Housemate

1697 Words
CHAPTER 11 Napamulat ng mata si Vhall nang maramdamang umaga na dahil sa liwanag ng araw na pumapasok sa kwarto niya. Napalingon siya sa bintana at napabuntong hininga dahil kahit nakapikit ay hindi siya nakatulog buong magdamag. Tumayo na siya at dumiretso sa banyo upang maligo. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas na ito nang banyo na nakatuwalya lang. Nang magawi ang mata nito sa kaniyang pintuan ay naistatwa ito nang makita si Cayde na nakatayo roon at may hawak na maleta sa kanang kamay. Matagal silang nagkatitigan at mapapansin rin na nabigla si Cayde kung kayat hindi ito makagalaw at makasalita. “enjoying the view?” pagbasag ni Vhall sa katahimikan Nang makabawi ng lakas si Cayde ay di na niya ito sinagot at kinusilapan nalang niya si Vhall at hinila ang maleta palabas. “huh!” napa-scoff nalang si Vhall dahil sa pagkusilap ni Cayde. Sa kabilang banda, pagkalabas ni Cayde ay napapikit siya at takip ng mukha dahil sa hiya at ramdam niya ang pag init ng kaniyang mukha dahil sa nakita. “doc. Cayde okay lang po kayo? Dito po yung kwarto niyo” saad ni aling Marina katulong nila Vhall. “ate naman! Sabi niyo pangalawang pintuan! Kwarto naman ito ni sir Vhall!” nagpapanic at naiinis na sumbat ni Cayde “halla doc! Oo nga po pangalawang pintuan, doon po” sabay turo sa gray na pintuan “eh pangatlo na yan oh, may isa pang pintuan doon ate” sabay turo sa isang pintuan na medyo malayo sa kwarto ni Vhall “ay doc hindi po yan kabilang sa bilangan kasi study room po yan” Napataas ng kilay si Cayde at di niya alam kung maiinis o matatawa sa sinabi ni aling Marina “hay nako ate pahamak ka” pabirong saad niya sa katulong at nagpaalam na upang makapasok sa kwarto niya. FLASHBACK (pagkatapos iwan ni Vhall si Cayde sa kalsada) Galit na galit si Cayde dahil sa trato at pag iwan ni Vhall sa kaniya sa kalagitnaan ng daan kung saan walang kahit anong bahay or establishment manlang, puro puno sa paligid. “napakaspoil na lalaki! Di manlang inisip na delikado mag iwan ng babae sa ganitong lugar! Parang ang bigat bigat ng kasalanan ko sa kaniya. Well in fact wala naman akong maisip na ginawa sa kaniya basta magmula makilala ko siya ganon na siya! Ni katiting na ugali ng nanay niya wala siyang nakuha” Napatigil si Cayde sa pagsasalita at paglalakad nang tumunog ang kaniyang telepono. Dahil sa galit niya sinagot niya ito nang hindi binabasa kung sino yung tumawag. “Hello!” galit na salubong ni Cayde “Cayde?” mahinahong sagot mula sa kabilang linya “sorry po Mrs Suzzette, opo ako po ito” nahihiyang sagot nito nang makilala ang boses ni Mrs. Suzzette “why are angry? Are you fighting with Vhall?” ‘galing niyo pong manghula’ “hindi po” “are yoou sure? Put Vhall on the line” “pauwi na po ata siya sa inyo maam” “call me tita” “okay po” pumayag ni si Cayde tutal mayat maya din lang ang pagsasabi nito sa kaniya na tawagin siyang tita “diba kakaalis niyo lang? Bakit pabalik na siya agad?” hindi alam ni Cayde ang isasagot kung kayat tumahimik na lamanh siya “did he left you?!” tumaas na ang boses ni Mrs Suzzette ng mapagtanto ito “okay lang po ako tita lakad lang po ako ng kaunti baka may taxi na sa highway” pagsisinungaling ni Cayde dahil alam niyang malayo pa ang highway mula sa kinalalagyan niya “no I will sen my driver to drive you home, I am sorry Cayde for the attitude of my son I will give words to him” “sige po maam” saad ni Cayde at napangiti ito dahil gusto niyang mapagalitan si Vhall “I have a better proposal” napaisip si Cayde kung ano kaya ang tinutukoy ni Mrs. Suzzette “ano po iyon” “you will stay with us” “stay with you?” nagpaprocess palang palang sa utak ni Cayde kung anong gustong sabihin ni Mrs. Suzzette “yes, para hindi mo na kailangang umuuwi, ospital at dito nalang ang pinupuntahan mo, mas convinient sayo, you will save pa sa rent mo” medyo napatawa si Cayde dahil sa sinabi ni Mrs. Suzzette “hindi na po tita okay lang po na pinupuntahan kita” ‘ayokong makasama ang katulad ni Vhall sa iisang bubong, ayokong makaranas ng impyerno “no, it is better, at least may doctor sa bahay, lalo na at hindi natin alam kung kailan umaatake ang sakit ko” napatahimik si Cayde dahil nag iisip pa siya kung anong irarason kay Mrs. Suzzette “I will double your pay” muling saad ni Mrs. Suzzette “Tita hindi po kasi sa pera” “please Cayde, I need your help” “I will think of it tita” pumayag naman si Mrs. Suzzette kung kayat binaba na ni Cayde ang telepono Habang naghihintay ay pinag-iisipan ni Cayde ang offer ni Mrs. Suzzette. ‘maganda sana yugn offer ni Mrs. Suzzette para hindi na ako mahirapan kaya lang hindi ko rin matiis ang ganoong ugali ni Vhall baka hindi pa matuloy na makuha ko yung lisensiya ko bilang isang doktor dahil sa kaniya.’ Nakarinig ng busina si Cayde napansin ang paparating na sasakyan. Sumakay na siya at umuwi sa apartment niya. Pagkadating niya sa apartment ay diretso siyang humiga sa kama at tinitigan ang dingding. “God help me in deciding” Kinaumagahan ginising siya ng isang malakas na katok sa pintuan niya. Kung kaya dali dali itong tumayo upang pagbuksan ang tao. “Good morning po” saad ni Cayde ng makilala ang kaniyang landlord sa harap ng kaniyang pintuan “sorry malakas ata yung pagkatok ko kaya lang emergency kasi, pasensiya na iha kung bigaan kailangan kasi ng kapatid ko ang kwarto dito sa taas nasunog kasi kagabi yung tinitirhan nila…dahil wala ka pa kagabi nung pumunta sila, pinatulog ko muna sila sa baba. Kaya siksikan kami doon ngayon. Pasensiya ulit pero kailangan mo nang maghanap ng lilipatan as soon as possible as today anak” Hindi alam ni Cayde ang kaniyang sasabihin lalo na at mabait sa kaniya ang landlord siguradong naiipit din lang ito sa sitwasyon. Pumayag siya sa sinabi ng kaniyang landlord at nagpaalam na rin ng maayos sa kaniyang mabait na landlord Pagbalik niya ay nahiga ulit siya sa kama at nakatitig lang ulit siya sa diding. “Lord is this Your answer?……then I’ll follow” Nanalangin na rin si Cayde bago tumayo sa higaan niya at nagsimula nang mag imapake. Dahil sa hindi siya gaanong umuuwi sa kaniyang apartment ay wala siyang gaanong gamit doon kung kayat wala pang 30 mins ay tapos na siya sa pag aayos at tinawagan na si Mrs. Suzzette “Good morning Mrs. Suzzette sorry po napatawag ako ng medyo maaga” “good morning Cayde, it’s fine alam mo kapag tumatanda na’y maaga kang nagigising sa umaga…so have you decided” agad na tanong ni Mrs. Suzzette “yun nga po tita, is it still up?” “of course it is! Are you coming na?” “Tita sorry po may emergency din po dito sa apartment ko kaya kailangan kong lumipat, wala na kasing oras maghanap ng lilipatan…” “Oh really, thank God for that! I mean I do not know the emergency but I am just happy that He made way for you stay with us” natutuwang sabi ni Mrs. Suzzette “Thank you po Mrs. Suzzette” Pagkatapos ng kanilang usapan ay nagtaxi na si Cayde papunta sa mansion ng mga Vonteyalon . -end of flashback- Nakarinig ng katok si Cayde sa kaniyang pintuan “pasok po” Pagbukas ng pintuan ay maaliwalas na mukha ni Mrs. Suzzette ang bumungad kay Cayde “Hi there, how are you with your room? Hindi mo lang alam gaano ako kasaya na andito ka” “Tita more than na nga po ito eh” “maa..” rinig mula sa labas ang pagtawag ni Vhall sa nanay niya “I am here son” masiglang sagot ni mrs. Suzzette kasabay ng pagpasok ni Vhall sa kwarto ni Cayde. Natigilan siya ng makita si Cayde na nakaupo sa kama katabi ng maleta niya. “is she staying here?” nakakunot na tanong ni Vhall. Kitang kita sa mukha nito ang hindi pagsang ayon sa nakikita niya ‘eto na nga ang sinasabi ko kung bakit ayaw ko dito’ napabuntong hininga si Cayde habang iniisip ito sa harap ni Vhall at Mrs. Suzzette “yes anak, I am so happy that she decided to stay. Oo nga pala hindi pa kita napagsabihan, I can’t find you kagabi. How could you leave a woman in the middle of no where? You must not treat her like that! You never done that to anyone. Why’d you do that to her” Nagbigay ng malamig na tingin si Vhall kay Cayde at napascoff nalang si Cayde dahil sa tingin ni Vhall. Nawalan na siya ng respeto sa kaniya tutal wala din naman siyang nakukuhang respetokahit bilang tao manlang mula sakaniya “I’ll just go ma’ I am running late” sabi nalang ni Vhall at hinalikan ang nanay niya sa pisngi “wait! Hatid mo na rin si Cayde late narin siya sa ospital” “no ma’ I cannot this time bawi nalang ako sayo mamaya pag-uwi ko gawin natin gusto mo” saad ni Vhall at umalis na. Napabuntong hininga si Mrs. Suzzette sabay tingin kay Cayde “I’ll ask sorry again for my son’s attitude, I don’t know why he’s like that hindi naman siya ganoon dati. Pagbalik niya mula America nagbago na siya. I need to teah him before I leave him” “You have all the time tita to teach him, you have more time to do that” paninigurado ni Cayde kay Mrs. Suzzette “Thank you Cayde” at binigyan ni Mrs. Suzzette ng matamis na ngiti si Cayde
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD