Chapter 18
Choosing what strand I'll take is hard. Malapit na ang pasukan ngunit heto at hindi pa rin ako makadecide kung ano'ng kukunin ko. I shouldn't be stressing myself dahil maliit na bagay lang naman ito pero hindi ko mapigilan. My friends wanted to take another strand while I wanted the another. Eh, gusto kong magkaklase lang kami. Now I was torn.
I sighed. Ah, bahala nang hindi kami magkaklase. I'll choose what strand I think suits on my taste. Maganda lahat ng mga strand pero syempre mas maganda pa rin if bias mo ang kukunin mo. It would be more easier.
My phone suddenly rang. I pulled it out from my pocket and read the message I received from Sin.
Sin: Dzai, order ako!
Napataas ang kilay ko dahil sa text niya. I replied immediately. Baka big time 'to. Since the summer started, I also began to continue my online selling. My friends helped me to sell and to earn money.
Ako: Wow wow ?
Liptint ba ulit? Sakto nag restock kanina ang supplier ko. Uwuuu, ilan ba ang bibili?
Sin: 12 set, bhie.
Kinuha ko ang mga lalabhang damit at inilagay ito sa isang basket bago binuhat gamit ang isang kamay at idinikit ito sa aking beywang para hindi mahulog. Gamit ang isang kamay ay nagtipa ulit ako ng ite-itext sa kaniya.
Ako: Shookt! Omg! Seryoso??????
AAAAAAAAAAA TYSM!!! ???
Sin: Yeah, Whatever. Haha
I recommend your online shop kasi sa mga kasama ko sa work. And remember the Liptint I brought last week? I've shown it to them ?
Ang bait ko talaga
Plus one agad sa langit ?
Ako: Hala oo na ikaw na. Thank u talagaaa, Sinon. Hulog ka talaga ng langit!
Pero naunang bumagsak ang mukha mo sa lupa kaya medyo tabingi.
CHAROOOWT
Pero thank u talaga!
I smirked and went into the laundry room. Nakita ako ni Manang Marites at nagpresintang lalabhan ang mga gamit ko pero tumanggi ako rito. Nilapag ko sa sahig ang basket na dala at tiningnan ang text na dumating.
Sin: Make it 25 set. Ako nalang bahala magbenta.
Basta yung sinabi mo ha? Hmp! Libre m q doon kina mang kaloy
Ako: Wow! Thank u! ??
Yes po opo libre kita. Salamat huhuhbels.
Sin: Btw, can I ask u?
Ako: Haha alam ko na yang tanong mo na iyan lodicakes. Wala rito si Ichiro kung yan ang itatanong mo. Threatened ka masyado, 'no? Wala ka bang tiwala sa sarili mo?
And duh? I know Isha' s taste kaya. She doesn't like singkit boys.
Sin: Are you sure?
Ako: Futah ka ba? Uu nga. Atsaka hindi na pupunta yun dito si ichiro dahil lumipad na yon sa japan.
Sin: How abt that ugly franthus?
Ako: kaloka ka talaga sinon ang dami mong pinagseselosan. punta ka nalang dito sa bahay para ikaw magbantay kay Isha. Idahilan mo nalang kay travis na ako yung reason kung bakit ka nagpunta para di ka suspetsyaan. HAHAHAHAH ayan landi pa.
Sin: Hmp!
Natawa ako sa huling reply niya. Nang magsimula kasi ang summer break, ang anak ng kaibigan ni Luna ay nagbakasyon dito sa pilipinas. Sinon was suspecting that guy na may gusto kay Isha. And there's Franthus na kapitbahay namin na madalas pumunta rito sa bahay dahil inuutusan ng mommy niya na bigyan kami ng mga ulam. Ewan ko kay Sinon at nagseselos siya do'n.
Eh, tagilid naman iyon si Franthus eh.
Pinasok ko sa bulsa ang phone ko at nagsimula ng ilunod ang mga damit sa loob ng washing machine. Nagpatugtog rin ako ako ng music para hindi masyadong tahimik.
I expected Quinn will follow me to go and play game again but it still shock me when she really did. Medyo kinabahan ako sa maaaring gawin niya ngayon. She'll cause harm. Naaalarma ako ngunit hindi ko nalang siya pinansin.
Hinintay kong magsalita siya at may gawin sa akin pero makalipas ang ilang minuto ay nanatili lang itong nakatingin at nakamasid sa akin. Nakahulikkip siya sa hamba ng pintuan habang nakataas ang isang kilay.
Tiningnan ko siya at ngumiti ng maliit. I didn't like her attitude, yes, but she's still my younger sister. Whether I like it or not, I should accept this fact.
She smiled back, a sarcastic one. "Give me a glass of water." she commanded.
Muntik na akong magtaas ng kilay dahil sa kaniyang sinabi. Why don't she do it by herself? Hindi naman siya disabled person para pagsilbihan at hindi naman ako katulong para pag utos-utosan.
But since lalabas din naman ako para pumunta sa kusina, tinanguan ko nalang siya. Pumunta ako sa kusina at naabutan ang kambal na papaalis na ng bahay. Mukhang may lakad ata sila.
Uminom muna ako ng isang basong tubig bago ako bumalik sa laundry room at binigyan si Quinn ng tubig.
She grinned mischievously at me. Kumunot ang noo ko.She looks suspicious to me...
I shrugged it off and shook my head. Siguro nadala na naman siguro siya sa ginawa ko sa kaniya noong nakaraan, 'di ba? She can't keep on bullying me dahil ayaw kong magkasakitan kami.
"Thanks!" she cheered, smiling. Nang makaalis na siya ay tiningnan ko ang maaaring ginawa niya. Nang walang makitang kaduda duda ay napagbuntong hininga ako.
Umupo ako sa isang monoblock at sumandal sa sandalan nito. Binuksan ko ang social media account at nagscroll habang hinihintay huminto sa pag-ikot ang washing. After 10 minutes, natapos na rin naman ito.
Mabilis akong tumayo upang ipa-rinse na ang mga ito. Hindi naman kadamihan ang mga nilabhan ko dahil every weekend naman akong naglalaba ng mga damit. Ngayong malapit na ang pasukan, nilabhan ko ang ilan sa mga nakatambak kong damit sa closet para mawala ang mga alikabok nito.
My brows slowly furrowed.
What's happening on these clothes?
Napasinghap ako sa kaba at nanginginig ang kamay na tiningnan ito isa-isa.
"Oh, my..."
My jaw literally dropped and my eyes grew bigger nang mapansin ang pag-iiba ng kulay ng mga damit ko.
Nangilid ang aking luha at kumuyom ang mga kamao ko. Quinn was really getting into my nerves.
I took a deep breath to calm myself.
Napalingon ako sa pinaglabasan niyang pintuan kanina at nagngingitngit ang mga ngipin na humakbang palabas doon.
Naabutan ko siyang papaakyat na sana sa hagdanan. I grabbed her by her arm and gave her a hard slap on the face.
She dumbfoundedly gasped.
"Bakit mo 'yon ginawa, ha?! Bakit mo nilagyan ng chlorine ang mga damit ko?!" I hissed. Maharas kong binitawan ang braso niya at gigil at tinulak siya. "What did I do for you to treat me this way?! Wala akong matandaang ginawan kita ng masama!" sigaw ko. "I treated you nicely in the school. I even f*****g stood for you in front of those bullies! I never treated you bad, Quinn! Pero, bakit? Bakit ba ayaw mo akong tantanan, ha?!"
She looked at me with a teary eyes. "Wala nga ba, ha, Sunny?! You used me! You betrayed me! Akala ko kaibigan kita! Akala ko kakampi kita! Pero hindi! Hindi, Sunny! Niloko mo'ko! Pinaniwala mo akong kaibigan ang tingin mo sa akin iyon pala ay may iba ka pa palang balak! You befriend with me because you wanted to ruin our family! Tama naman ako, 'di ba?!"
I was slightly taken aback.
Pagkuwa'y pagak akong natawa. "Where did you even f*****g got that idea? Hindi, Quinn... Wala akong intensyon na ganiyan! Ikaw lang ang may iniisip na ganiyan."
Ngumisi siya sa akin. "Oh? Talaga ba? Talaga ba, Sunny? Ang sabi mo pa nga walang gustong kumaibigan sa isang kagaya ko, 'di ba? Kaya bakit mo'ko nilapitan? Bakit ka nakipagkaibigan sa akin?! Unless you want something to get from me, right?! Ayan! Nahuli rin kita! Lumabas mismo diyan sa bibig mo! People doesn't want to come closer to me because I am not likable as you are! T-Then bakit ka nakipaglapit sa akin, ha?!" gumaralgal ang boses niya at sunod-sunod na tumulo ang mga luha.
"Because you are my sister! Kapatid kita kaya kinaibigan kita! Was it bad I wanted to protect you from those bullies? Masama bang protektahan ka at kaibiganin ka, Quinn?!"
She raised her chin up and wiped off her tears. Pagkuwan ay tinitigan niya ako. "Hindi ka na sana pa lumapit sa akin! Hindi ka na sana nakipagkaibigan sa akin! Sana hindi mo nalang ako nilapitan at pinagtanggol doon kung darating ang panahon manunumbat ka lang pala! First of all, I didn't ask you to! I wasn't the one who approaches you in the first place! I didn't tell you to befriend with me! I didn't tell you to pity me! Wala akong sinabing ganoon!" aniya at tinulak ako sa dibdib. "I-Ikaw! Ikaw ang lumapit, Sunny! Dahil ano, ha?! Dahil gusto mong mapalapit sa pamilya namin so that it could be easier for you to move in with us! Plinano mo ang lahat! You planned it all para wasakin ang pamilya namin!"
I slapped her again. Nagtatagis ang aking mga bagang habang ang luha ay walang tigil sa pag-agos sa aking pisngi.
"I n-never wished my stepfather to die..." mahinang sabi ko na siyang nagpatahimik sa kaniya. "He treats me like his own and I never ever felt like I didn't belong in our house! He stood as a father to me..." pumiyok ang aking boses. "Kaya sa t-tingin mo ba Quinn gugustuhin kong mawala siya at lumipat dito na parang empyerno dahil sa araw-araw na pagpapahirap niyo sa akin? Sa tingin mo ba gugustuhin kong iwan ang bahay at pamilyang kinalakihan para lang tumira at manira ng pamilya?"
Pinahid ko ang luha ko gamit ang likuran ng aking palad. "Wala na akong ibang pwedeng matirhan Quinn. My step-dad passed away. Coincidence lang ang lahat ng nangyari. I didn't planned all of these! I didn't planned to live in on this house with you and your family because I never expected na mamamatay ang tatay ko!" I sobbed loudly. "If I had just known na ganito pala kababa ang tingin mo sa akin, tama ka na sana hindi nalang natin nakilala ang isa't-isa."
"You disappoint me. You made me regret of meeting you, Quinn." I smirked and looked at her from head to toe. "You're a disappointment on this family."
Pain danced on her brown eyes. Her lips started to quiver, her fists was tightly balled and her face gone red.
In a blink of an eye, she reached for my hair and grabbed it forcefully. Napahiyaw ako sa gulat at sakit para sa anit ko.
"You b***h! Bitawan ko ako!" sigaw ko at pilit tinatanggal ang pagkakasabunot niya sa akin.
"Wala kang karapatan para pagsalitaan ako ng ganyan! Sampid ka lang dito sa pamilya namin! You don't even belong here! Bastarda! Anak ng isang malandi! Isang kriminal!" she shouted angrily.
Napantig ang tenga ko roon. Gumanti ako sa kaniya ng pagsabunot hanggang sa matumba at madaganan ko siya.
"You know nothing so shut the f**k up!" I yelled and scratched her face through my long, sharp nails. "You mess with a wrong person, Quinn! Hindi mo pa ako kilala kaya bantayan mo ang mga salitang lumalabas diyan sa bibig mo! I can be criminal and kill you right now!"
"Ahh!" she screamed in pain. Pilit niya akong tinutulak ngunit mas malakas ako. The adrenaline rushed through my system and no one can stop me during this moment.
Hagolhol at pagmamakaawa lang ang tanging maririnig sa buong lugar. Her, lying on the floor and I, caging her between my knees. Nanggigigil na kinalmot ko siya. She shrieked and pushed me hard pero hindi iyon sapat upang mapigilan niya ako.
"Ahh, stop!" Her voice cracked. "Binatawan mo'ko! Please, tama na! Nasasaktan na ako!" she begged.
Nagtagis lalo ang bagang ko. I remember those times she made a joke with me. Hindi lang sugat, pasa at bugbog ang natamo ko. She made me feel humiliated, unloved and worthless. She made fun at me in front of the students in our campus. Ilang beses akong nagkapasa sa katawan dahil sa mga kagagawan niya. I begged her to stop those but she didn't listen to me. Now, the table has turned upside-down. Siya naman ngayon ang nagpapakiusap sa akin na itigil ang pananakit sa kaniya.
"Stop! Please, stop!" she cried out loud.
"Ano?! Masakit ba, ha, Quinn?! Masakit ba?! Ganito! Ganitong-ganito ang dinanas ko sa'yo, punyeta ka! I told you to stop pero hindi ka man lang natinag! Ilang beses na akong nagkapasa-pasa at nagkasugat-sugat diyan dahil sa mga kalokohan mo! Dahil diyan sa kitid ng utak mo! Walang hiya ka ang sarap mong patayin!" sigaw ko.
"AHH! STOP! STOP! MOM, DAD! HELP! HELP!"
Ngumisi ako dahil sa inis. "Ngayon magsusumbong ka na naman? Go on! The hell with you and your f*****g game! Matagal na akong nagtitimpi sa'yo!"
"f**k YOU! LAKING KALYE KA TALAGA! AHHH! YOUR MOM IS A CRIMINAL!" she shouted between crying.
"AH, TALAGA BA? BAKA GUSTO MONG AKO NAMAN NGAYON ANG MAGING KRIMINAL?! HUWAG NA HUWAG MO AKONG SUSUBUKAN, QUINN DAHIL HINDI MO PA AKO LUBUSANG NAKIKILALA!"
She pushed me hard, harder than the previous one. Tumayo siya at siya naman ngayon ang nakadagan sa akin. She pulled my hair and scratched me on my face. Ramdam ko ang hapdi roon. Gumanti naman ako sa kaniya at malakas na sinuntok ang kaniyang mukha.
Nahiyaw siya sa sakit. I took the opportunity to kicked her on the abdomen and push her away from me. Baka hindi ko mantiya at baka tuluyan na talaga akong mawala sa sarili at mas magkasakitan pa kaming lalo.
"WHAT THE HELL IS HAPPENING HERE?" A cold, authoritative voice infiltrated in my ears. That familiar voice of a man gave me chills and made my body froze on the spot.
Kumalabog nang makalas ang dibdib ko sa kaba.
"Daddy!" Quinn cried and ran towards our father. "D-Dad!"
"What happened to your face, sweetie?" he asked, his voice were telling me he's already mad.
"D-Dad, she hurt me! Inatake niya po ako! She scratched my face!" sumbong niya habang nakayakap dito at humihikbi. Halos hindi na klaro ang mga salita niya dahil sa pagputol-putol nito.
"Oh, my gosh! Sweetheart, ano'ng nangyayari rito?!" Luna came rushing towards the two. Hinawakan niya sa balikat si Quinn at pinaharap ito sa kaniya. After seeing her daughter's face, niyakap niya ito nang mahigpit sabay linga sa akin. "YOU WITCH! WHAT DID YOU DO TO OUR DAUGHTER?!"
Umiling ako at pinilit ang sariling makatayo mula sa pagkakaupo sa malamig na sahig.
"She started this." malamig kong sabi at tiningnan naman ngayon si Helios na umiigting ang panga na animo'y nagtitimpi. Napayuko ako.
"Liar!" Quinn reacted and cried even harder. "I was about to go u-upstairs when she grabbed my arms and slapped me! I didn't started this! Ikaw ang nagsimula!"
Galit ko siyang tiningnan. Ngayon binabaliktad na naman niya ang totoong nangyari. "Because you ruined my clothes, Quinn! Ikaw ang nagsimula! Kung hindi—"
"Enough. " Helios voice dominated around us.
Natahimik kami. Itinago ko naman ang mga kamay sa likuran at pinisil ang sarili.
Luna laughed sarcastically after the deafening silence. "This. This is what I was trying to tell you, Helios. Living in one roof with your bastard are no good! I already warned you she'll only cause harm with us, our children pero hindi ka nakinig. Now look what happened to our daughter! Sinaktan nang bastarda mong iyan! Doesn't it enough for you to believe me?! Malas iyan! Wala iyang magandang idudulot sa pamilya natin!"
"Mom..." Quinn uttered.
"Our daughter were suffering emotionally because of that b***h! And now that bastard got even more awful! Sinasaktan na niya ng pisikal ang anak natin! What else do you want to happen to our children bago mo maisipang palayasin 'yang batang iyan dito, ha?! Quinn suffered a lot already! Her mental health were not getting any better!" Luna angrily said.
She then looked at me with rage dancing in her eyes. "Do you have a decency, huh? Nasa pamamahay kita pero kung makaasta ka parang pagmamay-ari mo ito! Ganiyan ka ba pinalaki ng mga magulang mo?! Walang modo?! Walang respeto?! Baka nakakalimutan mong nakikitira ka lang dito! Isang palamunin! Palibsaha'y anak ng isang pobre!" sigaw niya sa akin. Kinurot ko ulit ang aking sarili upang pigilan ang luhang nag-aambang tumulo.
Natawa nang pagak si Luna. "What do I even expect from the child of a w***e?" she asked herself. "Of course, magmamana ka talaga diyan sa malandi mong ina! Mga asal kalye! Wala mga pinag-aralan! Isang kriminal!" she added.
Kumuyom ang kamao ko.
"My God! What else could be happen if walang tao rito sa bahay! You would've killed my daughter! Pamilya nga talaga kayo ng mga kriminal!"
I looked at her sharply. "Hindi kriminal si mama."
Tinaasan niya ako ng kilay na may halong pang-aasar at pang-iinsulto. "Your blood runs from the family of criminal. Your grandfather was jailed for killing his own wife. You mom killed your coach and now, you are supposed to kill my daughter!"
"Hindi kriminal si mama!" umiiyak na sigaw ko. I could feel my blood boiling up. Kumuyom ang kamao ko at ramdam ko ang pagbaon ng mga kuko ko sa aking mga palad. "You know nothing so shut up!"
"Sunshine." Helios warned.
I looked at him with a pained expression. Harap-harapan na akong inaalipusta ng asawa niya pero hindi man lang niya magawang ipagtanggol ako.
"Iyan! Look at that child! Walang respeto! At talagang sinasagot pa niya ako, ha?! Our children were too far different from her! They didn't even raises their voice at me and this bastard has the guts, huh?!" Luna shouted while hugging back her daughter.
Nanatili lamang akong nakatayo at diretsong nakatingin kay Helios na ngayon ay nakatingin lang din sa akin nang malamig. I want to see his reaction. I want him to make a move of defending me. He knew what happened that day. He knew why my mom had to do that. My mom isn't a criminal. She's not a bad person.
"Go upstairs."
It pains and disappoint me after hearing his response. Nanginginig ang mga labi na napatungo ako at dahan dahang humakbang paatras. I looked at them once again before turning my back and ran upstair.
Agad akong napadausdos sa likuran ng pintuan pagkapasok ko sa kwarto. The horrible memories I badly wanted to bury came rushing back. And the wound and trauma I got that day seems coming back along with those painful moment. Parang kahapon lang nangayari iyon. Parang kahapon lang.
I was too young back then when my mother died. Ngunit sobrang klaro sa isipan ko ang mga nangyari noon. I was so young back then but the memories were clear like a it was as though it just happened yesterday.
The fear... the pain... and the trauma...
How dare them to say my mother is a criminal? Wala silang alam. Walang alam sa totoong nangyari kaya wala silang karapatan para husgahan siya.
The real disrespectful and awful here is them. Why can't they just respect my poor mother? Wala na nga siya, 'di ba? Patay na siya. Wala na siya sa mundo. Pero bakit tila ayaw naman nilang patahimikin ang pangalan at alaala niya? They're the horrible ones for not being an open-minded person. Have they even thought her reasons why she did those things before?
My father lied to her for not having a family. If mama had known it earlier before she had me in her womb, she wouldn't dare to cross the line. It was Helios' fault and not my mom's. My mother has a fair share of mistake but that can't invalidate the fact that she was also betrayed and cheated.
Napasobsob ako sa aking magkasiklop na tuhod. Niyakap ko ito at doon impit na umiyak nang umiyak hanggang sa mapagod ako at kusa na lamang tumigil sa pagdaloy ang aking mga luha.
Reality... sucks.