braso ng anak.
“po? Bukas na po! aayusin pa po yung papel niyo at kakausapin pa po natin ang doctor niyo”
Walang nagawa si Mrs. Vonteyalon at sumama nalang kay Cayde at Mr. Vonteyalon sa isang private room.
“bakit sa private room anak? Wala tayong pambayad dito?!” mahinang tanong ni Mrs. Vonteyalon kay Cayde kaya nagtaka si Cayde pagkat kahit may dimensia si Mrs. Vonteyalon, hindi siya gagawa ng mga bagong kwento ng kaniyang buhay kundi ang mga nakaraan ang maaalala nito.
‘Naghirap ba sila noon? Isa pa, ang alam ni Cayde ay iisa lang ang anak ng CEO at lalaki iyon kaya bakit siya napagkamalan na anak niya?’
“ako na po ang bahala sa bills Mrs. Vonteyalon kaya magpahinga na po kayo”
“ang bait naman ng titser mo anak, pero huwag na po dito nakakahiya naman po sainyo”
“wala na kaseng bakanteng kuwarto ito nalang nalang, bayaran niyo nlaang ako kapag nakaluwag-luwag kayo”
“ganon po ba? Wala nap o akong magagawa, magbabayad po kami sir kapag meron nap o, pero medyo matatagalan pa po at maliit lang po sinusweldo ko”
“ayos lang” inalalayan ni Cayde si Mrs. Vonteyalon upang makapagpahinga na ito. Samantala, nabalitaan naman ng doktor ni Mrs. Vonteyalon ang nangyari at dali-daling pinuntahan ang kwarto ng pasyente. Inabutan niya si Mr. Bon na kakalabas lamang sa kwarto at agad niya itong kinausap ukol sa sitwasyon ni Mrs. Vonteyalon pagkat siya lamang ang pinakamalapit na kamag-anak nito na pwedeng sabihan.
Pagkatapos mag-usap ng doktor at ni Mr. Bon, sandaling natulala si ito at hindi alam kung ano ang mararamdaman maya-maya pa ay kinuha niya ang telepono at tinawagan ang anak ni Mrs. Vonteyalon, sumilip siya sa loob ng panandalian at nagsimulang maglakad habang tumatawag.
“Vhall?”
“Yes?”
“come home already, your mother was diagnosed with Alzheimer’s disease, I just heard-“
“What are you talking about?”
“I just heard it from her doctor, she was just attacked by her illness a while ago in the lobby”
“how?, she’s healthy! We were just talking in the morning!”
“you knew her, just leave everything and come home”
“where is she right now?”
“someone escorted her to a private room, pinagkamalan niyang si Shane ang isang doktor dito” nagulat si Vhall at natahimik bigla, ang kaniyang narinig ay isa lamang patunay na talagang may sakit ang kaniyang ina.
“I’ll book my flight already, I’m coming” binaba ni Vhall ang tawag at agad na inilabas lahat ng damit, lahat ng mga sapatos, mga mahahalagang papeles, lahat ng gamit niya sa kwarto niya nilabas niya at nilagay sa mga bagahe niya at dali-daling dumiretso sa airport. Kumuha siya agad ng pasaporte at maghihintay nalang siya ng ilang oras para makauwi sa Pilipinas. Sa pagkaupo niya, nablanko ang kaniyang utak ng sandali at iprinoseso ang natanggap na balita. Maya-maya pa ay naghahabulan ang mga luha sa mga mata nito. Bumalik sa kaniyang memorya lahat ng mga pagpapauwi sa kaniya ng kaniyang ina. Inilabas niya ang kaniyang telepono at binalikan ang mga masasayang video ng kaniyang ina. Sa loob ng ilang taon na hindi siya umuwi, bawat okasyon, maliit man o malaki, nagpapadala ang kaniyang ina ng mga video niya.
Ang mga ngiti, tawa, payo ng kaniyang ina ang mas lalong tumutusok sa puso ni Vhall.
‘Bakit? Bakit siya pa? sa dinami dami n g tao sa mundo! Bakit siya pa na tanging meron ako. Nakuha na ang lahat sa akin, pati ba naman siya? Bakit di ko siya pinakinggan at umuwi? Siya nalang meron ako pero mas pinili ko ang sarili ko! Ang pangarap ko, ang mga kagustuhan ko. Ngayon, wala na itong silbi lahat, pagkat ang tanging tao sa mundo na sandigan ko at karamay ko, mukhang kukunin pa sa akin’. Ito ang mga mga salitang tumatakbo sa utak ni Vhall sa buong byahe niya pauwi.
Sa loob ng ospital, nakatulog na si Mrs. Suzette kung kaya’t pinatawag ni Mr. Bon si Cayde.
“She has Alzheimer’s, at pinagkamalan ka niya bilang ang pumananaw niyang anak, you’re an intern here and I want you to concentrate on her, if she’s back from normal, go back to your original work.”
“opo sir, pero po-“ di pa natapos ni Caydee ang sasabihin ng tumayo na si Mr. Bon at sinabihan siyang umalis na at may pupuntahan siyang meeting. Walang ibang nagawa si Caydee kung hindi ang tumayo at lumabas na sa magarang silid ni Mr. Bon.
Kahit na naguguluhan, tumuloy na si Caydee sa emergency room pagkat alam niyang kailangan na ng mga doktor sa ganoong oras.
“Dr. Bonde, I need you to assist me in an urgent operation.” Pagkapasok ko palang sa emergency room ito na agad ang bungad ni Dr. Elizondo, ang seprior doctor ko.
“We have a trauma patient. Prepare now for an operation, you will assist me together with Dr. Salvez.”
“copy doc” masayang tugon ni Cayde pagkat pang-ilang beses palang niya itong operasiyon.
Pagkalipas ng tatlong oras na operasyon, matagumpay na lumabas ang mga doktor sa operation room at nautusan si Cayde na ibalita sa pamilya ng pasyente ang resulta ng operasyon.
“ma’am, matagumpay po ang operasyon ng anak niyo ang problema lang po natin ay dahil sa lakas ng impact ng pagkabagok, nagkaroon po ng damage sa kanang bahagi ng utak niya kung kaya’t may mga kondisiyon itong mararamdaman tulad ng mawawalan siya ng control sa kaliwang bahagi ng katawan niya at possible rin po na magkakaproblema siya sa kaniyang memorya pero makikita palang po natin kapag nagising nap o siya.” Saad ni Cayde, makikitang ang panandaliang tuwa sa mga mukha ng mga magulang ay napalitan ng lungkot. Datapwat nagpasalamat parin ang mga ito at umalis na si Cayde. Bumalik siya sa emergency room at inasikaso ang ilang pasyente na kakapasok lang dahil sa isa nanamang aksidente.
Pagkalipas ng dalawang oras ay sa wakas naasikaso na ang mga pasyente at walang bagong dating. Dumiretso muna ito sa canteen, alam niyang sarado na ito ngunit may vending machine sa labas nito kung kaya’t magkakape nalang siya. Ang buong ospital ay tumahik at parang lahat ng tao ay nakatulog na maliban sa mga nurses at mangilan-ngilang intern na nagtatrabaho pa. Alastres na ng umaga, ngunit binabaybay ni Cayde ang madilim na pasilya papuntang canteen at ito ang pinakagusto niyang oras dahil sa dilim at tahimik na paligid. Ngunit nabasag ang katahimikan ng nakarinig ito mahinhing hikbi ng isang batang lalaki. Napatigil si Cayde at pinakinggan ang tunog. Sinundan niya kung saan nanggagaling ang mga hikbi hanggang sa mapunta siya sa pinto papasok sa hagdan ng ospital. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan at isinilip ang ulo sa pinto ngunit wala itong nakitang tao. Pumasok siya sa loob ng pinto at sumilip sa taas ngunit walang bata, sumilip naman ito sa baba at nakita niya ang isang batang lalaki na taimtim na umiiyak habang niyayakap ang mga sariling tuhod. Dahan-dahang bumaba si Cayde at tumabi sa bata. Lumingon ang bata sa kaniya at dali-daling pinunasan ang mga luha.
“Umalis ka na po ate, gusto ko pong mapag-isa” saad ng bata
“pwede bang ako nalang samahan mo? Namimiss ko kasi ang kaptid ko, halos magkapareho lang ata kayo ng taon. Nasa probinsiya kasi sila ako lang mag-isa dito”
Hindi sumagot ang bata kung kayat nagpatuloy sa pagsasalita si Cayde.
“isang buwan na ako dito, at nakakalungkot mag-isa, wala akong masabihan ng problema. Araw-araw napapagalitan ako, araw-araw napapagod ako pero wala akong kasama na pwedeng sabihan na pagod na ako, na gusto kong umiyak, na gusto ko ng yakap.” Tahimik parin ang bata kaya tumahik na rin muna si Cayde at dinamdam ang katahimikan ng paligid habang minamasdan ang mga bituin sa langit dahil nakaharap sila sa malaking bintana na transparent ng ospital.
“my younger brother was just diagnosed with brain cancer” biglang basag ng bata sa katahimikan.
“you know, he is my all. Ever since he came to our family my life became brighter. I tend to smile and laugh more often than before. I always half my food to give him the other half. He is my only true friend.” Tumahimik ulit ang paligid ngunit maya maya pa ay maririnig ang maliliit na hikbi ng bata.
“ate I can’t. I can’t live without him. It would be incomplete!” sambit ng bata habang humuhikbi sa iyak kung kayat mabilis na niyakap ni Cyde ang bata at nagsimula na ring mag-unahan ang mga luha sa mga pisngi niya at naramdaman niya ang pagbigat ng kaniyang puso.
“tahan na, hindi siya mawawala sayo, hindi siya mawawala, tahan na” paulit-ulit na sambit ni Cayde habang hinahagod ang likod ng bata. Maya-maya pa ay tumahimik ang bata sa pag-iyak.
“hindi naman dahil sa sinabi ng doctor na may cancer ang kapatid mo mamatay na siya. Kaya nga kayo nandito sa ospital para magamot siya diba? Alam kong ayaw ka din niyang iwan kaya alam kong lalaban ang kapatid mo, kaya ikaw din. Dapat ipakita mo sa kaniya na dapat lumaban siya sa sakit na iyan. Tsaka importante na manalangin tayo sa Diyos. Alam mo bang Siya ang may hawak ng buhay natin? Pinapakinggan ka Niya sa tuwing nagpapray ka sa Kaniya. Sa kaniya nga ako nakikipag-usap kapag may problema ako? At pagkatapos ko Siyang kausapin, mawawala na yung problema ko.”
“really?”
“oo naman, would you like to pray?”
“sige po” sambit ng bata kung kayat sinamahan ni Cayd ang bata na nanalangin sa Diyos.
“gusto mong sumama sa canteen?”
Tumango ang bata kung kaya’t tumayo na sila at sabay na nagtungo sa canteen.