Liham

1514 Words
Pagkatapos nilang kumain ay pinagpahinga na ni Cayde si Mrs. Suzzette kasabay nito ay ang kaniyang pagcheck up sa kaniya. Dumating na rin yung doctor ni Mrs. Suzzette at nagkausap sila. “She really needs you right now, her condition is getting worst each day. We can manage and delay her situation if someone is always around to look and her and someone who can calm her. I already talk to Mr. Bon and Mr. Vhall and they agreed to keep you close to her” “pero doc, paano po yung internship ko, may ilang buwan pa po bago matapos yon. Gusto ko ring tulunga si Mrs. Suzzete pero may review din po ako for the upcoming exam” “don’t worry about it, according to your performance in the ER, your professors allowed you to lessen your shifts to give more attention to Mrs. Suzzette. You’ll be here every weekend. Also, Mr. Bon told me a while ago that you will receive a salary from being a personal doctor of Mrs. Suzzete.” Pagkatapos ng usapan nila ay kinuha na ni Cayde ang mga gamit niya upang makauwi na. Sa kabilang banda ay nag-uusap din sina Mr. Bon at Vhall sa veranda ng bahay nila Vhall. "Your mother needs her, I will call in the hospital. She will visit your mother every weekend and in case of emergency like a while ago, my men under security will usher her here" - Mr. Bon Dahil sa nangyari kanina, hindi na makahindi si Vhall sa mga nasabi ni Mr. Bon kung kayat hindi ito umimik at nakatingin lang sa malayo. "I have talked to your mother’s doctor a while ago while you are eating at sabi niya na makakabuti s aiyong ina na laging nababantayan at makakatulong rin sa kaniya kung laging nasa paligid niya si Cayde" - pagkasabi nito ni Mr. Bon ay biglang tumunog ang kaniyang telepono “We’ll talk again later” “we don’t have to, I will take care of her” sandaling napatigil si Mr. Bon sa sinabi ni Vhall at napabuntong hininga at umalis na Pagkaalis ni Mr. Bon ay ang pagkahagilap naman ni Vhall kay Cayde na pauwi na. Habang naglalakad si Cayde ay nilugay nito ang kaniyang buhok upang ayusin mula sa pagkagulo. Sandaling napatulala si Vhall dahil sa angking ganda ni Cayde. Magandang kutis, matangos na ilong, magandang buhok, ito ang nga katangiang hinahangaan ng marami noong highschool pa sila ni Cayde. At kahit nakascrub suit ito ay mahahalata ang kaniyang magandang katawan. Biglang napatigil si Cayde sa paglalakad at lumingonbito sa mansion at sinusubaybayan lang ni Vhall ang bawat galaw niya. "Hindi familiar ang bahay na eto, pero bakit parang may familiar" saad ni Cayde ngunit hindi rinig ni Vhall mula sa veranda ng kanilang masion. Tumlikod na si Cayde at pinagpatuloy ang paglalakad. ----- FLASHBACK - highschool "Ano yan?" Tanong ni Vhall kay Cayde pagkarating niya sa likod ng paaralan nila na tambayan nilang dalawa. "Sa itsura palang ng papel na to mukhang alam ko na" saad ni Cayde sabay amoy sa papel "May scent pa talaga " saad niya. "Pakita nga!" Sabi ni Vhall sabay hablot ng papel na hawak ni Cayde. Hinayaan lang ni Cayde ito at nilabas na ang biscuit na baon niya at nagsimula nang kumain. Sa dami ng nabasa na niyang love letter para sa kaniya hindi na siya kinikilig at hindi na siya naeexcite magbasa ng kahit anong love letter. "Para kang araw sa umaga, pagkat liwanag lang ang aking nakikita sa tuwing nasusulyapan ka" - pagkabasa nito ni vhall mula sa liham ay tumawa ito ng malakas “Kanino galing?" Tanong ni Cayde at kinuha ang liham "Kay Lester" "Siya ulit? Di ba siya napapagod? Sabihan ko kaya siyang tumigil na?" "Dapat last year mo pa yan ginawa" sagot ni Vhall sabay kuha ng pagkain ni Cayde "Ay hindi ko na alam! Bahala sila" "Eto lang dala mo?" Pagtukoy ni Vhall sa biscuit ni Cayde na hawak niya “nakikikain ka lang, abusado ka pa” “may sinuatan ka na ba?” tanong ni Vhall bigla kay Cayde “na alin?” “na lalaki” “hmmmm… meron” napatigil si Vhall sa pagnguya dahil sa sagot ni Cayde “kailan?” seryosong tanong ulit ni Vhall “di ko na maalala” kalmadong sagot ni Cayde “sino” seryosong tanong ni Vhall “secret” sagot ulit ni Cayde sabay higa at tumingin sa ulap kasabay ng kaniyang pagngiti “bakit parang ang saya mo?” “bakit andami mong tanong?” kalmadong