Boss of the 10th Floor

1810 Words

Narrator’s Point of View “Bakit hindi mo sinabi sa amin?” kunot-noong tanong ni Leo pagkarinig na pagkarinig niya sa sinabi ng dungeon guide. Hindi naman sa natatakot siya sa Floor Boss, ang kanya lang ay nais niyang maging handa lalo na’t iba ang antas at lebel ng lakas ng Floor Boss kumpara sa ibang mga halimaw na karaniwan nilang nakakalaban. “Oo nga, Amara, bakit hindi mo agad sinabi sa amin?” segunda naman ni Clastine na nabigla din sa sinabi ng dungeon guide. Nawala na ang sabik nitong mukha. Nakanguso itong nakatingin kay Amara, bakas na bakas ang pagkadismaya sa mukha nito. Hilaw na ngumiti ang dungeon guide bago nagkamot ng batok. “Hindi ko naisip na sabihin sa inyo dahil masyadong natuon ang atensyon ko sa insidenteng naganap sa ika-apat na palapag. Patawarin n’yo sana ako,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD