CHAPTER 2
Mag-isang kumakain si Cayde sa madilim na canteen ng ospital habang iniisip ang sitwasyon ng bata na kausap niya kanina. Hinanap ng ama ang bata kung kayat bumalik sila sa kuwarto ng kapatid niya upang makapagpahinga. Biglang tumunog ang telepono ni Cayde kaya nagulat ito at mabilis na inangat ang tawag. May mga pasiyente na bagong pasok sa emergency room kung kaya’t tumayo siya ng mabilis at dali-daling tumakbo sa emergency room. Sa kaniyang pagdaan sa isang pasilyo nakaaninag siya ng isang tao na papalapit sa kaniya. Dahil sa dilim ng pasilyo hindi niya maaninag ang mukha nito ngunit pareho silang nagmamadali. Ilang metro nalang ang kanilang pagitan at maaaninag na niya ang mukha ng lalaking kapansin pansin ang kagandahan ng kaniyang katawan at katangkaran, sinamahan pa ng magandang pananamit kahit mula damit, pantalon at sapatos ay itim. Hindi alam ni Cayde kung bakit nasasabik siyang makita ang mukha ng lalaki ngunit biglang tumunog ulit ang kaniyang telepono. Nagulat ito at mabilisang inilabas ang telepono ngunit nagulat ito dahil sa pagkataranta at nahulog sa sahig ngunit pagkapulot at pagkatayo niya ay wala na ang lalaki sa harap niya. Lumingon siya sa likod at ang tanging nakakaakit na likod ng lalaki ang kaniyang nakita. Napabuntong hininga ito at itinuloy ang pagtakbo sa emergency room.
Sa kabilang banda, si Vhall ay nakababa na ng eroplano at pinasundo niya ang kaniyang mga bagahe at pinapunta na rin ang kaniyang kotse. Pagkakuha palang niya ng kotse ay pinaharuruot na niya ito agad at dumiretso sa ospital. Pagkarating niya roon ay alastres na ng umaga kung kaya’t tahimik ang ospital at dumiretso nalang siya sa presidential suit. Dumaan siya sa emergency room pagkat doon siya malapit nagpark ng sasakyan. Dahil sa tagal na ng panahon na hindi siya nakapasok sa kanilang ospital nakalimutan na niya kung saan ang elevator ngunit dirediretso parin siya na parang sigurado sa pinupuntahan dahil sa pagmamadali. Nakarating siya sa isang pasilyo at napansin niya ang isang doktor na palapit rin sa kaniya ngunit hindi niya maaninag ang mukha dahil sa malayo pa na distansiya nila. Magtatanong sana siya ngunit natandaan niya ang pasilyo at natandaan ang daan papunta sa elevator kung kayat dumiretso nalamang ito. Yumuko rin lang ang doktor dahil sa nahulog nitong telepono. Nahanap na niya ang elevator at dumiretso sa huling palapag ng ospital. Habang palapit siya ng palapit sa pintuan ng silid na alam niyang kinaroroonan ng kaniyang ina ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman, malulungkot ba ito o matutuwa. Natigilan siya sandali habang nakahawak sa busol. Dahan-dahan niya itong inikot at bumukas ang pinto sa kaniyang harapan. Bumungad sa kaniya ang kaniyang ina na tahimik na natutulog. Napangiti ito at tinitigan muna ang ina ng matagal bago pumasok sa silid. Dumiretso ito sa tabi ng kaniyang ina at hinawakan ang mga kamay nito sabay hinalikan. Tinitigan niya ito sa mukha ng matagal at hindi napansin ang pagtulo ng mga luha sa mga mata nito.
“sorry ma” mahinang sambit nito makalipas ang mahabang oras na pagkatitig rito.
Samantala, pagkalipas ng ilang oras sa emergency room,
Hinay-hinay na itinapon ni Cayde ang katawan sa isang bakanteng kama ng pasyente. Tumingin ito sa kisame at bumuntung hininga. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at hindi napansin na nakatulog na pala siya sa sobrang pagod.
Nakaramdam si Cayde ng malakas na tapik sa kaniyang braso kung kaya’t napabalikwas ito ng bangon at ayos ng damit at buhok.
“pasensiya na po, kanina lang po ako humiga” saad ni Cayde habang inaayos pa ang mga damit at hinimas ang balikad dahil sa sakit bago tumingin sa taong nasa harapan niya. Nagulat ito nang makita ang punong nars ng emergency room sa harapan niya, si Nurse Paulita pero Nurse Lita raw dapat. Dahil sa mukhang nasilayan, uminit bigla ang ulo ni Cayde ngunit hindi niya ito ipinahalata at ngumiti parin.
“wala na ngang ginawa patulog-tulog pa, huwag ka nang pumasok kung ganon!” malakas na sambit ng matanda. Napataas ng kilay si Cayde sa sinabi ng punong nars kayat tinaasan rin siya nito ng mas mataas pa kung kayat ngumiti lamang ito at dahan dahang umalis ngunit pinigilan siya nito.
“pinapatawag ka sa presedential suite” saad ng mataray at mapanakit na punong nars at umalis habang bumubulong-bulong. Tinitigan at tinaasan ng kilay lang ni Cayde ang matandang mainitin ang ulo habang nagmamaktol na naglalakad palayo sa kaniya. Hindi maintindihan ni Cayde ang punong nars kung bakit siya nito pinagdidiskitahan, hindi naman ganoon ang kaniyang trato sa ibang intern pero sa mga kasamahan niyang nars ay itinuturing din siyang tigreng parang aso na tahol ng tahol.
Hinayaan na lamang ni Cayde at umalis na rin sa emergency room at pumasok na sa elevator at pagkaraan ng ilang minuto nakarating na siya sa pinakasecluded na palapag ng ospital.
Samantala, si Vhall ay nakatulog habang binabantayan ang kaniyang ina. Nag-umaga na kung kaya’t dumalaw si Mr. Bon kay Mrs. Suzzette, alam niya ring nakarating na si Vhall. Naabutan niya si Vhall na natutulog habang hawak ang kamay ng ina. Tinapik niya ang balikat ni Vhall upang magising at nagising naman ito. Ramdam ni Mr. Bon ang kalayuan ng damdamin ni Vhall sa kaniya ngunit hindi niya ito pinapansin at kanilang pinag-usapan ang kondisyon ni Mrs. Suzzette. Habang naririnig ni Vhall kung gaano na kalala ang sakit ng ina ay nawawasak ang kaniyang puso lalo na nang sabihin ng kaniyang tiyuhin na ilang buwan nang alam ng kaniyang ina nag tungkol sa kaniyang karamdaman. Dahil sa kasabikan ni Vhall sa ina, nakahawak parin ito sa kamay ng ina at hindi nililisan ang mga mata sa mukha nito habang sila’y nag-uusap ng kaniyang tiyuhin.
Napansin ni Vhall na mahinghing gumalaw ang mga balilkat ng kaniyang ina at dahan-dahang bumukas ang mga mata nito. Bumakas ang mga ngiti at tuwa sa mukha ni Vhall at napatayo ng biglaan upang salubungin ang mga mata ng kaniyang ina. Hindi maikubli ni Vhall ang tuwa at pagkasabik na nararamdaman ngunit agad itong napalitan ng pagkagulat at pagkatulala nang napasigaw ang kaniyang ina at tinulak siya ng malakas kung kaya’t nahulog ito sa kama.
Napatigil sa paghinga si Vhall at tinitigan ang ina, namula ang mga mata ni Vhall at nagbabadya ang pagtulo ng kaniyang mga luha.
Sa kabilang banda ng ospital, tahimik na binaybay ni Cayde ang magara at tahimik na pasilyo ng pinakasecluded na palapag ng ospital. Lahat ng nakikita ni Cayde ay nagpapakita ng karangyaan, mula sa mga larawan, mga makikinang na mga aranya sa kisame at maging ang kaniyang tinatapakang sahig.
‘iba talaga kapag mayaman, pati tinatapakan ginto’
Hindi niya napansin na ganoon pala kaganda ang lugar nung una niyang pasok roon. Dahan-dahan siyang naglakad at nagmasid-masid ng bigla itong nagulat dahil sa sigaw mula sa pinakadulong silid kung kaya’t tumakbo ito sa pintuan at mabillis na binuksan ito at bumungad sa kaniyang harapan ang presidente na nakaupo sa sahig at nakapalibot ang mga kamay sa mga tuhod nito.
Sa pagbukas ng pintuan, napalingon si Vhall at kaniya ring ikinagulat ang taong nagbukas nito. Hindi alam ni Vhall kung ano ang mararamdaman. Sobra siyang nagugulat sa mga nakikita niya, nasasaktan siya dahil sa nakikitang karamdaman ng ina at umiinit ang kaniyang dugo sa taong biglang bumungad sa pintuan na kaniya ring ikinagalit dahil sa hindi niya aakalaing kaniya itong makikita pagkatapos ng ilang taon.
Samantala, agad na tumakbo ang presidente palapit kay Cayde at sinalubungan ito ng mahigpit na yakap.
“anak saan ka ba naparoon? May mga lalaki dito na pumasok sa kuwarto, hindi pa naman dumadating si Vhall hinintay ko siya ngunit hindi siya dumating kagabi baka kung napano na ang kapatid mo”
Muling sumakit ang dibdib ni Vhall sa mga narinig na mga salita mula sa ina. Matagal na siyang hinihintay ng kaniyang ina ngunit masiyado niya itong isinantabi.
Samantala, niyakap pabalik ni Cayde si Mrs. Suzzette sabay hagod sa likod nito.
“hindi po sila misteryoso ma, kilala niyo sila, diba po ba siya po yung guro ko tapos siya po,..”
Sandaling natahimik si Cayde sa pagsasalita at tiningnan ang isang matangkad, maputi, makisig at guwapong lalaki sa tabi ng kama at nakatingin sa presidente ngunit napatingin rin sa kaniya nung napatigil siya sa pagsasalita. Biglang sumikip ang kaniyang dibdib, napatigil siya sa paghinga at narinig na lamang niya ang malalakas na pintig ng kaniyang puso. Ngunit napansin nito ang mabilisang pagbabago ng emosiyon sa mukha ng lalaki mula sa sakit sa galit.
“yung anak niya po” sabay turo kay Mr. Bon. Napansin niyang nagulat ang dalawa sa mga sinabi niya ngunit nanahimik na lamang sila.
“ganon ba? Pasensiya na po sir hindi ko po kayo nakilala, at pasensiya na rin iho natulak kita kanina. Maupo na muna kayo at ipaghahain ko kayo ng pagkain” saad ng presidente at dahan-dahang naglakad patungo sa isang pintuan at napatigil ito at lumingon kay Cayde.
“Ay! nasa ospital pala tayo! Nakalimutan ko” saad nito at napatawa ng mahinhin
“bakit ulit tayo anak nasa ospital? Sinong may sakit?” muli nitong saad habang nakangiti kay Cayde.
“may sakit ka po, kaya po tayo andito ma” at nilapitan ang presidente upang alalayan pabalik sa kama.
Labis na pagkawasak ang nararamdaman ni Vhall habang nakikita ang malaking pagbabago sa ina ngunit labis rin ang kaniyang galit dahil sa taong umaalalay sa kaniya.
Hindi niya akalain na muli pa silang magkikita pagkatapos ng ilang taon mula nung bigla siyang naglahong parang bula. Hindi matiis ni Vhall ang nakikita kaya padabog na lumabas.
Nagulat si Cayde sa malakas na pagsara ng pintuan habang nagtataka kung sino ang lalaking iyon.
“pasensiya na at may hindi lang kami nagkaintindihan kanina” saad ni mr. Bon upang magbigay paliwanag sa inasal ng inaanak.
“salamat po sir sa pagbisita pero hindi naman po kailangan na lagi kayo dito andito po ang anak kong si Shine at meron din po akong akong isang anak na si Vhall” saad namam ni Mrs. Suzzette
‘Vhall? Ay oo nga! Narinig kong may anak pala si Ma’am na nasa ibang bansa..
Hindi kaya yung lalaki kanina?’
“nasaan nga pala siya anak? hindi ba siya pumunta rito kagabi?”
“himdi po ma, may ginagawa lang po”
Andaming tumatakbo sa isip ni Cayde ngunit sinantabi muna ito at inalalayaan ang presidente ng ospital sa pagkain at nakipagkuwentuhan na muna ito habang si Mr. Bon ay pansamantalang umalis para sa trabaho.
Sa hardin ng ospital, nakatayo at nagpapalamig ng galit si Vhall. Hindi karangyaan ang kinamulatan na buhay ni Vhall, dahil sa alitan sa negosyo ng kanilang pamilya napatay ang kaniyang ama at dahil sa pag-aalala ng kaniyang ina na madamay ang kaniyang mga anak ay itinakas niya ang mga ito at dinala sa isang malayong probinsiya, mga bata palang sila Vhall at Shine noon kung kaya’t wala silang kamuwang-muwang.
Hindi agad nakihalubilo ang kanilang pamilya sa iba at ang kanilang ina ang nagturo sa kanila sa buong elementarya ngunit sa pagsisimula ng highschool nagpumilit si Shine na mag-aral sa isang normal na paaralan. Dahil sa tagal na rin ng panahon, pumayag ang kanilang ina at pinasok sila sa nag-iisang pampublikong paaralan na malapit sa kanila upang kahit papaano ay mabantayan sila ng kanilang ina.
Habang nakatayo si Vhall ay pilit bumabalik ng mga ala-ala niya ng highschool na kaniya nang ibinaon ng ilang taon.
Sa loob ng silid paaralan nina Vhall, sa ikatlong araw palang ng kaniyang pasok sa highschool, kinakalkal niya ang buong bag niya upang hanapin ang lagayan ng kaniyang mga panulat ngunit naiwan niya ata ito sa kanilang bahay kung kaya’t napabuntong hininga na lang siya at ibabalik na ang mga gamit sa bag nang bumulaga ang isang ballpen sa kaniyang mukha sabay rinig ng “oh!” kung kayat napalingon ito sa katabi niyang babae na hindi niya pa nakakausap sa loob ng tatlong araw na magkatabi sila.
Hindi nakatangin ang babae sa kaniya dahil sa nagsusulat na ito ngunit bigla itong lumingon at nasilayan ni Vhall ang kagandahan ng babae at mas lumiwanag pa ang mukha nito ng bahagyang ngumiti ito.
“balik mo nalang bukas” saad ng babae at bumalik sa pagsusulat kung kayat kinuha ni Vhall ang pallpen at nagsimula na ring magsulat.
“hindi mo pa alam ang pangalan ko ano?” muling saad ng babae habang nagsusulat at hindi agad sumagot si Vhall kung kayat napatigil sa pagsusulat at lumingon sa katabi. Napatigil rin si Vhall ngunit hindi lumginon sa babae
“hindi” simpleng sagot ni Vhall
“Cayde Dalmin Bonde, at ikaw si Vhall tama?”
Napatango nalang si Vhall at tinuloy parin ang pagsusulat.
Dahil sa buong taon na magkatabi sina Vhall at Cayde naging malapit sila sa isa’t isa. Dahil na rin kay Cayde, natutong makihalubilo si Vhall sa iba ngunit limitado lamang. Sa sumunod na taon hindi nagkatabi sila Cayde at Vhall ngunit sa kanilang pangatlong taon sa highschool ay nagkatabi ulit sila.
“nakita mo yung laway ni sir?” bulong ni Cayde kay Vhall sabay pigil sa tawa. Sobrang nagalit kasi ang kanilang guro dahil sa napagalitan siya ng prinsipal dahil daw iniwan niya ang kaniyang klase kaya raw ang ingay ingay na umaabot pa sa faculty ang tawa ng klase kung kaya’t sinisigawan niya sila dahil sa sobrang galit.
“tumahimik ka! Mapapalayas tayo ng wala sa oras kapag hindi mo napigil yang tawa mo” saad naman ni Vhall ngunit halatang sobra rin ang pagpigil sa pagtawa.
“nakita mo ulit yun?!” bulong ulit ni Cayde nang makita ang muling pagtalsik ng laway ng kanilang guro ngunit hindi na sumagot si Vhall dahil sa sobrang pagpigil niya ng kaniyang tawa at bubulusok na ito kapag nagsalita pa siya. Mas lalong lumakas ang sigaw ng kanilang guro at nakita ng dalawa ang pangatlong pagtalsik ng laway ng kanilang guro at hindi na nila napigilan pa ang kanilang tawa nang tumalsik ang laway ng guro nila sa noo ng kanilang kaklase sa harapan.
Hindi nakagalaw ang kanilang kaklase sa harapan ngunit dali daling pumigis ng papel sa notebook at pinunasan ang laway ng titser na tumalsik sa noo nito at sina Vhall at Cayde ay sobra parin ang tawa kahit umaapoy ang mga titig sa kanila ng kanilang guro.
“kayong dalawa ang maglilinis pagkatapos ng klase!” malakas na sigaw ng titser at padabog na lumabas biglang natahimik ang dalawa at naramdaman ni Vhall ang pagkurot ni Cayde sa kaniyang tagiliran, nagkatinginan ulit sila at napatawa pa ng malakas.
“Vhall Byend.” Napalingon si Vhall at nakita ang paglapit sa kaniya ni Mr. Bon mula sa kinakatayuan sa hardin.