Pagkalipas ng ilang buwan, halos hindi nagkakasalamuha sina Vhall at Cayde dahil sa pag iwas ni Vhall at pag-uutos kay Cayde na huwag pumasok sa kwarto ng nanay nito kung naroon siya maliban kung emergency.
“nurse, tumaas ba yung highblood?” saad ni Cayde sa nurse na nagbabantay rin kay Mrs. Vonteyalon
“opo doc kanina pa siya sa taas wala pa po akong nakitang bumaba”
“okay, taas nalang ako mamaya, pagka arte arte kasi ng anak ng boss niyo, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang pagkamuhi niya sa mga tao..lalo na sa akin”
“ganon siguro doc kapag sobrang mayaman hindi umaamoy ng di nila ka-level”
“exactly what I’m saying, sige na puntahan ko muna yung pasyente ko sa ICU” saad ni Cayde at dumiretso ngang ICU.
Pagkalipas ng ilang oras, tiningnan ni Cayde ang orasan at nakaisang oras na siya sa ICU kung kayat sumakay na siyang elevator upang bisitahin si Mrs. Vonteyalon. Pagkalabas niya ng elevator napabuntong hininga siya pagkat ramdam niya lagi ang pinagkaiba ng mayaman at mahirap sa floor na ito. Walang katao tao sa buong lugar, walang ibang doctor at nurses, ibang pasyente at bantay. Sobrang tahimik ng lugar.
Binaybay na ni Cayde ang pasilyo papunta sa kwarto ni Mrs Vonteyalon. Habang naglalakad siya unti unting nagsisitayuan ang mga balahibo ni Cayde kasabay ng paglakas ng t***k ng puso nito.
“napasobra ba ako ng kape kanina?” saad nito habang nakahawak sa dibdib nito.
Nagpatuloy siyang naglakad at binuksan ang pintuan ng kwarto. Napatigil si Cayde ng may makitang nurse na nagiinject kay Mrs. Vonteyalon. Agad siyang napakunot ng noo dahil wala siyang inutos na ipa-inject sa pasyente niya.
“excuse me, ano yan?”
Napalingon yung lalaki at kinabahan si Cayde sa tingin nito lalo na at di niya kilala ang taong iyon.
“May mali dito’ saad ni Cayde sa isip nito. Agad tumakbo si Cayde palapit kay Mrs. Vonteyalon upang tanggalin ang IV nito ngunit agad siyang hinarangan ng lalaki at tinulak ito ng malakas. Susugurin na siya ng lalaki ulit ngunit mabilis niyang nahugot ang gunting sa lab gown nito at tinutok ito sa lalaki ngunit sinipa ng lalaki ang kamay nito. Natumba ulit si Cayde at nakita niyang nakatayo ang lalaki sa maliit na carpet kung kayat buong lakas niya itong hinila at natumba ang lalaki biglang bumukas ang lalaki at iniluwa ng pintuan si Vhall na nagulat sa nakita ngunit agad nitong sinugod ang lalaki. Tumayo naman si Cayde at tumakbo kay Mrs. Vonteyalon. Tinanggal agad ni Cayde ang IV nito at chineck ang heartbeat at paghinga ni Mrs. Vonteyalon. Agad niyang pinindot ang emergency botton. Agad niyang ibinaba ang higaan ni Mrs. Vonteyalon at sinimulan siyang i-CPR.
Sa kabilang banda, sinusuntok parin ni Vhall ang di kilalang lalaki ngunit napatigil ito sandali nung nagsimulang I-CPR ni Cayde ang nanay nito. Agad siyang tinulak ng lalaki at tumakbo sa pintuan. Dahil sa pag aalala ni Vhall sa ina ay hinayaan na lamang niya ang lalaki at lumapit kay Cayde. Kinuha niya ang cellphone at tumawag sa security ng ospital.
“close the hospital, someone attacked my mother, he is wearign a nurse uniform aproximately 5’6 in height” saad ni Vhalle at binaba na ang phone
“how is she”
“hindi siya humihinga at wala siyang heartbeat”
“do everything, BRING HER BACK!!
Biglang bumukas ang pitnuan at pumasok ang ilang doctor at nurses. Tumigil naman si Cayde at muling tiningnan ang heartbeat ni Mrs. Vonteyalon at huminga itong malalim nang maramdaman ito muli.
Lumapit agad ang isang doctor na mas ahead sa kaniya at pumalit sa pag-aasikaso kay Mrs. Vonteyalon.
“Is she fine now?”
Biglang nablanko si Cayde at nanghina ang mga paa nito kung kayat napaupo ito. Biglang napaupo rin si Vhall at hinawakan ang kamay ni Cayde upang alalayan sana siya nang napansin nitong umaapaw ang dugo nito sa lab gown na suot niya. Itinaas niya ang parte ng labgown sa kamay at nakita ang sugat nito. Inalalayan ni Vhall si Cayde paupo sa couch at tinanong yung mga doctor kung kamusta ang nanay neto.
“she’s stable now sir, she is injected with midazolam and because her heart is weak it stopped even with just small amount but because of the fast response of CPR her heart was revived, she is stable now but we will still monitor her sir”- doctor
Napabuntong hininga si Vhall at tumayo palapit sa nanay nito.
“treat her arm” saad nito sa mga doctors pagtukoy kay Cayde. Agad siyang tumawag ulit sa security ngunit sumusulyap parin kay Cayde.
“did you get him?”
“hindi pa po sir, kasalukuyan pong naghahanap ang buong security ng ospital” napabuntong hininga si Vhall
“did you close the hospital?”
“hindi po namin magawang maisara ng buo ang ospital dahil sa may pinapasok na mga pasyente sa emergency room”
“send more men there, update me later”
“yes sir, we are doing our best sir”
“your best isn’t enough” saad ni Vhall at pinatay na ang tawag. Napalingon siya kay Cayde at kasalukuyan parin siyang ginagamot ngunit nakatulala parin ito.
After few hours..
“what happened Dr. Bonde?”- saad ni Mr. Bon pagkapasok niya sa pintuan habang si Cayde ay nakaupo parin sa couch at si Vhall ay nakatayo sa tabi ng ina.
Humingang malalim si Cayde at tumuwid ng upo. Lumingon siya kay Vhall na masinsing nakatingin sa kaniya at makikitang gusto niya ring malaman ang sagot sa tanong ni Mr. Bon hinihintay niya lang na makarecover si Cayde.
“pagpasok ko po sa room kanina nadatnan ko yung lalaki na may itinutusok sa swero ni Mrs. Vonteyalon kaya nagtaka po ako kasi wala po akong naiutos na ipa-administer sa kaniya. Nung makita ko po yung reaksiyon ng lalaki kinabahan po ako lalo’t di ko siya kilala, ilan lang naman po kaming assigned dito at kilala ko lahat kaya sinugod ko po siya kaya at mabilisang tinanggal ang swero ni Mrs. Suzzette para hindi makapasok kung ano mang gamot ang ininject sa kaniya then pumasok na po si sir Vhall”
“you attacked him? Knowing that he is a man? What a dumbness!”
“ano po ba dapat ginawa ko? Konti palang ang nakapasok na gamot sa katawan ni Mrs. Suzzette at muntik na niya itong ikamatay”
“kahit na! Pwede mong ikamatay ang katangahan mo! Tsaka umabot naman ako, I can manage the situation without anyone hurting!” pasigaw na saad ni Vhall. Kitang-kita rin ang galit sa mukha nito. Dahil sa galit na boses ni Vhall uminit na rin ang ulo ni Cayde dahil sa pakiramdam niya sinisisi siya sa nangyari
“katangahan sir? Hindi ba pwedeng naging matapang lang ako at ginawa ko lang ang trabaho ko? Na iligtas ang pasyente ko? Bakit pakiramdam ko ako ang may kasalanan dito? Bakit parang ako ang nasisisi…po!”
“foolishness is what you can term there, you just traumatized and hurt yourself!”
“nag-aalala po ba kayo sa akin sir?”- saad ni Cayde na nagpatigil kay Vhall pero agad itong napalingon kay Cayde.
“never!”
“enough Vhall, she just did her best to save your mother. You must be thanking her” napakunot noo si Vhall sa sinabi ng kaniyang tiyuhin at umiwas ng tingin dito
“thank you Cayde for doing your job and saving Suzzette, we are so much grateful but I think for your good and safety she will not be your patient anymore, I think it is more safer for her to be at home Vhall”- saad ni Mr. Bon at napabaling ang tingin nito kay Vhall. Samantala, halo-halong emosyon ang naramdaman ni Cayde sa sinabing iyon ni Mr. Bon. Di niya alam kung matutuwa o malulungkot ito sa binitawang mga salita ni Mr. Bon
“I will take her home and add more security there, I will hire personal nurse for her and Dr. Suarez can visit her time after time” - dugtong naman ni Vhall sa sinabi ng kaniyang tiyuhin. Nalungkot si Cayde dahil parang tinanggalan siya ng parte sa buhay ni Mrs. Suzzette ngunit alam niyang wala siyang magagawa
“did the security found the guy?”
