Tracks and Traces

3000 Words

Napatitig ako sa malawak na parang ng flamerose na siyang bumungad sa amin pagkarating na pagkarating namin sa ikalimang palapag at hindi ko maiwasang magtaka nang makita ang mga parte kung saan nahawi ang mga bulaklak, na tila ba may dumaan na rito. Marahil ay may nauna na sa aming candidates habang nakikipagpatayan kami sa mga orc. Pero kung gano’n nga, bakit ang direksyon kung saan nahawi ang mga bulaklak ay pasalubong sa amin? Hindi ba dapat ay sa kabilang direksyon ito, lalo na’t doon naman dapat ang patutunguhan ng lahat ng candidates? Nilingon ko ang dungeon guide na gaya ko ay nagtataka rin. Hindi ko alam kung may sagot na siya patungkol dito o wala, dahil tahimik lang itong nagmamasid at paminsan-minsan ay iginagala ang tingin sa paligid. “Ano sa tingin mo ang ibig sabihin nit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD