3-Hatred

2677 Words
CHAPTER 3 “her name is Cayde Dalmin Bonde an intern in the general surgery department, I told her to pay more attention to your mother. Your mother is already at late stage of Alzheimer’s, she will be frequently attacked.” ‘Cayde Dalmin Bonde, siya nga’ “we don’t need her, just let her be on her work and don’t ever make her cross my ways, I don’t even want to see her!” “you know I can’t do that! Your mother needs her!” napatahamik si Vhall at alam niyang tama ang kaniyang tiyuhin ngunit hindi niya maatim na makita ang babeng kinakamuhian niya. “I will take care of my own mother!” saad ni Vhall at nagsimula nang maglakad paalis ngunit napatigil siya sa sinabi ng kaniyang tiyuhin “isipin mo ang mama mo Vhall, huwag puro damdamin” napalingon si Vhall sa kaniyang tuyuhin at tiningnan sa mata. ‘does he know something?’ tanong ni Vhall sa sarili ngunit hindi nalang pinansin at bumalik na sa ina. Pagbukas ng pintuan ni Vhall, nakahinga siya nang makitang mag-isang nakaupo ang kaniyang ina sa isa sa mga upuan at nakaharap sa magandang tanawin mula sa presedential suit. Tumayo si Vhall sa may pintuan at pinagmasdan at pinakaramdaman muna ang ina. Ang presensiya ng kaniyang ina ay sapat na upang maibsan ang kaniyang pagkaulila rito ngunit gustong-gusto niya itong hakapin, hagkan, kwentuhan, sabihan ng mga sama ng loob at maging ang mga matang puno ng pagmamahal sa kaniya ay gusto niyang makita. Sa loob ng ilang taon, hindi niya nakasama ang ina, hindi niya akalain na ganun ang kahihinantnan nito. Kung alam lang ni Vhall ay hindi na siya umalis at nanatili nalamang sa tabi ng ina. ‘I’m sorry ma, I became selfish’ Nakaramdam ng presensiya si Mrs. Suzzette kung kayat napalingon ito sa pintuan. Nagulat si Vhall sa paglingon ng ina ngunit dahan-dahang ngumiti parin ito. Nagulat si Vhall ng biglang lumiwanag ang mukha ng kaniyang ina, ngumiti ng malapad at nakita niya sa mga mata nito ang mga matang puno ng pagmamahal at pagkalinga. Mabilis na tumayo ang ina ni Vhall at sinalubong ang anak ng isang mahigpit na hakap. “anak! umuwi ka na!” Para bang tumigil ang mundo ni Vhall ng maramdaman ang init ng yakap ng kaniyang ina. Hindi siya makapagsalita at hindi makagalaw sa kaniyang kinatatayuan at naramdaman nalamang niya ang mga maiinit na luha na umaagos mula sa kaniyang mga mata. “I love you”sa wakas ay lumabas sa mga bibig ni Vhall habang hindi mapigilan ang pag-agos ng luha. “I’m so sorry ma” muling sambit ni Vhall “shh wala kang kasalanan anak” “kung alam ko lang na magkakasakit ka hindi na sana ako umalis, patawad ma” “ayos lang ako anak, wala namang may gusto nito” pagsuyo ng ina sa anak habang hinahagod ang likod nito. Yinakap ni Vhall ng mahigpit ang ina, mga yakap na gustong-gusto niyang maramdaman pagkakita palang sa kaniya. Samantalang si Mrs Suzzette naman ay pilit na pinipigilan ang mga hikbi nito. Hindi niya gustong malagay sila sa ganitong sitwasyon. Hindi niya gustong nakakalimutan ang kaniyang anak. Hindi niya gustong iwan ang kaniyang anak pagkat alam niyang siya lang ang natitirang tao sa mundo niya. Hindi niya gustong maiwan ang anak sa mundong magulo na mag-isa. Hinigpitan pa ng ina ang yakap sa anak habang patuloy ang pagtulo ng luha. Ilang sandali pa ay nahimasmasan ang dalawa at nagkuwentuhan ng matagal tungkol sa naging buhay ng isa’t isa sa ilang taon na hindi pagsasama. Kahit araw-araw silang nag-uusap sa telepono hindi parin sila naubusan ng kuwento sa isa’t isa. Ang kuwartong puno ng iyakan ay nabuhayan at napuno ng tuwa at pagmamahal. Napatigil ang mag-ina sa pagkukuwentuhan ng biglang may kumatok sa pintuan, lumingon silang dalawa sa pintuan at dahan-dahan itong nagbukas sumilip ang isang napakagandang doctora at lalo pang lumiwanag ang kaniyang mukha ng ngumiti ito. “magandang hapon po, oras na po ng pag-inom niyo ng gamot ma’am” Biglang nagdilim ang paningin ni Vhall at nag-init ang ulo. “I’ll be back later ma” saad nito at tinahak ang daan sa pintuan. Habang naglalakad ito ay matatalas ang mga mata nito na nakatingin sa dalaga. Si Cayde naman ay hindi alam kung bakit bumilis nanaman ang t***k ng puso nito ngunit nang makita ang mga nakakatakot na tingin ng binata ay napakunot noo ito sa halip na matakot. Sa paglabas ni Vhall ay binalibag nito ang pintuan kung kaya’t nagulat si Cayde at si Mrs Suzzette. Hindi maintindihan Ni Cayde at ni Mrs Suzzette kung bakit ganon ang asal ni Vhall ngunit ngumiti parin si Mrs. Suzzette sa dalaga at humingi ng pasensiya sa inasal ng anak. “ikaw ba si Dr. Cayde Dalmin Bonde?” “opo ako nga po” “pasensiya ka na iha, Napagkakamalan kita na si Shine, hindi ko alam kung paano pa ang mga susunod na araw ngunit huwag ka sanang magsawang umalalay sa akin.” “oo naman po ma’am, alam ko rin pong hindi madali ang sitwasyon ninyo” ngumiti si Mrs. Suzzette sa naging sagot ni Cayde at hindi alam kung bakit ang gaan ng loob nito sa dalaga. “Dr. Bonde, pwede bang Dalmin nalang ang itawag ko sayo? Medyo mahaba kasi ang pangalan mo. Tsaka huwag mo na akong tawagin na ma’am tita Suzzette nalang” “oo naman po pero pwede po bang Mrs. Suzzette nalang po?” mahinang tumawa ang president at tumango sa dalaga Sandali silang natahimik at ininom na ni Mrs. Suzzette ang kaniyang gamot. “Dalmin, pwede bang humingi ng pabor sayo?” “oo naman po.” “alam mo kasi, ang anak ko, si Vhall, hindi ko alam kung bakit ang hirap niyang magpapasok ng tao sa buhay niya. Lagi siyang nag-iisa ngunit kagusto naman niya iyon. Ako lang ang tanging naroon sa mundo niya, hindi ko alam kung hanggang kailan ako sa mundong ito at alam kong sa mga susunod na araw pwedo ko siyang makalimutan ulit at alam kong masasaktan siya. Pwede bang pakitingnan at bantayan siya? Alam kong matanda na siya ngunit gusto kong may taong masasandigan siya sa mga panahong hindi ko kayang gawin iyon? Pwede bang tulungan mo siyang buksan ang buhay niya, ang mundo niya sa mas maraming tao?” seryosong saad ng presidente. Sandaling natahimik si Cayde sa sinabi ng presidente ngunit tiningnan nalang niya ang president sa mata at ngumiti. “oo naman po Mrs. Suzzette.” Alam ni Cayde na hindi madali ang pabor na hinihingi ng presidente lalo na at hindi niya maintindihan kung bakit kakaiba ang pakikitungo ng binata sa kaniya at kakaiba ang kaniyang personalidad. Sumang ayon nalamang siya dahil nakikita niya ang malaking pag-aalala ng presidente sa anak. Pagkatapos ng kanilang usapan ay inayos na ni Cayde ang mga gamot at nagpaalam na para umalis. Paglabas ni Cayde sa pintuan, nagulat siya ng makita ang binata na nakatayo at nakasandal sa tabi ng pintuan. “magandang hapon po sir, pinainom ko na po ng gamot si Mrs. Suzzette.” Saad nito at magsisimula na sanang maglakad paalis ng biglang hawakan ng binata ang kaniyang braso kung kaya’t napatigil ito at tumingin rito. Bumilis nanaman ang t***k ng kaniyang puso at napatigil siya sa paghinga at nanlaki ang kaniyang mga mata ng dahan-dahan lumapit ang mukha ng binata sa mukha nito. Mabilis niyang nilayo ang kaniyang mukha ngunit sobrang magkalapit parin ang mga ito. “what game are you playing?” mahina ngunit galit na saad ng binata sa kaniya. Napakunot ng noo si Cayde pagkat hindi naiintindihan ang sinasabi ng binata. “po?” Napangisi ang binata at mariing binitawan ang dalaga. Binuksan niya ang pintuan ngunit napahinto ito, “I’ll join your game.” Mas lalong napakunot ng noo si Cayde sa mga sinabi ng binata ngunit maya-maya pa ay nagsimula na rin siyang maglakad. Dumiretso si Cayde sa emergency room upang tingnan ang mga pasyente habang wala pa namang problema si Mrs. Suzzette. Pagkapasok niya ay nakita niya si nurse Paulita na pinapalitan ang IV ng isang pasyente. Nang nakita ni nurse Paulita ang doktora ay agad umikot ang mga mata nito at binigkas ang salitang “sipsip”. Tumaas ang kilay ni Cayde sa narinig ngunit hinayaan na lamang niya ito at dumiretso sa pasyente na tinitignan ni nurse Paulita at kinuha ang chart ng pasyente. “kamusta na po lolo? Nagagalaw niyo na po ba ng paa ninyo?” ang kaniyang pasyente ay kahahatid lang kagabi na matinding naihampas ang paa sa kung ano mang bagay dahil sa aksidente sa motor. “opo doktora, unti-unti ko nang nararamdaman ang paa ko” “makaalis na nga andaming toxic dito” nagkatinginan sina Cayde at ang pasyente at napahigikhik ng kaunti “hindi talaga mawawala ang mga sakit sa lipunan” “kaya nga po, buti nalang po hindi tayo isa sa kanila” napatawa ulit ang dalawa at maya-maya pa ay tiningnan rin ni Cayde ang iba pang mga pasyente. Pagkatapos ni Cayde sa shift niya ay binisita niya si Mrs. Suzzette. Kumatok siya bago niya buksan at napansin niya agad ang pagiging tahimik ng paligid. Natutulog ang presidente sa kaniyang kama, inilibot ni Cayde ang kaniyang mata ngunit hindi niya nakita ang anak ng presidente. Napangisi siya ng bahagya at malaya siyang pumasok sa kuwarto, tiningnan niya kung maayos ang lahat sa presidente at nang makita na wala namang mali ay umupo ito sa tabi ng pasyente at tiningnan ang napakagandang mukha ng presidente. Biglang bumalik sa ala-ala niya ang pabor na hiningi ng presidente. Napakunot ng noo si Cayde at napabuntong hininga kasabay ng pagbigat ng ulo niya at pagkatingala. Hindi niya alam kung bakit siya pumayag sa pabor na hiningi ng presidente sa kaniya gayong hindi niya alam kung paano gawin iyon at hindi rin niya maintindihan ang pakikitungo sa kaniya ng lalaking iyon. Gusto na lamang niyang umiwas at huwag pansinin ang mga ganong tao, ayaw niyang mainis ngunit naiinis na talaga siya sa pag-uugali ng lalaking iyon gayong wala naman siyang ginawang mali o masama sa kaniya. Kahit ano pa mang pinagdadaanan niya wala siyang karapatang itrato siya ng ganon. Napabuntong hininga ulit siya at ipinatong ang ulo sa kama ng presidente at ipinagpatuloy ang pag-iisip ngunit dahil sa sunod-sunod na araw na walang tulog, wala pang ilang segundo ay nakatulog ito. Sa kabilang banda, si Vhall ay pansamantalang bumalik sa kanilang bahay upang kumuha ng mga bagay na kakailanganin niya at ng kaniyang ina. Pagkakuha ng mga gamit ay agad siyang dumiretso pabalik sa ospital. Pagkabukas niya ng pinto ng kuwarto ng kaniyang ina, agad niyang nakita ang babaeng kinamumuhian niya. Biglang kumulo ang kaniyang dugo ngunit pinigilan niya ito dahil sa kaniyang inang natutulog. Napaupo siya sa couch at patalim na tumingin sa natutulog rin na doktor sa tabi ng kaniyang ina at inisip kung bakit siya pinaglalaruan ng babaeng tinitignan niya ngayon. ‘Did she really forgotten me? Who is she to act like nothing happened? Like she didn’t hurt me, like she’s not guilty!’ Hindi maatim ni Vhall na titigan si Cayde kung kayat mariin itong tumayo at lumabas sa kuwarto ng ina. Sa pagsara ng pintuan nagising si Cayde at tiningnan ang relo. Nagulat ito nang makitang lumipas na ang halos isang oras kung kayat mabilisan siyang tumayo at tumakbo sa pintuan. Dahan-dahan niya paring sinara ang pintuan para hindi magising si Mrs. Suzzette at tumakbo na sa elevator. Papasara na ang elevator kung kayat sumigaw ito at binilisan pa ang pagtakbo, buti at nahabol niya ito. Huminga siya ng malalim at pumasok na ito, napansin niyang may kasama siya dahil sa paang kaniyang nakita dahil nakayuko lang ito at nakahawak sa tuhod. Lumingon siya paitaas at nagulat ito nang makitang si Vhalle iyon. Napatayo siya ng matuwid at bumati sa kaniya, “Magandang araw po sir” “hindi ka nakakaganda