She had amnesia

1613 Words
Napabuntong hininga nalang si Mrs. Suzzette nang makaupo na sa ice cream parlor sa loob ng mall. “I am so tired” mahinang saad niya at agad na nag-alala si Vhall sa kaniya “should we go home now?” nag-aalalang tanong niya “ no! I want ice cream. Its been ages when I got out with somebody and I am lucky to have 3 to bond with now” masayang saad ni mrs. Suzzette na nagpagaan ng loob ni Vhall “should we order now?” tanong ni Richard “but Cayde is still not here” saad ni Mrs. Suzzette dahil sa nagpaalam si Cayde na bubili muna ng gamot sa malapit na pharmacy “we can order for her” saad namn ni Vhall “we don’t know what she like” “just order cookies and cream” simpleng sagot ni Vhall. Alam niya ang paboritong flavor ni Cayde dahil yun at yun lang naman ang inoorder niya noon kapag lumalabas sila. Pumayag si Mrs. Suzzette tutal medyo matagal na rin si Cayde sa pharmacy. Maya-maya pa ay meron na yung order nila at pati si Cayde ay bumalik na rin. Nang makita ni Cayde ang ice cream ay nanlaki ang kaniyang mata at naexcite nang makitang cookies and cream ang naorder nila. “you like it?” natutuwang tanong ni Mrs Suzzette “favorite ko po yan tita” naeexcite na sabi ni Cayde at umupo na siya. Nanalangin siya at tinikman na ang ice cream. Napapikit ito ng malasahan ang cookies and cream at naramdaman pa niya ang lamig nito sa kaniyang dila. “you really like it huh? Vhall ordered it for you. I am surprised that he guessed it so perfectly without blinking his eyes” namamanghang saad ni Richard at tinitigan si Vhall ng parang may sinasabi kung kayat medyo napaisip si Cayde pero binalewala nalang niya ito at kumain nalang samantalang si Vhall ay tiningnan rin si Richard at nagkibit balikat nalang sa kaniya at kumain narin. Pagkatapos nilang kumain ay umuwi na sila sa mansion. Bago magdesisyong umuwi si Cayde ay pinainom niya muna ng gamot si Mrs. Suzzette at sinigurong nasa magandang kondisyon ito. “tita, uuwi na po ako. Maraming salamat po mga damit at mga pagkain” saad ni Cayde sa nakahiga nang si mrs. Suzzette “i enjoyed the day because of you all, I hope that we do it again.” natutuwang sabi ni Mrs. Suzzette “ako din naman po tita” “by the way, ihahatid ka ni Vhall kasi wala yung driver namin ngayon. I am certain na baka wala kang masakyan by this time” tama naman yung sabi ni Mrs. Suzzette na wala nang masasakyan si Cayde dahil sa anong oras na at walang pumapasok na taxi sa lugar nila mrs. Suzzette dahil puro sasakyan ang ginagamit ng mga tao sa subdivision nila ngunit hindi siya komportable na si Vhall ang maghahatid sa kaniya mas pipiliin pa niyang si Richard nalang maghatid sa kaniya pagkat kahit sa araw lang na iyon sila nagkakakilala, mas malaki ang pagkakataon na mag-uusap sila at hindi magiging awkward ang atmosphere. “let’s go” napalingon si Cayde kay Vhall na kakapasok lang sa kwarto at nakita niyang muli ang mga malalamig nitong mga titig Walang nagawa si Cayde at nagpaalam nalang kay Mrs. Suzzette at sinundan si Vhall palabas ng kwarto ni Mrs. Suzzette Naunang sumakay ng sasakyan si Vhall at sinumlan na ang engine nito. Si Cayde naman ay nagdadalawang isip pa kung sasakay siya at nagulat siya nang biglang bumukas ang bintana ng sasakyan na nasa kaniyang harapan. “aren’t you coming?” medyo masungit na salubong ni Vhall sa mukha na humuko upang sumilip sa bintana. Automatikong gumalaw ang mga kamay ni Cayde at binuksan ang pintuan ng sasakyan sa harapan. Pagpasok palang niya ay pakiramdam niya hindi siya makakahinga buong byahe. Aalis na sana ang sasakyan nang biglang sumulpot si Richard sa harapan ng sasakyan kung kayat tumigil bigla ang sasakyan at dahil hindi pa naayos ni Cayde ang kaniyang seatbelt ay nauntog ito sa compartment ng sasakyan. Agad lumingon si Vhall sa kaniya at mabilis na gumalaw ang kamay niya upang siguraduhing maayos lang sana si Cayde ngunit hindi pa man dumadampi ang mga kamay niya sa balikat ni Cayde ay napatigil ito. Parang namanhid ang katawan ni Vhall at hindi na niya kayang tuluyang alalayan si Cayde. Dahan-dahan niyang binaba ang kaniyang kamay at pumikit. Samantala, si Cayde naman ay nakahawak sa kanyang ulo dahil sa sakit nito at dahil sa nahihiya siya kay Vhall ay nakayuko parin siya at hinihimas ang kaniyang noo. “wear your seat belt” narinig na lamang niyang sabi ni Vhall at narinig niya ang bagbukas ng pintuan ng sasakyan. Pagkalabas ni Vhall ay galit niyang sinalubong si Richard. “why would you show up like that! You could kill us” masungit na saad niya “woah! Sorry bro, I was just running from inside and I didn’t mean to” “what is it?” medyo galit parin na tanong ni Vhall “I found this phone on the table inside, I think Cayd owns it” saad ni Richard sabay lingon kay Cayde na inaayos na nag kaniyang seatbelt. Kinuha nalang ni Vhall ang telepono at tumalikod kay Richard. “if you care, why would you hide it?” napatigil si Vhall dahil sa narinig na sinabi ni Richard “you’re just hallucinating” sagot ni Vhall na nakatalikod parin at pumasok na sa sasakyan samantalang si Richard ay ngumisi lang at bumalik na sa loob ng bahay. Pagpasok ni Vhall sa sasakyan ay agad niyang inabot ang telepono kay Cayde. Nanlaki ang ang mata nito nang makita ang telepono niya. “halla! Pasensiya na” sabay abot sa telepono. Pinaandar ulit ni Vhall ang sasakyan at umalis na sila sa mansion. “is that easy for you to forget things?” biglaang tanong ni Vhall sa gitna ng katahimikan “hmm hindi naman, sadyang hindi ko lang nagagamit yung cellphone ko buong maghapon kaya nakalimutan ko na” sagot ni Cayde kay Vhall sabay lingon sa kaniya “ahh” ngumisi si Vhall ngunit mabilis itong napalitan ng madilim na aura. Tumaas ang balahibo ni Cayde dahil sa reaction ni Vhall “well---” magpapaliwanag pa sana si Cayde ngunit wala siyang mahanap na salita sa kaniyang isipan. Muli niyang nilingon si Vhall at naramdaman niya ang galit nito. Dahan-dahang lumingon sa harapan si Cayde at kumunot ang kaniyang noo. Nagtataka si ito kung may mali ba itong nasabi at kung anong dahilan bakit nagalit si Vhall “I get it now, kung matagal mo nang hindi nagagamit pwede mo nang kalimutan” “huh? Hindi naman! Wala namang tumatawag tsaka matagal nang hindi tumutunog kaya hindi ko napapnsin, tsaka nakafocus ako sa mama mo kaya hindi ko na alam kung saan ko siya huling naiwan” “exactly!, I get it, kapag ang isang bagay ay wala nang halaga kinakalimutan na!” “hindi ko naman kasalanan na nawala yon sa isipan ko dahil matagal nang hindi ko nagamit tsaka may iba akong pinagtutuunan ng pansin, ano bang mali doon? Bumalik naman na to sa akin.” sagot ni Cayde kay Vhall at nagulat ito nang biglang tumigil ang sasakyan. Mabilisan niyang hinawakan ang kaniyang seatbelt at parang tumigil ang respiratory system niya sa pagfunction. “out” nagalit si Cayde dahil sa ginawa ni Vhall kung kayat kinuhu na niya mga gamit niya at padabog na sinara ang pintuan. “kahit na doctor lang ako sa ospital niyo, wala kang karapatang paglaruan ako! Matagal na kitang pinagtatsagaan pero ngayon, ang hirap mong intindihin at unawain bahala ka sa buhay mo magalit ka kung magalit ka, kasi for your information kahit na hindi ako mayaman katulad mo, I too have emotions nagagalit din ako!” sigaw ni Cayde kahit alam niyang hindi narinig ni Vhall dahil sa mabilis siyang humarurut pabalik pagkababa palang niya ng sasakyan. Lumingon lingon si Cayde sa paligid at bigla siyang natakot dahil ang tahimik ng paligid at walang katao tao buti nalang ay mga poste ng ilaw na nagpapaliwanag sa paligid. Hindi niya maatim isipin kung paano nagawang iwan siya ni Vhall sa gitna ng kawalan gayong alam niyang babae siya at baka kung anongg pwedeng mangyari sa kaniya. Sa mga gantong sitwasyon ang unang ginagawa ni Cayde ay ang manalangin kung kayat pumikit siya at nanalangin na sana may dumaang taxi doon sa kinalalagyan niya. Sa kabilang banda, mabilis ang pagpapatakbo ni Vhall sa kaniyang kotse at mabilis siyang nakabalik sa kanilang mansion. Pagkababa niya ng sasakyan ay dumiretso na ito sa kusina upang maghanap ng alak ngunit kung saan saan na siya naghanap ay wala siyang mahanap kung kayat padabog niyang sinasara ang mga cabinets nalang doon. Naalala niyang hindi umiinom ang kaniyang ina at ayaw niyang umiinom siya ng alak. Kumuha na lamang siya ng tubig at nilagok ito. Pagkaubos niya ay padabog niyang ibinaba ang baso sa lamesa “ouch!” nagulat si Vhall dahil sa narinig na malamig na boses. Nakita niya si Richard na nakatayo sa isang sulok ng kusina “not me, ‘ouch’ said by that glass” sabi ni Richard sabay turo sa basong hawak ni Vhall. Kinusilapan na lamang ni Vhall si Richard at naglagay pa ulit ng malamig na tubig sa kaniyang baso. “what’s wrong dude?” “nothing” blankong sagot ni Vhall “is Cayde’s place near here? You got back so fast” “don’t mention her” galit na sabi ni Vhall “she had amnesia”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD