Narrator’s Point of View Hindi maitago ni Leo ang kanyang pagkasabik habang palapit sila nang palapit sa Start Zone. Maging ang mga kasamahan niya ay bakas din ang kasabikan, lalong-lalo na si Clastine na kanina pa tanong nang tanong sa dungeon guide kung ano ang naroroon sa mga palapag pagkatapos ng ika-sampung palapag. Hindi nagtagal ay natanaw na nila ang Green Zone o ang Safe Zone, indikasyon na malapit na malapit na sila sa Start Zone ng palapag. Hindi mapigilan ni Leo ang mapangisi habang mas binibilisan ang paglalakad upang makasabay sa mga kasamahan na halos takbuhin na ang daan makarating lang sa Safe Zone. “Hindi naman halata na masyado kayong excited, ‘no?” puna niya sa mga kasamahan. Lumingon sa kanya si Clastine bago ngumisi. “Oo naman. Sabik na sabik na akong makalagpas

