“Good morning doc” ngumiti si Cayde dahil sa pagbati ng nurse sa kaniya
“good morning din”
“bat parang nung umaga pa po kayo dito? Hindi po ba kayo bibisita sa presidente?” biglang nalungkot si Cayde ngunit di niya ito ipinahalata sa nurse at ngumiti ulit ito sa kaniya
“iuuwi na ata siya sa kanila”
“ay dahil ba sa nangyaring pagbabanta sa buhay niya?”
“oo”
“okay na rin yun doc para hindi ka nasusungitan ng walang dahilan” napatigil si Cayde dahil sa sinabing iyon ng nurse
‘wala nga bang dahilan?’ biglang tumunog ang telepono ni Cayde at nakita niyang ang nanay niya iyon.
“excuse me lang ha, tumawatawag si mama”
“sure doc” naglakad na si Cayde palayo sa nurse station
“ma, kamusta?”
“okay naman anak, ikaw nga ang kakamustahin sana namin, hindi ka na tumatawag, okay ka lang ba diyan?”
“opo, ma maayos naman ako dito” biglang naalala ni Cayde ang mga nasabi ni Vhall sa kaniya mula nung huling usapan nila
“ma, may tanong po pala ako”
“hmm, ano yun”
“noon ba nung bago ako maaksidente may kakilala akong Vonteyalon?”
“Vonteyalon? “
“opo Vhall Vonteyalon?”
“sa pagkakaalam ko anak wala naman, wala kang pinakilala sa amin na Vhall o kinukwentong Vhall sa amin noon.”
“ganon po ba” napakunot noo si Cayde ngunit humingang malalim dahil ibig sabihin noon ay walang katuturan ang mga sinabi ni Vhall at walang pinagmumulan ang galit niya sa kaniya.
“bakit? May nanggugulo ba sayo diyan?”
“wala po ma, sige na po tawag nalang ako mamayang gabi kapag nakauwi na ako sa apartment mamaya, nasa ospital pa kasi ako”
“sige anak, love you”
“I love you too ma”
Pagkalipas ng ilang araw…
Sa mansion ng mga Vonteyalon, si Mrs. Suzzette ay kasalukuyang nagtatsaa sa kanilang hardin, papasok na sana si Vhall sa kompanya nila nang mapansin ang ina sa hardin.
"Are you feeling better now ma?" Saad nito sabay halik sa pisngi ng ina
"Yah, actually I am feeling better now than before in the hospital. Baka mas kailangan ko lang talaga ng hangin mula dito sa hardin natin and not with the smell of hospital" saad ni Mrs. Suzzette sabay ngiti sa anak
"Good to hear ma, I am going to the office today. I am much needed there but I'll be back earlier"
"Take your time son, I am totally fine and Dr. ____ will visit me later"
"I will hire soon a personal nurse for you ma, atleast may lagi kang kasama dito may nakabantay sa health mo lagi"
"I would highly recommend Dr. Cayde sana pero I know she's busy on her internship and preparation for her exam, sayang. Mabait na bata yun Vhall, she's like my best friend in the hospital haha, ang kulit niya"
"We should not disturb her now, she has many things in her table, I will just find someone" sagot ni Vhall na pansing nag iba na ang mood dahil sa nabanggit nanaman si Cayde
"But there's no one like her" sagot ni Mrs. Suzzete na may ngiti sa labi. Nagkaroon ng sandaling katahimikan dahil aalm ni Vhall na tama ang kaniyang ina.
"I know...." Sandali siyang napatahimik ulit
"But , maybe there's someone better"
"Bakit paring may hugot yon anak?" Sagot ng ina at tumawa ng mahinhin
"Nothing like that I am just saying there are lots of people who can take care of you better" saad ni Vhall at tumayo na sabay ayos sa suit
"Alright, alright, but before you go, let's take a photo. We didn't take one from the day you came back."
Tumayo na rin si Mrs. Suzzette at inabot ng phone niya sa gilid para gamitin at nagpicture na sila.
"I will add it in our album"
"Sure ma, I will check it later. But for now, i really need to go. I will just see you later"
Hanalikan niya ulit sa pisngi ang ina at nagsimulang naglakad
"I love you anak"
"I love you too ma" sagot ni Vhall sa ina.
Pinaprint agad ni Mrs Suzzette ang larawan nila ng anak at dinala sa kwarto niya upang ialagay sa Album nila. Pagkabukas niya ng album, bumungad sa kaniya ang mga larawan ng dalawa niyang anak. Sa mga sumunod na mga larawan ay ang mga larawan ng kaniyang yumaong panganay na si Shaina. Nagsihulugan ang mga luha sa kaniyang mga mata dahil sa pagkamiss sa anak.
"Umuwi na ba si Shaina? Bakit wala pa akong nakikita sa kaniya"
Muling inatake ng sakit na Alzheimer's si Mrs. Suzzette. Lumabas siya sa kwarto upang hanapin ang pumanaw nang anak.
