Kanina pa ako hatsing nang hatsing habang binabagtas namin ang daan papunta sa Start Zone. Dulot siguro ito ng labis na lamig dahil hindi ako tumabi kina Clastine at Amara kagabi. Sino ba naman ang gugustuhing tumabi sa kanila, lalo na’t alam mong hubo’t hubad sila, ‘di ba? “Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa ‘yo, eh, sana tumabi ka na lang sa amin,” tila nanunumbat na sambit ni Amara sa akin bago ngumisi. “Wala naman kasi kaming gagawing masama sa ‘yo. At isa pa, suwerte mo na nga at makakatabi mo kami nang hubo’t hubad.” Matalim ko siyang tiningnan. “Walang binabalak, eh, sa ngisi mo pa nga lang ramdam ko na ang masama mong intensyon,” sagot ko sa kanya. “At isa pa, nirerespeto ko kayo kaya hindi ako tumabi sa inyo, naiintindihan mo ba?” pangangaral ko sa kanya kaya napanguso siya. “Ib

