“I can see something on your eyes” makahulugang sambit ni Richard
“you’re delutional” deadmang sagot ni Vhall at nauna na sa paglalakad sa kaniya
“let’s go on the eye glasses first, I think I need it now, my eyes says I am old already” saad ni Mrs Suzzette sabay tawa
“Miss, you are too young to say that” pagbibirong saad ni Richard kay Mrs Suzzette at inakbayan niya ito at nauna silang pumasok sa store ng eyeglasses sa mall. Nahuli sina Vhall at Cayde sa paglalakad at lumingon si Cayde kay Vhall at diretso lang ang tingin nito sa nanay at kaibigan niya.
Kasalukuyang naka-casual wear si Vhall ngayon, siya ay nakapolo at short na nagpalakas ng kaniyang dating. Pinapalitan ni Mrs Suzzette ang mga business suit nila bago sila umalis ng bahay para daw hindi sila magmukhang guard nila lalo na at nakasunod lang sila lagi sa likod. Hindi maiwasang maakit si Cayde dahil sa angking kagapuhan at dating ni Vhall. Kanina pa niya napapansin na pinagtitinginan sina Vhall at Richard pagpasok palang nila ng mall.
“what?” napansin ni Vhall na nakatingin sa kaniya si Cayde kung kayat napatanong ito ngunit kapansin-pansin parin ang kaniyang kasungitan kay Cayde
“subukan niyo kayang ngumiti sir kahit minsan” biglang sagot ni Cayde na kahit siya ay nagulat kung bakit nasabi niya iyon ngunit ngumiti ito ng malapad kay Vhall.
Napatigil sa paglalakad si Vhall at tumingin kay Cayde.
“I usually smile but not when you’re around” masungit na saad ni Vhall at pinagpatuloy ang paglalakad papasok sa store. Napaisip si Cayde kung bakit parang iba ang galit ni Vhall sa kaniya samantalang wala naman siyang ginawang masama sa kaniya. Muli niyang naalala ang mga nasabi ni Vhall sa rooftop nang nagkasagutan sila, ngunit binalewala na lamang niya nag mga nasa isip niya at pumasok na rin.
“Cayde, what do you think of this?” pagpasok palang niya ay tinanong na siya kung bagay ba ni Mrs. Suzzette ang suot niyang eyeglaasses. Ngumiti si Cayde ng makita niya ito.
“you look good on that ma’am” mahinang tinapik ni Mrs. Suzzette ang balikat ni Cayde pagkasabi niya doon
“ma’am again?”
“medyo nahahabaan po kasi ako sa Mrs. Suzzette” nahihiyang sagot ni Cayde
“okay call me tita, --no buts” aangal palang sana si Cayde ay hindi na siya hinayaan ni Mrs. Suzzette parang tuloy mas nahiya siya lalo na sa dalawang lalaking kasama nila baka isipin nila na gold digger talaga siya at gumagawa siya ng paraan para makahuthot sa presidente ng ospital na pinagtatrabahuan niya kahit wala naman siyang kahit anong intensiyon na ganon. Nang lumingon siya kay Richard ay maaliwalas ang ngiti nito pero nang nilingon niya si Vhall para siyang kakainin nito. Huminga nalang syang malalim at nginitian si Mrs. Suzzette
Pagkatapos nilang bumili ng eye glasses ay nag-ikot pa sila sa mall. Patuloy lang na nagkukwentuhan sila Cayde at Mrs. Suzzette samantalang yung dalawa ay sumusunod lang sa likod nila. Paminsa-minsan ay sumasabay si Richard sa kanila upang makipagkwemtuhan ngunit kung may tawag ito ay sumasabay nalang siya kay Vhall pagkat hindi naman siya nagsasalita.
“I’ll buy you all shirts, let’s go there” sabay turo ni Mrs. Suzzette sa store ng mga damit
“hindi na po ak----” hindi na pinatapos ni Mrs Suzzette si Cayde
“huwag mong isipin na iba ka, bibilhan din kita ng damit” sabay ngiti ni Mrs Suzzette sa kaniya at naunang pumasok sa store. Pagpasok nila ay naupo muna ang dalawang lalaki at pumunta sila Mrs. Suzzette at Cayde sa mga dresses.
“nagdedress ka ba anak?”
“ hmm, opo kapag Sunday tita, kapag nakikimisa”
“ohh I will go with you this Sunday, can I?”
“oo naman po” natutuwang sagot ni Cyade
“so we need dresses, what color do you like?”