Nakasalunong niya ang isa sa kanilang kasambahay.
"Ate nakita mo si Shaina?"
"Ma'am sino pong Shaina?"
"Yung anak ko ate, hindi niyo siya nakita?"
"Ma'am si sir Vhall lang po anak niyo maam" saad ng kasambahay na hindi alam kung anong nangyayari sa amo, ang alam niya lang may sakkit siya.
"Wala siya dito?" Nag-aalalang sambit ni Mrs. Suzzette
"Wala ma'am" naglakad palabas si Mrs. Suzzette upang hanapin ang anak ngunit wala itong makita.
Nakita niya ang kanilang driver at tiannong kung nakita rin ang anak ngunit hindi rin kialla ng driver ang panganay na anak ng kaniyang amo. Dahil dito tumaas ang takot ni Mrs. Suzzette at lumalala pa ang kaniyang sitwasyon. Bigla siyang sumiyak ng malakas at nagwawala sa garahe nila. Nagsipuntahan ang nga katulong nila ngunit hindi nila alam ang gagawin kung kayat ti awagan nila si Vhall ngunit may biglang bumusina sa gate.
Ang alam nila ay si Vhall na iyon kung kayat bi uksan nila ito ngunit si Mr. Bon ang bumungan hinfi pa siya nakapark ay tumigil na ang sasakyan at dali daling bumaba si Mr. Bon at dumiretso kay Mrs. Suzzette
"Suzzette what happened?"
Nagwawala parin si Mrs. Suzzette habang pinabanggit si Shaina.
"Hinahanap niya daw po si Shaina sir, kanina pa po namin siya pinapakalma hindi po siya kumakalma"
"Suzzette......." Sinu ikng kunin ni Mrs. Bon ang attention ni Mrs. Suzzette
"Suzzette, look at me......." Sa puntong iyon napatigil si mrs. Suzzette at tumingin kay Mr Bong ngunit umiiyak parin siya
"Shaina is on the way, she's safe... don't worry"
"No!!! I want her here now!!!! I need her, I need to see her, I wawnt to make sure she is in good condition!" Nagwawalang saad ulit ni Mrs. Suzzette
..sa kabilang banda…
Sa ospital ng mga Vonteyalon, palabas na si Cayde sa ospital dahil sa tapos na ang kaniyang shift.
Pagkalabas niya ng pintuan, sandali siyang napatigil at napapikit ng mata, kasabay ng paghinga ng malalim na may ngiti sa mukha.
“Sa wakas nakalabas na rin”
Tuloy-tuloy ang naging shift ni Cayde sa tatlong araw kung kayat ang saya-saya niya at nakalabas na rin siya ng ospital.
Napadilat bigla si Cayde ng mata nang makarinig ng malakas na tulog mula sa sasakyan. Pagkadilat niya ay may isang itim na sasakyan ang tumigil sa harapan niya. Bigla siyang kinabahan lalo na noong biglaang bumukas ang pintuan at may dalawang lalaki ang bumungad sa kaniya.
“kayo si Dr. Cayde Bonde?”- tanong ng isang malaki at maskuladong lalaki na mas nagpalakas pa ang kabog ng puso ni Cayde kasabay pa ng nakakatakot na boses ng lalaki at seryosong mukha nito.
Hindi siya nakasagot at patuloy na nakatulala lang sa harapan nila dahil sa gulat at takot. Napansin ng lalaki ang suot nitong ID at bigla siyang hinawakan sa kamay
“siya nga” napatili si Cayde dahil sa sinabi ng lalaki at dahil sa paghawak niya sa kaniya. Hinila siya paloob ng ospital nang tumitili pa ito at dahil sa ilang araw na nasa ospital lang bumaba ang resistensiya ni Cayde at wala itong kalakas lakas para lumaban lalo’t malalakas ang mga lalaki kung kayat sa tili nalang siya bumabawi.
Sinarana nila ang pintuan at pinaharurut ulit ang sasakyan. Nagsisimula nang magsihulugan ang mga luha sa kaniyang mga mata at nagwawala parin ito.
“ma’am, teka lang po masakit sa taenga” biglang napatigil si Cayde ng may marinig na boses ng babae sa likod.
‘ma’am? Kung kinikidnap ako, bakit ako tinatawag na maam, tsaka bakit may babae’
Mabilisang lumingon si Cayde sa likod at parang nabawasan ang kaniyang kaba at napahinto ang kaniyang luha dahil na rin sa pagkalito sa mga nangyayari
“hindi ka namin kinikidnap ma’am kailangan ka lang po namin sa mansion”- pagtutuloy pa ng isang katulong sa likod
Mas lalo pang naguluhan si Cayde kaya hindi siya agad nakapagsalita.
“mansion? Tulong?”
“pinapatawag po kayo ni Mr. Bon sa mansion, inaatake po ng Alzheimers daw si Madam Suzzette”