Chapter 15
Having someone to lean on were giving me a nostalgic feeling. Iyong pakiramdam na may kakasandalan ka sa tuwing nalulungkot, nag-iisa at nasasaktan ka, nakakagaan sa dibdib. Napakasarap sa pakiramdam. Ngunit may bahagi pa rin sa aking puso na nangangamba na baka sakaling masanay na naman ulit ang puso ko sa ganitong pakiramdam at sa huli ay masasaktan din lang ako.
Nakakatakot.
Nakakatrauma.
Being dependent on someone was the scariest. Ika nga, kung gaano ka kataas lumipad, ganoon din ang kataas ang kababagsakan mo. And being too happy were no good dahil sa oras na mawala ito, masasaktan lang ang isang tao.
Madudurog at maiiwang luhaan.
Matapos kong umiyak sa kaniyang dibdib, doon ko lang napagtanto ang ginawa ko. I felt embarrassed for hugging him unexpectedly. Nakakahiya dahil sa lahat pa talaga ng tao siya pa ang pinagbuhusan ko ng mga hinanakit.
Icarus, on the other hand seemed unbothered. He even pulled me closer to his body. Mas lalo akong nakaramdam ng hiya. Dahan dahan akong lumayo sa kaniya at napagakat ng ibabang labi.
"I-I'm sorry..." I shyly said and lowered my head. Pinagsiklop ko ang mga palad sa likuran at pinisil ang aking sarili.
He took a deep breath and held my chin through his forefinger. He tilted my head up and made me look on his hazel brown eyes.
I avoided his eyes.
"Look at me," he commanded. His voice sounded so authoritative and very reassuring. Napaangat ako ng tingin sa kaniyang habang kagat kagat ang ibabang labi.
I watched how his eyes softened. He trailed his fingers on my face, tracing my tears before gently wiping it off. Napapikit ako dahil sa masuyo niyang paghawak sa akin.
"Sunshine," he whispered my name. His voice alone is enough to make my insides melted at the same time reassured. "Stop biting your lips, you are hurting yourself..." he caressed my lips through his thumb, so gentle like it was as if he's scared he might break me if he would put strength to it.
Napamulat ako at nakatingalang sinalubong ang kaniyang mga matang puno ng pag-aalala.
Pinakawalan ko ang labi at doon ko lang napagtanto na dumurugo na ito. I could taste the blood dripping out from there.
Nakahinga siya nang maluwag. He pulled out a handkerchief from his pocket. Dinampi niya ito sa aking labi na nagdudugo. Nakakatitig lang ako sa kaniya habang siya naman ay seryoso sa ginagawa.
Matapos no'n ay hinawakan niya ang palapulsuhan ko at marahang hinatak. Nagpatianod naman ako. We entered the small coffee shop inside the campus. Magkatabi kaming naupo. He ordered a milktea for me and a coffee for him. Tahimik lamang ako at halos hindi makatingin sa kaniya.
"Hey..." he called as he handed the milktea he bought for me. Tinanggap ko iyon. May tig-iisang slice rin kami ng cake at isang strawberry flavored donut, isang jar ng ice-cream at salad. At may pahabol pa, may pasta at mango float. Is he kidding me? Akala ko ay doon lang natatapos ang mga pinamili niya ngunit nagulat ako nang napuno ang table namin.
Tulala lamang ako habang tinitingnan iyon isa't-isa. What the hell? Ang dami naman ata ng mga inorder niya? Mauubos kaya namin ito? Ano bang pumasok sa isipan niya?
"Psychology says eating sweet can make somebody's mood lighter. So must try it." he said and smiled at me cheekily.
Mas lalo akong natulala.
"B-But... these are too m-much..." I murmured.
"It's okay, you're not obliged to finish it all. We'll be sharing these," he shrugged off his shoulders. "Shall we?" anyaya niya.
Nakangangang tumango-tango ako.
Nagsimula na kaming lamunin ang mga iyon. No'ng una ay naiilang pa ako sa kaniya pero kalaunan ay na-enjoy ko na rin. Nagsimula na rin kaming magkwentuhan hanggang sa mauwi iyon sa tawanan.
I never thought he's fond of sweets. Siya kasi iyong tipo ng tao na health conscious masyado. I heard from his younger sister na may sakit daw sa puso si Icarus no'ng bata pa siya eh. He went undergo open-heart surgery at the age of two and fortunately a survivor of a lethal illness.
Kaya nakakamanghang makita siyang lumalamon ngayon na para bang wala lang iyon sa kaniya. Marami pa kaming napag-usapan hanggang tinanong niya na rin sa akin ang nangyari kanina.
"So, why did you cried?" he asked. Sumubo siya ng pasta at nginuya iyon.
Agad akong sumimangot at padabog na isinubo ang cake. Gigil kong tinusok tusok ang donut na hindi pa nababawasan.
"Kainis! Maganda naman ako at matalino! Mabait din at loyal pero bakit may mga tao pa ring hindi nakukuntento sa akin?!" I hissed.
"Oh..."
Ang ice cream naman ay pinagbuntongan ko ng gigil. "I'm beautiful, young and free. A strong, independent, woman with a dignity and a kind heart!" himutok ko pa at mas lalong nanggigil. "Kung sa itsura, hindi naman ako papahuli, ah? Kung sa talino lang, alam kong may ikabubuga naman ako! Pagiging mabait? I can also do that! Pero bakit? Bakit may mga tao pa ring ang kakapal ng mga pagmumukha para i-reject ako?! They're losing a rare gem! Mga putangina, mga bulag ata sila! Ah, kaasar!"
Napapadyak ako.
He suddenly made an uncomfortable cough. Kinuha niya ang milktea ko at humigop siya roon.
"M-Maybe because you're too y-young for his age?" he stammered. He nervously smiled.
Tiningnan ko siya at tinaasan ng isang kilay. Isang taon lang naman ang tanda sa'kin ni Eleazar, eh kaya imposible ang sinasabi ni Icarus. Young for his age kuno. Ang sabihin lang, baka hindi ako sapat kaya ako hiniwalayan.
"Whatever his reason is, he should've also consider one side's feelings! Kung ano ba ang mararamdaman nang isa kung kapag gumawa siya ng isang desisyon. He must've known na may naapakan at nasasaktan siya. The audacity! Siya na nga itong minahal nang lubos-lubos, siya pa itong ang lakas makipaghiwalay!" I exclaimed and gritted my teeth as felt my eyes began to water.
Katahimikan ang namayani sa amin. Huminto siya sa pagsipsip sa milktea ko at saglit na natulala. "O-Oh... I thought... Haha..."
"Kainis! Kaasar! Ang kapal ng mukha!" napasabunot ako ng aking buhok. Agad naman niyang pinigalan ang kamay ko.
He then began to massage my hand and quoted, "Therapist says it's effective to relax-"
"Ah, enough of your high IQ!" I pouted my lips.
Natawa naman siya at pinag-igihan ang paghilot sa aking palad. Salit-salitan iyon sa kabila kong palad.
"You had a fight with your boyfriend?"
"Correction, ex-boyfriend." simangot ko at nangilid na naman ang luha. "And no, hindi naman kami nag-away. Siguro tinopak lang iyon at nabagok ang ulo kaya parang nabulag."
He chuckled manly. "How is that?"
"Ah, basta." irap ko. "Ang sarap mo magmasahe, ah? Dati ka na bang nakapag-part time job sa isang salon?" takhang tanong ko. Dati kasi ay nagpa-part time job siya kung saan-saan kasama ang mga baliw na pinsan kahit sobrang yaman naman nang family nila.
"Hindi ako pinayagan nina mom at dad," he said. "Baka raw kasi gahasain ako roon." he joked and laughed.
Nasapak ko naman siya sa braso habang namimilog ang mga mata sa kayabangan niya.
Our talk lasted for three hours. Busog na busog na nga ako dahil panay lang ang order niya. Hindi na rin ako natuloy sa pagpasok sa klase at gano'n din siya. Biyernes naman ngayon kaya for sure, less ang mga activities. Ewan ko nalang sa mga college student na kagaya niya.
So far, nawala saglit sa utak ko ang mga pangyayari kanina. I was distracted by the sweets and his jokes. Sobrang dalas lang talaga niyang nagbitaw ng mga banat kaya sinulit ko na. Baka bumalik na naman ang pagkamasungit no'n, eh.
I remembered our first encounter when were still a kids. Eleven siya that time while I was six or seven. Magkaibigan ang mga magulang namin at magkaklase naman kami ng kapatid niyang babae. Dori and I were playing doll house when I felt someone was staring at me. I roamed my eyes and caught him looking at my direction. For a moment, I was stunned because I didn't expected Dori has a brother. But my astonishment and a slight admiration didn't took long because before I could even utter a word, he rolled his eyes and went upstairs.
Simula no'n, madalas na talaga naming irapan ang isa't isa.
"Eh, kung hindi ka lang kalahating tanga at kalahating alien, hindi ka sana niya iniwan." pang aasar sa akin ni Sinon habang nagtatrabaho ako sa coffee shop na madalas niyang tambayan.
It's been four days since Eleazar and I broke up. The news flashed like a wildfire. No'ng unang araw ng aming paghihiwalayan ay hindi ako pumasok sa school, sa pangalawang araw ay hindi na rin sana ako papasok but I realized na kung hindi ako papasok, sasabihin ng iba na ako ang talunan. They'll believe that Eleazar dumped me and I am the loser one.
And I can't let that happen.
Sa pagpasok ko sa school, pinagtitingnan talaga ako ng mga estudyante na para bang isa akong sikat na artista na dumalaw sa paaralan nila. Well, I expected that naman na. Halos alam ng lahat ang relasyon namin. Iyong ibang mga teachers nga madalas kaming asarin sa isa't isa.
My friends comforted me right before I entered our classroom. Or comfort nga ba ang tawag doon dahil na imbes na kaawaan ay tinawanan lang naman nila ako.
Hindi rin ako umiyak o nagpakita ng negatibong ekspresyon man lang kahit sa loob-loob ko ay nasasaktan ako. Nakikisabay nalang din ako sa tuwing tatawa sila.
Kahapon ay nag-apply ako ng part time job bilang waitress para mas lalong i-distract ang sarili. Natanggap naman kaagad ako dahil wala naman required age na kailangan. Basta masipag at kompleto sa papeles, pasok agad.
I rolled my eyes. "Shut up kung ayaw mong ipatalsik kita dito."
"Oh, ano? Masaket? Wawa naman ng bebe gurl namin. Huhu..." he teased.
"Tatahimik ka o ipapalamon ko 'to sayo ang basahan?"
"-Abot hanggang college department ang issue, tss. Ako na naaawa sayo, bhie. Ako na." pagpapatuloy niya.
Ngumiwi ako at napakameywang na hinarap siya.
"Tumahimik ka nga, Sinon. Pakiusap lang! Kanina ka pa nandito pero tubig ka lang nang tubig! Paalisin kita rito, eh!"
His lips protruded. "Um-order kaya ako kanina ng cake," katwiran niya.
"Gago ka. Umalis ka dito." pagtataboy ko.
"Okay lang yan, bebe gurl. Makakahanap ka rin ng kagaya ko," mayabang na aniya at ngumisi sa akin.
I threw him a sharp look. "Disgusting."
He laughed. "Pero, maiba nga." he said. "Sayang niya, 'no?"
Ngumisi ako. "Bakit sayang? Kasi naging lalake siya? Tapos ang type niya ay babae hindi lalaki?"
He grimaced. "Straight ako, Sunshine."sabi niya at ngumuso. "Ang ibig kong sabihin, sayang niya dahil pinakawalan ka niya."
He turned serious this time.
Our eyes met.
"Bakit naman?" Ngumiti ako ng ubod ng tamis. Parang tumalon ang puso ko sa tuwa. Minsan maganda rin naman ang mga salitang lumalabas sa bibig nitong si Sinon, eh. Pero iyon nga lang, literal na MINSAN lang talaga.
He grinned teasingly and sipped on his water. Hinintay ko ang sasabihin niya. Ngiting-ngiti pa ako pero agad ding iyong nabura nang marinig ang kasunod niyang sinabi, "Sayang niya dahil pinakawalan niya ang isang rare specie. Nunkang kalahating tanga at kalahating alien? Saan ka pa makakahanap no'n?"
Mabilis kong dinampot ang basahan at tinapon ito sa kaniya. Nanlalaki naman ang matang umilag siya.
"Sinon Sawyer The Fourth!" I angrily stomped my feet.
Tatawa-tawa naman siyang tumayo at patakbong pumunta sa counter para magbayad ng mga kinainan. Tiyak kong namumula na ang pisngi ko ngayon sa inis.
"Sorna po!" he grinned before marching his way out from the coffee shop. Sinundan ko siya ng matalim na tingin at naiiling na nagngingit ang ngipin.
"Kaibigan mo pala iyan si Sinon, hija?" nagulat ako nang magtanong bigla ang may-ari ng coffee shop na pinagtatrabahuan ko.
"Ah-eh, parang ganoon na nga po." kiming ngiti ko.
"Mabait na bata iyan..." aniya at ngumisi sa akin na may panunudyo.
Natawa ako. "Sir, parang kuya ko lang po iyon, 'no. Atsaka, crush no'n ang ate ko."
Nagulat ito. "Oh? May ate ka pala?"
"Yes po,"
"Sigurado akong magandang bata rin iyon," he smiled.
I nodded. "Opo, sobrang ganda no'n," sang-ayon ko at pasimpleng umatras ng isang beses para ihanda ang pag-alis. "Sige ho, Sir, babalik na po ako sa trabaho." I bowed my head a bit and was about to turn my back when I noticed something on the table.
Kinuha ko iyon at sinuksok sa bulsa. Mukhang kay Sinon ata ito. Isasauli ko nalang ito 'pag nagkita kami.
____
Things suddenly went blurred. We broke up with my long term boyfriend, I passed the final examination with the highest score and I graduated as a Valedictorian on our school year batch. Parang kaylan lang nang pumasok ako sa high-school, ngayon ga-graduate na.
It's been a month when Eleazar and I finally ended everything of us. It still shock me how fast my recovery was. Now, were being casual and civil to each other. Magkaibigan pa rin naman kami pero sa kabila no'n, may malaking harang na talaga ang nakapagitan sa amin. Our strong friendship before ended up because we entered more of it.
I sighed as I waited for Helios to come. Magsisimula na ang seremonya ng graduation day namin pero wala pa rin siya.
"Magsisimula na ang lahat, okay? Prepare yourselves." sabi ni Ma'am Montes sa amin.
Napalunok ako.
I was disappointed right after they called me on stage. Wala si Helios. Wala ang daddy ko. Walang ama ang dumating sa akin para sabitan ako ng mga medalya but it's okay.
Nagpalakpakan ang lahat habang sinusuot ni Tita Sali ang mga medalya at ribbon sa akin. She hugged me tight and told me how proud she is for me.
Wala pa rin akong nakitang bulto ni Helios.
Kahit ngayon lang ba, hindi pa rin pwede?
Kahit ngayon lang ba, hindi pa rin siya pwedeng tumayong ama para sa akin?
Kahit ngayon lang sana, ituring niya rin akong anak... This is an important day for me. Hindi lang basta importante, espesyal din ito para sa akin. And I want my family to witness how happy I am for achieving this. Because after all, these medals and recognition were for them.
Habang umaakyat sa stage ay hinahanap ng aking mata si Sir Helios.
"Around of applause for our Batch Valedictorian, Miss Sunshine Kaye Marcus!"
Palakpakan at tili ang maririnig sa buong lugar.
Tumayo ako sa harapan ng lahat at may hawak na mikropono sa kamay. I cleared my throat as I wonder my eyes around the students in front me.
I smiled.
"Good day, students, teachers, parents, honored visitors, and friends." panimula ko at ngumiti nang matamis. "First of all, I wanna congratulate everyone of us, my dear batchmates because finally, gagraduate na rin tayo."
Nagpalakpakan sila.
"I am honored to be standing here in front of all of you to speak and inspire everyone of us, especially to our aspiring students who aim to take a step forward to achieve their goals and dreams. This message is for all of us."
And then I started my speech. Halos maiyak ang mga nakikinig sa akin habang nagsasalita ako. Sa gitna ng pagbibigay mensahe, inilobot ko ang paningin sa paligid, nagbabakasakaling makita ko si Helios ngunit nadismaya lamang ako sa huli.
Itinago ko nalang ang sakit sa pamamagitan ng pagngiti. Nahagip ang aking mga mata sa isang lalaking nakatayo sa isang gilid. Nakahalukipkip ito at walang emosyon ang mukha habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.
Natigilan ako at gano'n din siya. Napatitig kami sa mata ng isa't isa. Hanggang sa gumuhit ang maliit na ngisi sa kaniyang labi.
I cleared my throat and looked away as I felt my cheeks burning hot. Naaasiwa ngunit masaya akong nagpatuloy sa pagsasalita.
Suddenly, my mood lifted up.
"As we gathered here on our graduation day, another goal has been accomplished. Another dreams will rise up, another goal will be added on the list and another journey has began to start." I continued.
"Struggles for being a high school student are normal. Growing up, we encountered battles as a kid; We stumbles, we cries, but as we look at us now, we're still standing and fighting. High school days were really fun and exciting. We'd encountered a lot of new things, we had encounter being bullied, being teased, being frustrated, being curious about new stuff, and being so conscious about our looks." huminga ako nang malalim at pinakawalan ito ng may ngiti sa labi.
"Maraming bagay ang nadiskobre at madidiskobre pa. Including those new kind of emotions and other things like; Infatuation, love, happiness, dreams, friendship, and alot of more." saad ko. "Those are the things I found while I'm studying on junior high. I learned how to dream high, I've learned different kind happiness, and I've encountered alot od students who became my closest friends. I'm very, very thankful to have them. They're my family," tingnan ko ang mga kaibigan ko na ngayo'y ang lalawak ng mga ngiti. Kinawayan nila ako.
Ngumiti ako sa kanila at kumaway. Pagkatapos kong masabi ang mga puwede pang sabihin ay nagpaalam at nagpasalamat na rin ako sa lahat.
Nang makababa na ako ay sinalubong ako ng yakap mula sa mga kakilala ko. My brother gave a bouquet of flowers and a humble gift. Niyakap ko siya nang mahigpit at hinalikan naman niya ako sa pisngi.
Tumingin ako sa likuran. Wala pa talaga si Sir Helios. Hindi siya nagpakita. Hindi siya pumunta. Wow. The best supportive father ever.
Pagkatapos ng closing remark ay dumeritso kami sa bahay nina Icarus para doon magtanghalian. Hindi sana ako pupunta ngunit nakakahiya naman dahil pinilit talaga ako ni Tita Veronica.
"Congratulations," bati sa akin ni Icarus habang kumakain ako ng kanin sa may pool area nila.
I smiled and put down my plate beside me to hug him. He chuckled and hug me back. I felt the butterflies on my belly.
Uminit ang pisngi ko.
"Thank you," I sincerely said.
He gently tapped my back. "There's nothing to be thank about, Sunny."
I giggled and pulled away. Kinuha ko ulit ang pagkain at nagsimulang kainin iyon.
"I dunno but it surprise me how effective your idea on how to make a person move on," humahagikhik na saad ko.
"What is it? Doon ba sa part na pagkain ng mga matatamis?" nakangiting aniya.
Tumango-tango ako. "Yes!" I exclaimed with widened eyes. I took his advice seriously. Since I was stressed and broken, I came up to the part na nag-i-istress eating. It doesn't gave me a bad effect naman kasi instead of eating junk foods and high calories food, iyong mga organic and low-sugar halos ang kinakain ko. At nag-e-exercise rin ako to burn fats.
Inangat niya ang kaniyang kamay at agad iyong dumapo sa aking pisngi. Natigilan ako sa pagnguya pero agad ding napangiti nang mapansin na pinahid lamang niya ang kalat sa gilid ng aking labi.
"You okay now?" may malambing na tanong niya.
Uminit ang pisngi ako. "Uhm, oo."
He smiled, and I think my heart just melted. Umiwas ako ng tingin at dahan dahang sumubo ulit ng pagkain. Tiningnan ko siya sa gilid ng aking mga mata at nakitang nakatitig pa rin siya sa akin at nakangiti. Natatarantang umiwas ulit ako ng tingin ngunit dagli ring napahinto nang parang may bumara sa aking lalamunan.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Hey, why?" he asked.
Umiling ako at inilapag ang plato sa gilid ko. Napahawak ako sa aking leeg at napakurap-kurap.
"Sunshine?" tawag niya sa akin sa nag-aalalang boses. Dalawang kamay ko na ngayon ang napahawak sa may lalamunan ko.
"I-I... I can't b-breath..." hirap na sambit ko.
"What?"
"C-Choke..." napapikit ako.
"Coke? You want coke?"
Sunod-sunod akong umiling. "C-Choke! L-Lakuan...!"
"H-Ha?"
PUTANGINA.
"T-Tubig! Give me water!" sigaw ko.
"Hello, mga pips! Water ba? Or tubig? H20? Or-" narinig kong boses ni Sinon. He gave me a glass of water at mabilis ko iyong ininom at nilagok. "-whatever."
Nakahinga ako nang maluwag. "Ah, salamat sa Diyos!" naghahapong anas ko.
"U-Uh, what just happened?" takhang tanong ni Icarus na siya namang tinawan lang ni Sinon at ikinasama ko ng tingin.
"Hindi naman halatang bobo ka rin, pre!" tatawa-tawang bulalas ni Sinon sabay hagalpak ng tawa. He pulled out his handkerchief from his pocket and threw it on my face.
Nakangusong pinunasan ko ang mukha gamit iyon. Muntik na ako do'n, ah? Konting kembot nalang talaga baka tugik na ako mabuti nalang at dumating agad si Sinon.
"Fourth!"
"Oh, Isha? Why?"
"I can't find my bag! Have you seen it?"
"Hindi, eh. Saan mo ba nilagay kasi?"
"I don't know nga! Magtatanong na ako if knows ko kung saan? Oh, my gosh! I need to find it! Uuwi na kami ni kuya! May usapan pa naman kami ng fam ko!" mataray ngunit nababahalang saad ng kapatid ko.
Icarus offered a help but Sinon stopped him. Napagkaalaman kong magkaklase pala sila apat nina Sinon, Travis at Icarus. They're actually friends including Grettle and Yngrid. Kaya pala kilala nila si Icarus no'ng minsang hinatid ako nito sa bahay.
Napakamot-kamot sa ulo si Sinon at binalingan kami. "Samahan ko na muna kapatid mo, Suns. Mag-ingat ka sa pagkakain, okay?" seryosong paalala niya.
Tumango ako at nagthumbs up.
Nagpaalam na rin ako pagkatapos ng selebrasyon sa bahay nila. Nag commute ako diretso sa bahay. Maggagabi na at siguradong nandito na rin ang mga kasamahan ko sa bahay. Pagkapasok ko roon ay naabutan kong sala silang lahat at nanonood ng pelikula.
Si Helios ay nakaakbay sa asawa niya at katabi naman nito ay si Quinn. Naka-pang isahang sofa naman ang kambal at parehong may pagkain na hawak. They're watching a movie while laughing and enjoying.
On the other hand, I was standing near them. My chest was tightening and tears were falling. Habang sila ay nagsasaya, heto ako't dismayado at nasasaktan dahil wala man lang kahit isa sa kanila ang dumalo sa isang napaka-espesyal na araw para sa akin.
Napapailing na umakyat ako sa kwarto at naligo. Matapos kong makapagbihis ay umalis na rin agad ako sa bahay na iyon. I wore a high-waisted mommy jeans and a fitted blouse before marching my way out from this seemingly torturing house.
"Tita!" I cheered and hugged her waist.
"Anak," she chuckled and kissed my forehead. "Halos hindi kita makilala, dalaga ka na talaga."
I giggled.
"Tangkad ko, 'no?"
"Abay, oo! Saan ka pa ba magmamana? Pang model ata ang mga itsura natin."
Sabay kaming natawa.
Habang kumakain kami ay marami kaming napag usapan, tinanong rin nila ako kung anong kukunin kng strand sa senior high pero wala akong naisagot. Ang hirap kaya mamili!
"Birthday mo na pala sa susunod na araw, hija, ano?" sabi ni Tito Brandon habang kumakain kami.
Napahinto ako at napangiti. "Alam niyo po?"
He smiled. "Oo naman,"
"Sana all." I said and laughed. "Oo po, birthday ko ho sa sixteen... Plano ko po sanang dito nalang ulit mag celebrate sa inyo, eh. Okay lang po ba?"
"Walang problema 'yan, Sunny." sagot ni Aciel.
"Ate, mag iilang taon ka na po?" tanong ni Leane.
"Sixteen na rin," ngumisi ako. "Anong gusto niyong makuha' pag birthday ko na? Dali, libre ko kayo. First sahod ko rin sa trabaho, eh. "
Agad na nagliwanag ang kanilang mga mata.
"Tsokoleeet!"
"Akin phone case!"
"Akin naman power bank, ang hirap bumangon sa gitna ng gabi, eh."
"Ayan, w*****d pa, Coleen."
"Di kaya!"
"Nye nye."
I smiled. "Iyon lang ba?" tanong ko.
"Opo!"
Tita Sali interrupted. "Hoy, magsitigil nga kayo. Si Sunny ang mag bi-birthday hindi kayo. Assumerang mga 'to."
Natawa ako. "Tita, okay lang."
She shook her head disapprovingly. Umingos naman ang mga bata.
After our mini-celebration, nagkayayaan kaming magvideoke sa sala. Ang pambato naman namin sa kantahan palagi ay si Seth. He has a very wonderful voice. Sobrang lamig at sobrang sarap sa pandinig. I think he inherited it from our mother. Maganda rin kasi ang boses ni mama eh. Si Aciel naman ay ganoon rin. Ang gaganda ng mga boses ng mga batang 'to. Tiyak na malaki ang mga magiging hinaharap nila kung mas lalo pa nilang paghusayan.
Nang sa akin na tumapat ang mikropono ay agad akong umiling at tinanggihan iyon.
Okay na, maganda na ang gabi namin. Ayaw kong sirain ito at ayaw kong umulan.
Matapos ang katuwaan ay umuwi ako sa bahay na siyang tinutuluyan ko. Tulog na ang lahat nang makauwi ako. Ayaw pa nga sana akong payagan ni Tita pero nagpumilit ako na uuwi talaga.
Even though Helios doesn't care about my whereabouts, respeto ko na rin sa kaniya ang pagsunod sa mga dapat ginagawa talaga ng isang anak.
Hindi agad ako nakatulog paghiga ko sa kama. Inatake na naman ako ng insomnia. Maraming bagay ang tumatakbo sa aking utak hanggang inatake na naman ako ng pags-self pitying.
Imbes na ipagpatuloy ang ginagawa ay napagdesisyonan ko nalang magbukas ng social media account ko. Hindi naman ako nagsisi dahil sobrang ganda ng bungad nito sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko at bumilog ang aking bibig. Napabalikwas rin ako ng bangon.
Icarus Del Cianco changed his profile picture.
Is this for real?!
The oldy grumpy ugly Icarus just changed his profile?!
Whole body ang profile niya habang naka-topless. Kitang kita ang ganda ng hubog ng kaniyang katawan! His muscles were perfectly put in their right places and I think I haven't seen much of a wonderful body of a man until now.
47 minutes ago...
"4,560 HEARTS AND 7,925 COMMENTS!?!" manghang bulalas ko.
WOW!
Mas sikat pa siya sa isang celebrity nito eh!
Nang basahin ko ang comments ay puro "Pa mine" at "Happy birthday" lang ang nandito.
WHAT THE HELL?
Sa pagkakaalala ko eh August three pa naman ang birthday niya, ah?
Mabilis akong nagtipa kagaya ng mga comments ng iba, humiga ulit ako sa kama sabay send ng tinype ko, "Pa-mine pooo!"
I giggled. Kaya pala ang daming nag-greet sa kaniya ng happy birthday kasi once in a blue moon lang naman kasi siya nau-update ng profile picture. Kung sa status naman, halos shared post lang about sa inspirational quotes and political stuff ang laman ng timeline niya.
"All yours, madame."
My smile faded.
OH
MY
GOSH!
NAKAKAHIYAAA!
"?!!" I replied.
Nag-pop bigla ang name niya sa messenger ko. Napabalikwas ako nang bangon at mabilis iyong binuksan.
Icarus : Good evening, My Light
Sunshine: ?
Icarus: haha why?
Sunshine :huwaaaaw! himala ata nagchange ka ng dp?????
Icarus: Was it bad?
Sunshine:Hoy, ang gwapo mo!
Icarus : Really? Am I handsome?
Sunshine: Slight HAHAHA
Icarus: Really, huh?
Sunshine: Oum. Huhu sanaol famous. How to be you po?
Icarus: Lol.
Sunshine: Seyoso ako!!!!!!
Icarus: Okay, mwhehe.
Sunshine: luh?! high ka boi? ohemge
Icarus: ba't gising ka pa?
Sunshine: ikaw? ba't gising ka pa rin? same lang tayo ?
Icarus: Emjust wanna ask somethin'
Sunshine: sa akin ba? nuyunn?
Icarus: are you free for the next day?
Sunshine: hmm, why?
Icarus: just tell me.
Sunshine: Demanding hmp!
Icarus: Well?
Sunshine: Yes na parang hindi. Kung hindi mo naitatanong birthday ko sa susunod na araw, hmp!
Icarus: I know and advance happy birthday.
Napaayos ako sa pagkakaupo at napakagat ng ibabang labi sabay ipit ng buhok sa likod ng aking tenga. Shet, kinikilig ako. Tahimik akong napatili at mariing napapikit ng mga mata. Pinahupa ko muna ang tuwa bago nareply.
Sunshine: Thanks. Sorry sa late reply, inaantok na kasi ako. Btw, bakit mo pala naitanong?
Icarus: Nothing.
Sunshine: Owki :))
Icarus: Sunshine?
Sunshine: Yes po?
Icarus: Good night.
Sunshine: Good night din po.
Icarus: Bye. Have a wonderful dream.
Nakangiting naglog-out ako at napahawak sa dibdib. Sobrang lakas ng kalabog nito na animo'y galing ako sa isang karera.
This was the first time we had a conversation through internet and it's kinda feels awkward. I still can't believe he initiated our first conversation but at the same time happy. Nakagat ko ang ibabang labi at natimik na napatili.
And for the the first time since I can't remember, nakatulog ako ng mapayapa na may ngiti sa labi.