“they didn’t, I think he’s out of the hospital already, he can disguise and there’s many out here”- Mr. Bon
“the security here is lousy, I will take her home as soon as possible”
“we need to notify Dr. Suarez first, specially your mother’s heart just stop a while ago”
Habang nag-uusap ang magtiyuhin ay hindi parin mawari ni Cayde ang dapat maramdaman, hindi na nga siya kasali sa usapan, mukhang hindi narin siya magkakaparte sa buhay ni Mrs. Suzzette. Sa ilang buwan niyang binabantayan, kinakausap at pinapakalma si Mrs. Suzzette ay parang naging tahanan na niya ito dahil sa bait ni Mrs. Suzzette at nakikita niya ang kaniyang ina sa kaniya. Nagising si Cayde sa malalim na pag-iisip nang magsalita si Vhall
“who do you think has the motive to kill her?” saad ni Vhall at tumingin ng matulis kay Mr. Bon. Kitang-kita ang galit at apoy sa mga mata ni Vhall, parabagang handa itong pumatay kapag nalaman niya kung sinong gumawa non sa nanay niya ngunit mababasa rin sa kaniya na tinuturo niya si Mr. Bon na gumawa nito. Ngayon nagtataka si Cayde kung paanong napunta sila sa topic na yon dahil sa hindi siya nakikinig kanina.
“are you suspecting me? I only care for your mother, I want the best for her nothing more!” saad naman ni Mr. Bon na kita ring umiinit ang ulo dahil sa mga tingin ni Vhall.
“you’re the only one who has the control of the personnel and everything here in the hospital, now that my mother is sick, hindi ko lang alam kung naeenjoy mo ito ngayon at gustong maangkin ang buong ospital mula sa kaniya!” - Vhall.
“think whatever you want to think, but God knows my intentions and my purity from this!, I know I am not a good one, but hurting your mother will not ever cross my mind”- mas nag-aalab at galit nang saad ni mr. Bon
“I never saw your intentions pure, but I’ll get to the bottom of this”- pagkasabi nito ni Vhall at galit siyang lumabas ng kwarto binalibag ang pintuan.
Dahil sa mainit na tensiyon sa loob ng kwarto kahit na lumabas na si Vhal, hindi makagalaw si Cayde sa kinakaupuan niya at gusto nalang niyang lumabas at huminga.
Napansin ni Mr. Bon si Cayde at napabuntong hininga ito.
“you’re still here, sorry that you witnessed something like that, you can now leave”- Mr. Bon
“sige po sir, ipatawag niyo nalang po ako kapag kailangan niyo ako”- Cayde
“okay”- sagot naman ni Mr Bon at umupo sa couch na harap ng inuupuan ni Cayde.
Tumayo na si Cayde at nililingon si Ms. Suzzette bago lumabas ng kwarto. Dahil sa nangyaring insidente kanina at dahil sa nasaksihan niya ay gusto na lamang niyang makalanghap muna ng sariwang hangin kaya imbes bumaba sa emergency room at pumunta na muna siyang rooftop. Pagkabukas niya ng pintuan ay agad niyakap siya ng malamig na hangin. Napangiti ito at ibinuka niya ang kaniyang mga braso. Huminga itong malalim at napapikit. Maya-maya pa ay tinungo na niya ang isang bench upang maupo ngunit napansin niyang may nakatyosa kabilang dulo. Hindi nalang sana niya papansinin pagkat marami may mga hospital workers din naman na nakikita niya at nakakasama niya minsan sa rooftop ngunit pinagmasdan niya ang likod ng taong nakatayo at napatigil siya ng paghinga.
‘bakit ba ako kinakabahan kapag nakikita ko o nakakasalamuha ko ang taong to, naiintimidate ba ako?…..hindi! Wala namang nakakaintimidate sa kaniya..sama ng loob at galit lang naman ata meron sa kaniya’
Dahil sa madaming tumatakbo sa isip ni Cayde tumayo na lamang ito para makaalis sa lugar at di niya makita si Vhall at nagsimula nang maglakad..
“stop there” nagulat at napatigil si Cayde dahil sa narinig na boses. Biglang bumilis nanaman ang pagtibik ng puso ni Cayde at nagsimula siyang kabahan. Dahan-dahan itong lumingon sa pinanggalingan ng boses at nakitang ang taong kaninang nakatalikod sa kaniya ay nakaharap na sa kaniya.
“bakit” ang tanging sambit ni Cayde.
Nagsimulang maglakad si Vhall palapit kay Cayde. Samantalang ang t***k ng puso ni Cayde ay pabilis ng pabilis habang palapit ng palapit si Vhall sa kaniya.
“he assigned you to keep an eye to my mother, right?”- walang emosyon na saad ni Vhall
“opo”
“did he commanded you to report to him everything my mother’s doing and health condition?”- Vhall
“opo, minomonitor niya po ang kondisyon ni Mrs. Suzzette. Lagi siyang tumatawag para kamustahin siya”
Lumayo ng kaunti si Vhall sa kaniya at napahawak sa magkabilang bewang niya at bumuntong hininga ito.
“pero hindi naman po lahat ng galaw ni Mrs. Suzzette tinatanong niya, yung health condition niya lang po wala nang iba” pagtutuloy ni Cayde sa kaniyang sinsabi at napatingin si Vhall sa kaniya at parang sinasabi ng mata nito na
‘what are you saying? It’s just the same’
“tingin ko naman po hindi masamang tao si Mr. Bon nag-aalala lang po siguro siya sa nanay niyo, tingin ko rin po hindi niya magagawa ang mga hinihinala ninyo sa kaniya. Kung alam niyo lang po kung paano siya mag-alala at paano niya bantayan ang nanay niyo hindi niyo masasabing may plano siya o gusto siyang gawing masama sa nanay mo sir”
Ang kaninang walang emosyon na mukha ni Vhall ay napalitan ng galit na ekspresyon.
“you cannot judge a book by its cover, you don’t know him!”- madiin na saad ni Vhall
“hindi ko po siya gaanong kilala pero sinasabi ko lang po kung ano ang nakikita ko at naoobserbahan ko at yun ay ang hindi niya po magagawang ipapatay ang nanay mo”
“you don’t have any right to interfere in this case, wala ka ring karapatang sabihin yan kasi wala kang alam..”- sandaling napatigil si Vhall sa pagsasalita at lumpait ka Cayde at pinantay niya ang mukha niya sa level ng mukha ni Cayde at mas lumapit pa ito. Napatikom ng bibig si Cayde, napatigil siya sa paghinga, mas bumilis pa ang t***k ng puso niya, at pakiramdam niya umiinit ang mukha niya.
“or… you are just acting like you don’t know anything” - kasabay ng pagsabi nito ni Vhall ay ang matalim nitong titig na para bang andami niyang gustong sabihin na hindi niya masambit.
Hindi parin makagalaw si Cayde dahil sa pang nakokoryente siya na hindi makagalaw dahil sa distansiya nila ni Vhall. Ngunit napakunot noo ito dahil sa sinabi ni Vhall at sa titig nitong hindi niya maintindihan ngunit mukhang madaming gustong sabihin.
Ilang segundo pa ang lumipas at tumayong matuwid si Vhall at medyo nakahinga na si Cayde.
“pero sige, ituloy mo lang ang laro mong yan, siguro nga hindi magandang mga pangyayari ang mga iyon para alalahanin at hindi kalimutan”- saad ni Vhall habang nakatingin sa malayo. Nakaramdam siya ng kirot habang sinasambit ang mga salitang ito at nagsimulang mamula ang mata nito pero napapikit ito ng sandali at tumingin ito ng tuwid ulit kay Cayde.
“but from now on, you will not have any connection to us, hindi mo na kami mapaglalaruan kaya tumigil ka na! huwag na huwag ka na ulit susulpot sa buhay namin please lang”- madiin at galit ulit na sambit ni Vhall at nagsimula na itong maglakad palayo kay Cayde.
Naiwan doon si Cyade na litong lito sa mga narinig mula kay Vhall. Hindi niya maintindihan ang mga nasabi ni Vhall.
‘bakit parang may connection ako sa buhay nila? Doctor lang naman ako sa ospital na ito at ilang buwan ko palang nakakasama si Mrs. Suzzette, bakit ba siya galit sa akin? Ano yung larong tinutukoy niya?…..bat parang may alam siya na hindi ko alam?’