Natahimik si Cayde dahil sa narinig. Hindi niya alam kung hihinga na siyang malalim dahil hindi siya kinidnap o mag-aalala kung anong kondisyon ni Mrs. Suzzete.
“ano pong nangyari sa kaniya?” nag-aalalang tanong niya
“hindi namin alam, doc. Bigla nalang po siyang nagwawala at hinahanap yung Shaina. Buti nalang meron si sir Bon na nagpapakalma sa kaniya dahil hindi namin alam gagawin pero hindi parin siya kumakalma kaya pinatawag ka ni Mr. Bon”
“ganon po ba sige pakibilisan nalang po kuya” sagot ni Cayde sa driver
Nang kumalma na si Cayde ay nilingon niya ang lalaki sa tabi niya na humila sa kaniyang kamay kanina.
“kuya, naman tinakot niyo ako, bakit di niyo agad sinabi” pagmamaktol ni Cayde
“ma’am tumili po kayo agad baka sabihin nilang kinikidnap ka namin”
“hay nako kuya kung may nakakita non sasabihin talagang kinidnap niyo ako”
“pasensiya na maam nagulat kami nung tumili ka eh” sumbat ng isa pang lalaki sa tabi niya
“eh pano naman ang seseryoso ng mga mukha niyo, tsaka bigla mo akong hinawakan kuya!” malakas rin na sagot ni Cayde pero hindi galit kundi sinisingil lang ang mga kasama niya sa sasakyan
“alangan naman tumawa kami ma’am eh kailangang kailangan ka na nga po sa mansion” parang nagmamaktol rin na sagot ng lalaki sa tabi niya
“oh sige na, oo na pinapatawad ko na kayo mga kuya at ate sa susunod dapat hindi ganon ah”
“opo ma’am”
Pagkadating na pagkadating nila sa mansion agad na binaba si Cayde sa sasakyan at pinaturo kung nasaan si Mrs. Suzzette.
Pinapasok siya sa isang kwarto at nakita niya si Mrs. Suzzette na nakaupo sa sahig at yakap yakap ang isang album. Biglang naawa si Cayde nang makitang gulong-gulo ang mga buhok ni Mrs. Suzzette pati ang mga damit nito at bakas ang mga luha sa mukha nito. Agad lumingon si Mrs. Suzzette sa kaniya at biglang lumiwanag ang mukha nito. Dali-dali itong tumayo at tumakbo kay Cayde. Yinakap ni Mrs. Suzzette si Cayde at nagsihulugan ang mga luha nitong muli ngunit nakangiti parin. Yinakap rin ni Cayde si Mrs. Suzzette pabalik at hinagod ang kaniyang likod.
“hinihintay kita anak kanina pa, saan ka ba nagpunta?”
“lumabas lang po kami ng mga kaibigan ko” sagot naman ni Cayde kay Mrs. Suzzette habang nakangiti. Kailangan niyang sabayan si Mrs. Suzzette upang kumalma ito at hindi pa matrigger ang kaniyang sakit.
“I see, kung ganon kumain ka na?”
“opo, ikaw po ba kumain na?”
“hindi pa, hinihintay kita anak, kayo ni Vhall sabay-sabay sana tayong kumain”
Nang marinig ang pangalan ni Vhall ay nilibot agad ni Cayde ang mata sa buong paligid pagkat alam niyang galit mag-iinit nanaman ulo ni Vhall kung makita siya. Hindi niya nahagilap si Vhall ngunit nasagip ng kaniyang mata si Mr. Bon sa gilid na nakatayo at pinagmamasdan sila. Nagbigay pugay ito at itinuon ulit ang atensiyon kay Mrs. Suzzette.
“sabayan ko nalang po kayong kumain” saad ni Cayde at ngumiti kay Cayde
“tutal kumain ka na, hindi pa naman ako nagugutom kaya hintayin nalang natin si Vhall anak para sabay-sabay tayo”
‘naku, talagang magkikita pa kami’ saad ni CAyde sa kaniyang isip at kahit hindi gusto ni Cayde ay ngumiti nalamang ito at tumango kay Mrs. Vonteyalon
"Halika dito anak, habang naghihintay tayo sa kapatid mo, tingnan natin yung mga litrato niyo nung mga baby pa kayo"- saad ni no Mrs. Suzzette sabay hila kay cayde palapit sa may mga album na may kasamang ngiti sa mga labi nito at tuwa sa ka iyang mga mata.
Sandaling napatigil si Mrs. Suzzette ng makitang nakagulo ng mga litrato sa kaniyang pagtulugan maging sa sahig.
"Bakit nakagulo ang mga ito? Ang ayos ayos nito kanina"
"Ayusin nalang po natin"
Habang inaayos pinupulot ni Cayde ang mga litrato napapangiti siya dahil sa sobrang cute na dalawang baby na nakikita niya. Maya-maya pa ay nakakita siya ng larawan ng isang batang babae.
'Baka eto yung Shaina, ang ganda naman niya. Paanong napagkakamalan ako ni Mrs. Suzzette na siya. Ang layo naman ng facial features namin'
"Naalala mo pa kung saan natin yan kinuha?"
"Kailan nga po ulit?"
"Ang makakalimutin mo talagang bata ka, galing tayo sa ospital diyan tapos dumaan tayo sa Bernard's park kasi gustong gusto mong makita ang mga bulaklak doon" napakunot ng noo si Cayde dahil sa sinabi ni Mrs. Vonteyalon pagkat may Bernard’s park rin sa kanilang probinsiya.
"Bernard's park po?”
“huwag mong sabihing nakalimutan mo rin iyon?”
“huh? Hindi po, yung park na may lake at malapit sa school po diba?” gustong iverify ni Cayde kung ang park na tinutukoy ni Mrs. Suzzette ay ang park na alam niya.
“definetely! Favorite place niyo nga iyon ni Vhall” biglang kinabahan si Cyade dahil sa pagkumpirma ni Mrs. Suzzette. Ngayon mas naguguluhan siya at nagtatanong kung bakit parang may koneksiyon siya sa buhay nila Mrs. Suzzette at Vhall.
“Shaina, see how cute your brother when he is a baby”
Biglang nawala yung mga iniisip ni Cayde dahil sa sinabi ni Mrs. Suzzette at napalingon ito sa kaniya. Napangiti siya nung makita ang isang larawan na natutulog na sanggol ngunit napatili siya ng bahagya ng lumipat ang kaniyang mata sa baby na nakahubad. Napapikit siya ng mata dahil alam niyang si Vhall iyon.
Napatawa ng malakas si Mrs. Suzzette dahil sa reaction ni Cayde at narinig din ni Cayde ang kontroladong tawa ng mga maids sa likod nila.
“parang hindi mo naman siya kapatid anak, naglalaro nga kayo nung mga bata pa kayo sa ulan na hubot hubad”
“mga bata pa po kami non, iba na ngayon” saad ni Cayde at mabilis na nilipat ang pahina ng picture frame. Napatigil ulit siya dahil sa teenager na lalaki na nasa larawan. Parang kilala niya ito ngunit hindi niya matukoy kung sino siya sa buhay niya. Ang alam lang niya ay siguradong si Vhall iyon ngunit napapaisip siya kung bakit pamilyar ang mukha niya nung bata pa siya. Mas lalo pa siyang kinabahan at nagtingin pa ng ibang mga litrato. Sa pagbukas niya ng mga pahina ay mas lalong sumisikip ang kaniyang dibdib at nagsimulang sumakit din ang kaniyang ulo.
“I think the food is ready” nagulat si Cayde ng marinig ang boses na iyon sa kaniyang likuran.
Lumingon ito at nakita nga si Vhall na nakatayo sa may pintuan at mukhang kanina pa siya roon.
“Son, you’re home. Hinintay ka talaga namin para sabay tayong kumain, lets go now” hinawakan ni Mrs. Suzzette ang kamay ni Cayde at hinila ito palapit kay Vhall at hinawakan niya rin ang kamay ni Vhall at sinumulan ni Mrs. Suzzette na akayin silang dalawa papuntang kusina. Habang hinihila sila ay patuloy na tumatakbo ang utak ni Cayde at gulong-gulo sa kaniyang nararamdaman. Lumingon sa kaniyang kasamg hinihila at tinitigan niya ito ng masinsinan at sinusubukang alalahanin kung kilala niya ba talaga ito or parte ba siya ng nakaraan niyang naglaho at tinangay ng aksidente na nangyari noon.
Biglang lumingon si Vhall kay Cayd. Nagulat si Cayde ngunit patuloy na nakatingin ito kay Vhall. Walang ekspresyon ang mukha ni Vhall.
“I have cooked giniling na karne for you both diba paborito niyo yon” hinanap ni Mrs. Suzzette ang giniling na karne sa table ngunit wala itong makita.
“bakit ibang pagkain naman na andito, kakaluto ko lang non kanina” lumingon si Cayde sa mga maids at nagsesenyas silang walang giniling na karne silang naluto. Nagsisimulang magpanic si Mrs. Suzzette kung kayat nagsalita si Vhall.
“Don’t worry ma, okay naman etong mga to mabubusog parin tayo”
“no, I have been preparing it for hours but what happened why is it nothere?”
“wow! Kaldereta po ba ito? Ang sarap naman tingnan mukhang mapapasabak tayo sa kainan dito”- pagsingit ni Cayde sa eksena at mabilisang pinaupo na si Mrs. Suzzette at sumandok na ito ng pagkain. Naaliw naman si Mrs. Suzzette at ngumiti ito kay Cayde at nagsimula na ring sumandok ng pagkain niya. Nakahinga silang maayos nang makitang kalmado na si Mrs. Suzzette maging si Mr. Bon na nasa tabi lang na pinagmamasdan sila ay humingang malalim rin.
Habang sila ay kumakain, naging masaya ang kuwentuhan nila Mrs. Suzzette at Cayde ngunit si Vhall ay tahimik lang na kumakain sa tabi at hindi sinusubukang makisali sa usapan nilang dalawa.
“why are you silent son? Is there something wrong in school? Do you have problem with your friend?”- napansin Mrs. Suzzette ang pananahimik ni Vhall kung kayat tinanong niya ito. Napatigil si Vhall sa tanong ng kaniyang ina pagkat isang tao lang naman ang kaibigan niya nung highschool sila
“I don’t a have a friend ma”
“huh? What happened to………?”biglang napatigil si Mrs. Suzzette pagkat nawala sa memorya niya kung ano ang pangalan ng kaibigan ni Vhall
“what’s her name again son?”
“hindi ko siya kaibigan” simpleng sagot ni Vhall habang walang emosyon na kumakain padin
Napalingon si Cayde kay Vhall dahil sa ngayon lang ata medyo pabalang ang pagsagot nito sa kaniyang ina at nakita niyang wala parin emosyon ang mukha ni Vhall.
“okay fine, you got problems again with her” napalingon si Cayde kay mrs. Suzzette dahil sa ‘her’ na binaggit niya. Ibig sabihin babae ang kaibigan ni Vhall. Tumingin ulit ito kay Vhall
‘hindi siya mukhang nakikipagkaibigan tas babae pa kaibigan niya noon’ yun na lamang ang naisip ni Cayde sa pag-uusap ng mag-ina