“I would choose white tita” sagot ni Cayde kung kayat nagtingin sila sa mga puting dresses
“this look good on you” saad ni mrs. Suzzette nang makakita siya ng isang napakagandang dress.
ngumiti si Cayde dahil ang ganda ng napili ni Mrs Suzzete
“isukat ko tita” saad ni Cayde at dumiretso siyang fitting room. Pagkasuot niya ay nagandahan siya sa damit, lumabas siya upang ipakita kay Mrs. Suzzette ngunit wala siya sa kinakatayuan nila kanina
“Cayde!” narinig niya ang tawag sa kaniya ni Mrs. Suzzette kung kayat lumingon siya sa pinanggalingan ng tunog at nakita niya si Mrs Suzzette na naka-upo sa gitna ng dalawang kasama nilang lalaki. Nahiya si Cayde at namula ang mukha ngunit ngumiti nalang ito
“you look elegant” nakangiting saad ni Richard kay Cayde
“ofcourse, I chose it for her” nakangiting saad din ni Mrs Suzzette kay Richard. Lumingon si Mrs Suzzette at Richard kay Vhall upang marinig naman ang komento nito. Napansin ni Vhall na lumingon ang dalawa sa kaniya at kumunot ang noo nito
“what?” nagtatakang tanong niya sa dalawa
“what do you think of her?” lumingon si Vhall kay Cayde dahil sa tanong sa kaniya
“fine” simpleng sagot ni Vhall na nagpangiti sa kaniyang ina..
“kunyari pa” bulong ni Mrs. Suzzette na narinig din naman ni Vhall. Biglang natigilan si Vhall, bigla niyang naisip kung naaalala ba ng kaniyang ina si Cayde kung kayat mainit ang kaniyang pagtanggap sa kaniya at parang gusto pa niyang magkatuluyan sila. Pero naisip niya din na kung naalala niya si Cayde alam niya ang ginawa ni Cayde sa kaniya hindi niya hahayaan na magkalapit silang muli.
“son, you need to try this” nawala ang iniisip ni Vhall nang nagsalita ang kaniyang ina. Hindi niya napansin na wala na pala ang kaniyang ina sa tabi niya at nakahanap na ng damit na ipapasuot sa kaniya
“let’s just buy it ma, I think it fits” simpleng sagot ni Vhall
“no! You need to try it, Cayde chose it for you, I think it is great” saad ni Mrs Suzzette at nagulat si Cayde sa sinabi niya dahil pinapili lang naman ni Mrs. Suzzette sa kaniya kung puti o berde ang gusto niya. Tumingin ulit si Vhall sa damit,
‘ofcourse she will choose that ‘cause her favorite color is white” saad ni Vhall sa kaniyang isipan at upang hindi mabigo ang loob ng kaniyang ina ay tumayo na siya at nagsukat. Samantala, si Richard naman ay kanina pa tutok sa kaniyang telepono kung kayat hindi siya nakakasabay sa kung anong nangyayari.
Tumingin tingin pa sila Mrs. Suzzette at Cayde ng mga damit nang mapansin ni Cayde na lumabas si Vhall sa fitting room. Napatulala siya sa Vhall na nakita niya, mula nung nagkasalubong kasi sila sa ospital ngayon palang niya makitang nagsuot ng puting damit si Vhall. Mas nag-ibabaw ang kaniyang kagwapuhan dahil sa suot niya. Gwapo naman din siya sa itim pero iba ang dala ng puti sa kaniya. Napansin ni Mrs. Suzzette ang pagkatulala ni Cayde at sinundan niya ng tingin si Cayde. Napangiti ito nang makita ang anak niya
“ang gwapo ng anak ko diba?” pabulong na saad ni Mrs. Suzzette kay Cayde
Nahiya naman si Cayde dahil napansin ni Mrs. Suzzette ang pagkatulala niya sa anak niya
“masungit nga lang po” nangingiting sagot naman ni Cayde kahit medyo nahihiya at napatawa naman si Mrs. Suzzette dahil sa sinabi ni Cayde
“mabait na bata yan, may nagpabago lang ng kaniyang ugali. Pero kahit ganon, deep inside, I know that the sweet, caring and kind Vhall is still there, somewhere behind that cold face”
Nagtaka at napaisip si Cayde kung ano ang tinutukoy ni Mrs. Suzzette na nagpabago kay Vhall ngunit nahihiya na siyang tanungin baka isipin pa niyang masiyado siyang nakikialam ng buhay ng may buhay.
“you look handsome on that son” medyo malakas na saad ni Mrs. Suzzette sa anak nito sabay ngiti, sinubalitan naman siya ni Vhall ng ngiti na nagpalaki ng mga mata ni Cayde dahil unang beses palang niya itong nakitang ngumiti. Biglang nabaling ang tingin si Vhall sa kaniya at ang ngiti sa kaniyang mukha ay biglang naglaho at napalitan ng malamig na aura. Ang nanlaking mata ni Cayde ay napalitan ng kunot ng noo dahil sa mabilis na pagpalit ni Vhall ng emosyon nang napatingin ito sa kaniya.
‘parang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya, samantalang wala naman akong ginagawang masama sa kaniya’ saad ni Cayde sa kaniyang isipan.
Pumasok na ulit si Vhall sa fitting room upang magpalit at bumalik na sa paghahanap ng damit si Cayde ngunit nasagip ng kaniyang mata si Richard na kanina lang ay tutok na tutok sa kaniyang telepono ngayon ay seryosong nakatingin sa kaniya. Parang tumaas ang balahibo niya dahil dito. Ngayon niya lang nakita ang ganoong tingin ni Richard sa kaniya na para bang madami siyang gusto sabihin at tanungin. Ganoon pa man ay ngumiti nalang si Cayde sa kaniya upang pagaanin ang atmosphere. Ngumiti din naman si Richard pabalik sa kaniya.