ng araw” Napataas ng kilay si Cayd sa narinig at huminga ito ng malalim upang matimpi ang sarili. Natahimik ang elevator at parang bumagal ang oras para kay Cayde dahil sa ayaw niyang nakakasama ang masungit na lalaking kasama niya ngayon. Bumukas ulit ang elevator at may pinasok na pasyente na nakahiga sa bed, may kasama siyang nurse at dalawa pang lalaki. Tahimik parin ang elevator ngunit maya maya pa ay may naamoy na di kaaya aya si Cayde. Tiningnan niya ang pasyente at iniisip na baka bowel incontinent ito. Napansin niyang naamoy rin ni Vhalle ang hindi nakakaayang amoy kung kayat napakunot noo ito at pumindot sa elevator. Kumisilap si Cayde dahil alam niyang nangdidiri si Vhalle sa naamoy ngunit hindi lang nagsasalita. Napansin rin ni Cayde na nahihiya ang dalawang lalaki. Tumingin naman si Cayde sa pasyente at naiiyak na ito. Alam ni Cayde na ang mga pasyenteng may problema o hindi kontolado ang kanilang pagdumi ay nakakaranas rin ng depressyon kung kayat naawa ito sa pasyente. “huwag po kayong mahiya sir, wala pang nakakahiya magiging maayos din po ang lahat, magagamot din po kayo” biglaang saad ni Cayde sa pasyente. Tuluyang tumulo ang luha ng pasyente at lumingon sa kabila upang ipahayag na hindi nakakatulong ang sinabi ni Cayde. “nosy” biglang bulong naman ni Vhalle ngunit narinig parin ni Cayde kung kayat napapikit nalang si Cayde at humingang malalim. “walang puso” bulong rin ni Cayde ngunit narinig ni Vhalle kaya napalingon ito sa kaniya at binigyan siya ng napakalamig na tingin. Biglang nagsitaasana ng balahibo ni Cayde kung kayat iniwas niya nag tingin niya. “pasensiya na po kayo” biglaang saad ng isang lalaking mukhang bantay ng pasyente. “naiintindihan ko po huwag po kayong mahiya okay lang po kami” “alam kong nangdidiri kayo” saad naman ng pasyente. Naramdaman ni Cayde ang galit ng pasyente sa kaniyang sarili at naawa nanaman ito sa kaniya “huwag niyo poa kayong magalit ang sarili niyo, hindi niyo rin po gusto ang nangyari. Mahal ka po ng kapamilya mo kung kayat andito sila at sinasamahan ka, malalmpasan niyo rin po ito, tiwala lang po sa Diyos.” Bumukas ang pintuan at lumabas na si Vhalle. Habang naglalakad si Vhall palabas ng elavator napapikit siya ng may maalala siya *HIGHSCHOOL THIRD-YEAR “saan mo ba kasi nahulog yung pitaka mo?” “kung alam ko kanina pa natin yun nakuha Vhall”- saad ni Cayde habang sumisilip sa ilalim ng mga bleachers sa mini forest ng paaralan nila “kahit kailan talaga ang iresponsable mo” “kahit kailan talaga ang mareklamo mo, di ka naman naghahanap satsat ka lang ng satsat diyan” Habang silay naglilibot may narinig silang uni ng tuta sa malapit. “saan banda yon?”- Cayde “pati ba yon hahanapni mo?” “oo hanapin natin” muling narinig ni Cayde ang uni ng tuta kung kayat sinundan niya ito at napunta sa isang malaking puno na may maliit na yungib. Sumilip siya at may nakita siyang tuta na nanginginig. “halla Vhall nanginginig siya mukhang hindi nakakain at may sakit” “babalikan naman siya ng nanay niya Cayde, tara na hanapin na natin yung pitaka mo” “paano kung nawawala siya? Kita mong ang payat payat na niya” binuhat ni Cayde ang tuta at nilabas ang biscuit sa bulsa at pinakain ito sa tuta “malapit nang matapos ang recess, halika na” “sandali lang” tinanggal niya ang kaniyang jacket at nilagay sa pagtutulugan ng tuta “bat mo iiwan jacket mo, sisirain lang yan ng aso” “paano naman niya gagawin eh pagtayo nga di niya magawa, balikan nalang nating mamayang tanghalian para painumin at pakainin ulit tapos kapag wala parin ang nanay niya mamayang hapon iuuwi ko na” “babalikan siya ng nanay niya” “paano kung hindi?” “ang kulit neto” “walang puso” saad ni Vhalle at sinimulan nang maglakad pabalik sa kanilang silid aralan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD