Chapter 19
Dalawang araw na magmula nang magkasakitan kami ni Quinn. Hindi na ako lumabas sa kwarto o magpakita man lang sa kanila. I felt ashamed after Luna's words finally sank in my head. Tama siya at palamunin lang naman talaga ako rito. Makapal ang mukha dahil pilit sinisiksik ang sarili sa pamilya nila. Walang delikadesa dahil sa mismong pamamahay nila ko pa pinatulan si Quinn. Nahihiya na akong lumabas. Para akong sinampal ng ilang beses sa katotohanan.
Sa loob ng dalawang araw na iyon, ang mga kasamabahay lang ang naghahatid ng pagkain sa akin. Mas nakaramdam ako ng hiya. They're working for this family...but they're serving me right now kahit hindi naman talaga ako belong dito. They're not treating me as a family.
Lumabas na rin ako pagkatapos ng dalawang araw na iyon. Sinon came to our house para kunin ang mga orders. Sumama na rin ako sa kaniya para ideliver ito. Nagulat nga ako na isang sikat na vlogger pala ang pagbibigyan namin.
It was Rafielle Cole, a nineteen year-old freelance model and a social media influencer. Napagkaalaman ko ring pinsan pala ito ng mga kaklase ko na sina Trank at Ashley. Sinon being a thick-faced Sinon asked Rafielle to promote my small shop. Nakakahiya talaga 'tong si Sinon, mabuti nalang mabait at pumayag iyong babae dahil kung hindi, naku, magpapalamon talaga ako sa lupa ng buhay.
After naming maideliver iyon ay dumeritso kami sa street stall para kumain kagaya ng pinangako ko sa kaniyang libre. We talked random stuff, pero mas madalas lumalabas sa bibig niya ay pangalan ni Isha. Nakakatuwa na seryoso pala talaga siya sa kapatid ko. He's not yet making a move dahil ayaw niyang i-pressure si Isha.
Kakagaling lang kasi ng kapatid ko sa isang break-up mula sa long-term boyfriend nito since high school. If I am not mistaken, seven years ata sila no'n? I think since grade eight or nine ata naging sila na. But one time, a day after their anniversary, she caught her ex-boyfriend having s*x with another woman. I couldn't imagine what Isha felt that time. I couldn't even imagine how she cope with that heartbreak. How she manage to stay sweet and jolly despite of the pain her asshole ex-boyfriend inflicted to her.
Nakakaawa si Isha but I think tama lang na nangyari iyon so that she would find another man who's much better than the previous one.
"Sunny," he called. Tinanggap ko ang gulaman na bigay niya.
"Hmm?" I asked while sipping.
"Alien ka ba?" he seriously uttered.
Napaangat ang tingin ko sa kaniya at sinamaan siya ng tingin sabay nguso. "Bakit na naman na, Sinon? Puro ka talaga kalokohan!" walang ganang saad ko.
He shook his head. "Seryoso 'to." aniya. "Sige na,' wag kang KJ."
I made a face. "Sige na nga!" kunwaring napipilitan kong tugon. "Sige na, ulitin mo nalang."
He smiled cheekily. "Sunny, alien ka ba?"
Sumubo muna ako ng fishball bago sumagot. "Bakit?"
"Ay, di mo pa pala alam?" he said and I stilled. Natigil sa ere ang akmang pagkain ko. He laughed hard.
Nang makabawi ay pinanlakihan ko siya ng mga mata. "BUANG!"
"Luh? Ang harsh mo, bhie ah?" natatawang aniya. I glared at him at akmang sasapakin siya nang umiwas siya sa akin. "Eto na, eto na! Seryoso na talaga 'to!" he cleared his throat. "Sunny, araw ka ba?"
"Bakit?" mariin kong tanong at nanliliit ang mga mata.
"Ang init kasi ng ulo mo." aniya at tinawanan na naman ako. Sa sobrang asar ko ay sinipa ko ang paa niya. "Aww! Sadista ka, gurl?" nakangiwing aniya.
Napahilot naman ako sa aking sentido. Kanina pa kami nandito at kumakain and during that period of time, walang tigil siya sa pang-aasar sa akin. Corny jokes or not I'll eventually laugh at him at the end. Nakakaasar pero nakakatawa naman siyang kasama.
Kinabukasan ay maaga akong nagising para hindi ko maabutan sa magbreakfast sina Helios at pamilya nito. After kong kumain ay umakyat ulit ako sa kwarto para makapagligo at makapagbihis. Aalis kasi ako ngayon para makipag-enrol.
I took a selfie and posted it on i********: with a caption; "Here we go, Senior High."
Ilang segondo ang nakalipas matapos kong mai-upload iyon ay agad na nagcomment doon ang mga kaibigan ko.
Hndsm.Trank: Awit guntheee! i-enrol mo na rin kami ni @Ashbeybe, Sunny!
Ashbeybe: Mwhehe beke nemen. Katamad punta school. Ayaw kami payagan ni tito alas bwesit. Btw, ganda mo sunny ah? Sanaol may brown eyes! Ako kasi maganda lang ?
Ryela_Alcntr: @ArawSun, ano strand mo? Same ba tayo???? Huhu same kami ni @Geb.DelCianco at ni @Kellyblack Punta kami today sa school hihih
SinonTheFourth: Naks naman. Ang fresh natin, ah? Hoy @IcarusDC utang mo sa akin.
IcarusDC: I'm gonna go and send Dori to school. We'll stop on your house then sabay ka nalang sa amin @ArawSun
IcarusDC: Seriously @SinonTheFourth ?? Pati dito maniningil ka? ?
SinonTheFourth: Calling the attention of Del Cianco cousins! Mwhehe may utang ka rin sa kanila ulol! @CedloveRia @Firerowr @Hyashitot @Kalibbb it's time for vengeance!!!!!
IcarusDC: Ulol.
Geb.DelCianco: Uwuu, bes! Sure ka na ba talagang mags-stem ka? Sure ka na ba? Handa ka na bang mamatay?! ?? @ArawSun hindi pa ako ready mawalan ng bff in layf.
Kalibbb: @JassyDoll Jas, pakisingil si Icarus pls ang kapal ng mukha di marunong magbayad ng utang tangina yawa tlga
JassyDoll: Uh, why me pa?
JassyDoll: Wow! Hi, Sunny! You're so pretty today! Magpapa-enrol ka pala today? Ako rin eh kaso for college na hehe! @Kalibbb samahan mo'ko, kuya?
Kalibbb: Sure. @Yngridbyutiful sama ka, babe? ?
CedloveRia: @Siriaxxxxx mahal????
Siriaxxxxx: tumahimik ka, cedrick. i'm busy today.
CedloveRia: Ria mahal koooooo ??
Firerowr: Sandali nasusuka ako taena ? @Hyashitot nawawala pinsan natin gago. Nasaan na yonnn????
Hyashitot: Buang @IcarusDC sure ka bang kambal mo yan si @CedloveRia???? HAHAHAHAHHAHAHAHA YOWO
IcarusDC: The hell? We're not twins. Yuck?
CedloveRia: f**k you. I'd never wish u to become one. Yuck.
MarieEliz_Vadmir: @IcarusDC we're having dinner later with tristan. Sama ka raw sabi ni mom. Magtatampo yun sa'yo.
Hyashitot: May multo atang dumating?
MarieEliz_Vadmir: F U Hyashin bakla ka. Wrestling nlng tayo, oh? ?
Firerowr: Yown! HAHAHAHAHA patay ka dyan sadist yan nagmana sa kuya niya HAHAHAHAHAHAHA
IcarusDC: @MarieEliz may lakad ako. next time nalang.
MarieEliz_Vadmir: @Rikha.Official HAHAHAH mom look at this guy!
JassyDoll: Hi, tita!
IcarusDC: @Veronica.Del-Cianco Mommy??
Geb.DelCianco: Kuya, mommy says it's okay. You can go and hang out with them.
MarieEliz_Vadmir: Yay! Thankiessss! I'll inform Mom and Tristan abt this! Salamat! Uwuuuu mwhehehe!
Hndsm.Trank: Family reunion ba itooo?! HAHAHA @Ashbeybe bloodline reveal na ba this?
Ashbeybe: Gago?
Ishangmaganda: MIA akoooo bwesit!!!!
Travis Ezeir: ?
SinonTheFourth: @Ishangmaganda Hello, Trishaaaa! Good morning! Sana masarap ulam mo today! Sayang wala ako :((
Isangmaganda: hilo fourth! ba't di mo man lang ako minention tae ka ha?
SinonTheFourth: luh?
Ashbeybe: Ate Trisha!!! Ackkkk! Tuloy ba ang shopping haul natin next week? Can't wait na huhuh ? malapit na ang klase!
Ishangmaganda: hello beh! excited na rin ako mwhehe! Sama natin si @Rafielle at si @Yngrid at si @Grettle
Grettle: Sorry guys wala si me pera huhu. @XiernaTanfelix beke nemen sis.
Yngrid: Hala I'm not available next week eh. May date kami ni bf @Kalibbb next tym nlng girls.
@Rafielle: Oh, my God! Ikaw yung pinakilala sakin ni Sinon yesterday, right, @ArawSun?? The one who sells cosmetic products? OMG I never thought you're close with these people??? You're a celebrity na rin pala!
Isangmaganda: ?
SinonTheFourth: luh? selos yarn? EkAw larn saFatt na bebegurl ko @Ishangmaganda❤️??❤️❤️❤️❤️
Napakurap-kurap ako at napaawang ang labi. Ano'ng problema ng mga taong ito? Ba't naman nila ginawang GC ang comment section ko? Kaloka.
ArawSun: Guys, kalma lang! Ako lang 'to! See you nalang sa school! Intayin ko kayo doon! Sheeet excited na ako jusmee ? I'm turning off the comment section. Ang iingay! Shuta kayo!
Napapailing na pinatay ko ang connection sa wifi at ti-nurn off ang sound notification sa cellphone. Hinarap ko muna ang sarili sa life-size mirror at tiningnan ang sarili. I was wearing a simple fitted pale pink blouse, a high-waisted jeans and a flat sandal.
Saglit pa akong napatulala sa dibdib ko nang dumaan doon ang pagsuyod ng aking mga mata sa kabuoan ng aking katawan.
Hinawakan ko ito at tinantya ang sukat. Sa loob ng apat na taon sa high school, madalas lang akong makapag-civilian. Kadalasan talaga ay uniporme lang ako, good student kumbaga. I didn't notice the changes of my body because I was too focused on my studies.
My height increases, ang kulay kayumangging buhok ko at humaba na rin. My body were now getting slimmer and getting moulded maturely. Napansin ko ring may bilbil rin pala ako dahil sa hapit na damit kong suot.
I looked at my face. This face resembles a lot of my father. I have a brown eyes, fierce and big. Maliit din ang mukha ko kaya madalas napagkakamalang manika. Ang cheekbones ko naman ay klarong-klaro. My lips were pinkish but dry. Nang tingnan ko nang maigi ito ay napansin kong may mga sugat pala ito.
I licked my lips to moisten it.
I smiled at myself in front of the mirror. Umayos ako ng pagkakatayo at hinawi ang buhok. Hanggang ibabang balikat ko na pala ang haba nito. I wasn't used of it. Madalas kasi ay sobrang ikli talaga ng buhok ko.
"Ang ganda ko..." bulong ko at mas lalong napangiti sa sariling repleksyon.
Naiiling na hinubad ko ang suot. I changed my outfit into a beautiful sunflower dress. I felt so conscious while wearing that fitted blouse. May bilbil pala ako tapos ang confident ko pa kanina suotin iyon. Baka mapahiya lang ako sa mga estudyante roon. I also put a lip gloss para maibsan ang pagkakatuyo ng aking labi.
Nang makontento sa itsura ay nag-spray nalang ako mg favourite perfume at matapos iyon ay lumabas na ako. Hinatid ako ni Yohan papuntang school at agad ko namang nakita roon ang mga kaibigan ko. Ryela, Dori and Eulynne was already there.
"Hala! Long time no see but now see now sa atin!" Eulynne exclaimed and jumped at us with a wide open arms for a group hug.
"I missed you, girls." saad ko habang nakangiti at niyakap sila pabalik.
"Lol, baka kaka-sleep over niyo lang sa bahay namin last week?" nakataas na kilay ni Ryela. Natatawang pinalo naman siya ni Dori.
"Di ba pwede'ng pamplastik?"
Nagkatawanan kami.
"Sunny," liningon ko ang tumawag sa pangalan ko at agad na gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi nang makita siya.
"Icarus!" I exclaimed. Maliit akong kumaway sa kaniya.
He gaze at me from head to toe like it was as if examining me. I saw him gulped as he looked away before nodding at me.
Natawa ulit ako. Parang cold mood ang napili niya ngayong araw ah? May iba't-ibang klaseng mood kasi itong si Icarus. Parang baliw lang. Charot.
Pumunta na kami ng mga kaibigan ko sa enrollment area kung saan doon namin ifi-fill up ang mga documents namin. Ganito kasi iyan, ang buong eskwelahan ay may tatlong gate. Ang isa ay for colleges at ang isa naman ay sa junior high, at meron ding para sa elementary. Though may boundaries nga lang. But nevertheless, we have the same school name. Ang building at location kasi ng mga senior high school students ay malapit sa colleges.
Before the enrollment begun, nag-take ako ng entrance exam for STEM na strand. It's not compulsory naman since desisyon pa rin ng student kung mag-aaral siya diyaan sa track na pinili niya, whether he pass it or not. But I still chose to take the exam para magkaalaman kung kaya ko ba talaga or not. The entrance exam was actually made for those students na hindi rito grumaduate at para roon sa mga gustong kumuha ng scholarships. Our school were also one of the best international school in this country kaya pahirapan din ang pagpasok dito. Ang mahal pa ng tuition fee.
Napahiwalay ako sa grupo nina Dori nang umakyat ako sa third floor ng school staff's building para kuhanin ang result. Napili kong huwag muna itong pagbuksan. Alas dose na rin ng tanghali kaya nag close na ang enrolment hours.
Unfortunately, hindi pa tapos ang mga kaibigan ko sa mga ginagawa nila kaya dismayado akong lumabas sa campus.
"Pst."
Agad akong napanguso. "Bakit?"
"It's already past noon. Kumain muna tayo," aniya.
Kumunot ang noo ko. "Ha? Pero...sina Gebby?" takang tanong ko.
He shook his head lightly. "I forgot to tell you, their coach on cheer-dancing team are about to have their trial today. Matatagalan pa sila so come on and let's have our lunch already. Don't worry, I'd already ordered from food panda para sa kanila."
Nagtaka akong lalo. "Luh? Akala ko ba di na siya sasali?"
He shrugged. "Well?"
Ngumuso muna ako bago tumango. "Tara,"
He finally let out a smile then guided me towards his car. He opened the front seat for me. Nangingiting sumakay naman ako. Umikot siya at umupo sa driver's seat.
"Where do you wanna eat?" tanong niya. He looked at me and our eyes met.
I could feel my heart rammed hard inside my chest. His hazel brown eyes that was cold and emotionless earlier seems softening while directly looking at my eyes. I silently put the few strands of my hair behind my ear and flashes a small smile.
"Uh, kahit saan nalang." sagot ko. Tumango naman siya. Kita ko ang pagdaan ng mata niya mula sa aking mga mata pababa sa aking labi.
I unconsciously moistened it and I watched how his eyes glistened of an expression I can't clearly name. But above of it, the confusion was also there.
"You put something on your lips?" he asked kaya napasinghap ako at napatakip sa bibig.
"Hala! Ba't mo alam?!" gulantang kong tanong habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kaniya.
Nagsalubong ang makakapal na kilay niya. "It's obvious. Your lips are always dry and a bit pale."
Napasinghap ulit ako. Napantig ang tenga ko roon sa sinabi niya. I touched my chest and looked at him with an arched brow. "Pasmado bibig natin diyan, ah?! Nakaka-offend ka, Icarus!"
His lips parted. The panic registered on his face. "N-No. That's not what you it is. I mean, your lips were, uhm, how should I say this? Ah! Your lips were not like that before!"
Sinipa ko ang paa niya at sinaaman siya nang tingin. "Ang pangit mo naman ka-bonding, Ica! Ang sarap mong i-untog diyan sa steering wheel eh!"
Umiling ulit siya. "Hey, I'm sorry if I got you offended. I didn't mean to hurt your feelings. It was just a matter of fact."
"Ay putangina?" naiinis na tumawa ako.
"Sunshine!" pinanlakihan niya ako ng mga mata.
I pouted and kicked his foot again. "Pangit mo ka-bonding!"
"Don't curse like that, f**k it." he hissed. The irritation on his face made me even mire irritated.
Umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tiningnan siya. "Ako bawal pero ikaw hindi? Hoy, Icarus! In order to be a good leader, you need to be a good citizen! Paano kita susundin kung ikaw naman ay taliwas sa nais mong mangyari ang ginagawa mo?! Bad influencer ka talaga!"
He glared at me and I glared at him too. Walang nagpatinag sa amin sa saaman ng tingin. Ang kapal niyang insultuhin ako ah?! Kahit na totoo naman iyong sinabi niya, dapat fi-nilter man lang niya ang sinabi niya. He couldn't just say it frankly in front of a sensitive person! Mabuti nalang at maganda ako today kaya papalampasin ko'to.
"Damn..." bulong niya at ang kaninang nakabusangot na mukha ay unti-unting lumambot.
We ended up laughing.
Nang makarating sa malapit na mall ay agad kaming pumasok. He wrapped his arms around my waist as we walked towards the japanese restaurant. Nag-uusap kami habang naglalakad nang may bumunggo sa akin.
Napatili ako at napahawak kay Icarus para sana kapitan ngunit marahil sa pagkagulat ay natumba rin siya at nawalan ng balanse.
His eyes widened and immediately changes our position before we get landed on the floor. Napatili muli ako nang tuluyan na kaming matumba.
Me, on top of him...
Kumalabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa kaba at takot o ang dahilan ay ang sobrang lapit ng mga distansya ng aming mga mukha. I could feel his hot, heavy breathing fanning on my face. His perfume mixed with his natural manly scent invaded my nostrils. Our faces were just few inches away from each other. His hands was resting on my waist and other other one was placed on my back. Ang mga braso ko naman nakatukod sa kaniyang dibdib, sinusuportahan ang sarili.
I looked at his hazel brown eyes and I found myself getting mesmerized by it.
"Are you okay?" I felt his voice vibrating on my ear. Napakurap ako at nabalik sa reyalidad. Umawang ang labi ko sa sobrang lapit ng aming mga mukha, kaunti na lamang ay lalapat na ang aking labi sa kaniya.
"Icarus," I called, the sudden softness of my voice shocked me but nevertheless, I continued.
"Yeah?" his brows shot up. Our position didn't change. Nanatiling nakadagan ako sa kaniya at siya naman ay nakahiga sa sahig.
"Araw ka ba?" tanong ko sa seryosong boses. I met his eyes and I looked at him intently. I made sure to make my face as serious as possible.
I caught him gulping. "Ha?" he uttered.
"...ang hot mo kasi." dagdag ko sabay kindat sa kaniya. Umawang ang kaniyang labi at natulala sa akin. His cheeks reddened as he blinked his eyes several times dumbfoundedly.