sagot parin ni Cayde habang nakatingin sa ulap “bakit ayaw mong sabihin sino siya?” “bat ko sasabihin?” “diba kaibigan mo ako” “hmmmm……oo” “bakit ayaw mong sabihin?” “ayoko lang” “sino nga” naiinis nang tanong ni Vhall “ayoko nga” saad ni Cayde na may ngiti sabay pikit ng mata. Mas nainis pa si Vhall dahil parang may naaalala si Cayde na nagpapangiti sa kaniya. Tumayo na si Vhall at iniwan si Cayde doon. Napamulat si Cayde at tumawa ito nang makitang palayo na si Vhall sa kaniya. Humiga siya ulit at inalala yung unang pagkakataon na nagsulat ng love letter sa lalaki. Hi! Alam kong hindi mo ako kilala, nagkatinginan lang tayo sa park last week, kasama mo mama mo. Ang ganda niyong panoorin, hindi ko alam pero napangiti mo ako nung pinagmamasdan kitang nakikipag-usap sa mama mo. Napangiti mo ako ulit kahapon, nung nakita kita sa bookstore. Mag-isa ka lang, nagbabasa ka ng libro sa isang sulok. Hindi ko alam pero ang saya mo titigan, sa totoo lang bago ako pumunta sa bookstore ay galit ako dahil hindi umuwi si daddy sa birthday ko pero nung nakita kita parang nawala yung galit at lungkot na nararamdaman ko. Habang sinusulat ko din ito ay napapangiti ulit ako. Bagong lipat ata kayo dito sa amin, ngayon lang kita nakita dito. Gusto ko sanang malaman pangalan mo. Sana ay makita kita ulit, at sana malaman ko na pangalan mo. Sa pagkakataong iyon, sana ikaw din ay mapangiti ko. From: Cayde Bonde Napamulat ng mata si Cayde ng marinig ang bell. Tumayo na siya at nag-ayos para pumasok ulit. Pagpasok niya sa kanilang silid ay hindi siya pinapansin ni Vhall. Nagpatuloy ito hanggang sa natapos ang buong maghapon na klase. “Vhall!” sigaw ni Cayde sa corridor nang makitang pauwi na si Vhall. Tumigil si Vhall at lumingon sa kaniya pero wala paring emosyon. Dahil dito natawa ng bahagya si Cayde dahil sa alam niyang nagtatampo pa si Vhall sa kaniya. Dahil sa pagtawa ni Cayde ay mas nainis pa si Vhall kung kayat tumalikod ulit ito at galit na umuwi. Pagpasok ni Vhall sa bahay nila ay sumalubong agad ang nanay niya. “anak, may naluto akong meryend, nasa lamesa, tirhan mo nalang ate mo mamaya pa yon uuwi. Lalabas muna ako. Bibili ng mga gulay at gamot ng ate mo” Hindi pinansin ni Vhall ang sinabi ng ina at dumiretso sa kwarto niya at padabog na sinara ang pintuan. Napabuntong hininga nalang ang nanay ni Vhall dahil sa alam nanaman niya kung anong nangyari. Palabas palang si Mrs Suzzette ay nakita na niya ssi Cayde na palapit sa kanilang bahay. “sabi ko na” pabulong na sabi ni Mrs. Suzzette at napatawa ng bahagya “tita, nakauwi na po si Vhall?” hinihingal pang sabi ni Cayde “mga bata kayo, ano nanaman napag-awayan niyo?” sagot naman ni Mrs. Suzzette “maliit na bagay tita” saad ni Cayde at ngumiti “O siya nasa loob siya, bahala kang mansuyo at may bibilhin pa ako sa labas.” saad ni Mrs Suzzette at nagsimula nang maglakad palayo “tita makikimeryenda po ako ah” medyo sigaw ni Cayde dahil sa medyo nakalayo na si Mrs. Suzzette Napatawa ulit si Mrs. Suzzette at tinaas niya lang ang kamay niya tsaka tuluyang umalis samantalang si Cayde ay dumiretso na sa loob. dumiretso sa kusina si Cayde at kumuha sa nilutong turon ni Mrs. Suzzette at nilagay sa plato. pumasok siya sa kwarto ni Vhall at nakita niya itong nagcocomputer, gumagawa na ng assignment. "ang aga naman ng paggawa mo kakabigay lang kanina niyan eh" hindi pinansin ni Vhall si Cayde at patuloy lang sa paggawa. "may dala akong toron, kain na tayo gutom na ako. tama na muna yan mamaya mo na tapusin" saad ni Cayde ngunit di parin siya pinansin ni Vhall "pleaseeeee" Napatigil sa pagtatype si Vhall at napabuntong hininga. Lumingon siya kay Cayde at ngumiti si Cayde sa kaniya. "hindi mo dinala yang turon, hinanda yan ni mama" "dinala ko dito sa kwarto mo mula sa kusina niyo" pagkasabi ni Cayde nito ay ngumiti ulit siya "sino yung sinulatan mo ng love letter?" "malalaman mo din" sagot ni Cayde at ngumiti ulit kay Vhall "gusto ko ngayon" "hindi! sasabihin ko pagkatapos ng graduation natin" "isang taon pa bago yun!" ngumiti ulit si Cayde sa kaniya at kumain na ng turon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD