Narrator’s Point of View “Si Leo ba talaga ang may gawa nito?” hindi makapaniwalang tanong ni Clastine sa dungeon guide na nakatitig din sa pinsalang naidulot ng pag-atake ng lalaki. “Papaano niya ‘yon nagawa? Saan galing ang item na ginamit niya?” sunod-sunod nitong tanong. Gusto mang sagutin ni Amara ang katanungan ng babae ay wala siyang maisagot. Maging siya ay napapaisip kung paano ‘yon nangyari. Wala siyang kahit na anong alam kung paano nakagawa ng ganoon kalakas na atake ang binata. Imposibleng maglabas ng ganoon katinding pinsala ang items na nasa inventory ng binata. Napatitig ang dungeon guide sa walang malay na si Leo. Kanina pa niya ito ginagamitan ng healing magic ngunit hindi pa rin ito gumigising. “At isa pa, Amara, sabi mo kay Leo lang gumagana ang healing ability m

