Chapter 13
Pumunta kami ni Sinon sa isang snacks in. We were comfortably chit-chatting over a cup of tea. Sometimes I wanted to punch his face because of the boastful aura he has around him. Parang wala atang kaubusan ang mga mahahangin niyang salita para sa sarili. But somehow, I find it cute to the point I wanted to throw him out of this room. I don't know what to do about his self bragging personality. However, this conversation was also getting me entertained and made me forgot the thought that my man was with another girl.
"...and yep, nag e-endorse pa rin ako 'til now. Ang agency kasi ay hirap akong pakawalan. They treats me like a fancy rare gem. Ganiyan talaga 'pag exotic ang itsura eh. " aniya sa kalmadong boses.
I rolled my eyes for the hundredth time. Palihim akong umingos at umirap ulit. "Ah, talaga ba?" walang ganang tugon ko. I don't wanna make him feel bad, baka iwanan niya ako rito. Plano ko pa namang siya ang pagbayarin sa mga kinain namin.
"Yes, of course." he grinned. Ilang segundo siyang napatingin sa mukha ko at bahagyang natahimik. "You know what, Sunshine. You're beautiful. You're tall, skinny, has a flawless skin and an angelic face. If you're interested into modeling, I can recommend you to our company's agency." he gaze me from head to toe.
There's nothing malicious on the way he looked at me kaya hindi naman ako nailang.
"I'm not into that thing, Sinon. I hate attention." I casually answered. "Besides, that somehow could be a distraction from studying. For a person who were a sucker for higher grades, modeling is the least thing she could think. That's a plain hindrance for my studies."
He grimaced and made a face of disbelief. "You're really a nerd-like girl. Kulang nalang makapal na eyeglass diyan sa mga mata mo para sabihin nerd ka nga. That life is one of a hell boring!" he said the last sentence with conviction.
Napairap ako. "You are exaggerated, Sin. Hindi lang naman sa libro at study umiikot ang mundo ko, 'no? That wasn't a word for word phrase. What I mean is that, kung magmo-model ako, hindi lang oras ang mawawala sa akin, pati na rin ang privacy ko. Not that dudumugin talaga ako ng mga tao at may malalaman talaga silang informations. But do you know what I mean? It's possible. As much as possible I wanted to be a low-key person."
Napatango siya sa sinabi ko. "Well, sort of, you're right. There were a lot of rules you needed to obey if you are in to it. You need to uphold things: Career or not?" he simply said.
I shrugged my shoulders and took a spoonful of cake and had a taste on it. "By the way, ano pala ginagawa mo sa garden kanina? May importante— Oh, my!" napatigil ako at napatakip sa bibig.
His brows creased. "Why?"
"M-May dapat ka bang puntahan sana doon? Or you have something to do? Oh, my gosh. I remembered myself pulling you out of that place." nagpapanic kong saad.
Natigilan ang kaharap ko at saglit bumaha sa mukha ang pagtataka. Pagkuwan ay humalakhak ito ng napakalas. He was oblivious about our surroundings that people were already glaring at our direction. Sinipa ko ang paa ni Sinon sa ilalim ng lamesa at pinandilatan siya ng mga mata.
Napangiwi ito at bumusangot ang mukha. I was about to complain about his behaviour when a sweet, womanly voice spoke behind me.
"Fourth?"
My brows knitted when I saw Sinon's body stiffened and an instant, the jolly and sunny bright side around him vanished in a blink of an eye.
"What were you doing here? Akala ko ba umuwi ka na?" The familiar voice was lingering in my head, pilit kong inalala kung kanino ito.
My eyes widened and my lips parted.
Napalingon ako sa likurang bahagi at nakita si Trisha na maarteng nakataas ang kilay habang nakakrus ang mga braso sa may bandang dibdib.
Napatayo ako sa gulat at muntikan pang matumba. "Isha!" I acknowledged.
She arched me one of her perfect shape brow. Napalunok ako. Mataray naman niyang iniwas ang mata sa akin at binalingan si Sinon na tiyak ko'y namumutla na.
"I-Isha, hehe... uh, what's up?" rinig kong sabi nito.
"What's up, my ass. I thought you already went home. Pinagtakpan pa naman kita kay kuya. 'Yon pala... " mariing bigkas nito at naningkit ang mga mata.
Naguguluhang nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawa. Magkaibigan ba sila?
Sinon shook his head as he gulped. "No. That's not what you think it is—" she cut him off.
"Alright, I'm calling my twin brother." she pulled out her phone from her clutched bag. Ilang sandali siyang may kinulikot doon bago inilapit sa tenga ang cellphone.
"Hello, Kuya. Nandito po si Sinon. He's hiding from us. Uh, yes, yes. He's a liar. What?! No! Why would I? Tch." she frowed, pagkuwan ay napangiti siya nang matamis. "Oki. I'll wait you here nalang."
Nang matapos ang tawag ay tinaasan niya ng kilay si Sinon na ngayon ay namumutla na talaga. "Trisha Angeline! Why did you—"
"Because I said so!" she yelled back and glared at him.
Natahimik naman ang huli.
Nagsamaan ang dalawa ng tingin. Tumikhim ako at inagaw ang kanilang atensyon. Saka lamang nila napansin na may kasama pa pala silang iba.
"Nevermind that, Sunny." Trisha said and smiled at me sweetly. Napakurap ako sa pagbago ng kaniyang emosyon at ang paraan ng pagtrato niya sa akin. "We're classmates kasi then may project kaming ginagawa ta's nagpaalam siyang uuwi na kasi masakit KUNO ang tiyan ng tanto!" mariin at gigil na aniya.
Napakunot ang noo ko. I noticed this personality of Trisha na maldita pero malambing naman. I began to doubt if she really dislikes me or she was just worried about her mother's feelings.
Napaisip tuloy ako. Am I that insensitive not to consider Helios' wife's feelings para manatili ako roon sa bahay nila. Am I that selfish not to notice people's feelings around me? Sadya nga bang sobrang manhid ko para alalahanin na may naapakan akong tao?
I gulped hard as I began to realize what I brought to Helios' family...
Nasa dugo na ba talaga namin ang manira ng pamilya ng iba?
Ipinilig ko ang aking ulo at napakurap ng ilang beses. Anak ako. Sa labas man o hindi, still I am his daughter. It was his fault for being so unfaithful towards his wife.
Bakit, masama bang humiling na tratuhin niya rin akong anak balang araw? Masama bang tumira sa bahay nila para makaramdam man lang ng katiting na pagmamahal sa ama? Ever since I was a child, I already dreamt of this. That one day, he'll be able to treat me as his own daughter...
Ngayo'y may posiblidad na mangyari ito, hahayaan ko ba ang sariling paandarin ang pagiging selfless?
"Uh, ano pala, kaibigan ko si Sin, Isha..." I uttered. "Uh, actually. Iyong kapatid niya talaga ang kaibigan ko." dagdag ko.
She just shrugged.
____
Matapos kong magpalibre kay Sinon, dumeritso na agad ako sa sakayan ng mga jeep. It's convenient sana talaga if taxi nalang kasi malayo layo ang mansion at isang sakayan lang unlike kong magje-jeep ako, tatlong biyahian pa.
Sasakay na sana ako sa jeep nang biglang may nagpreno ng malakas. Kusa akong napahinto at napalingon sa likuran. Umawang ang labi nang makitang pamilyar ang sasakyan na ngayon ay nakaparada sa gilid ng daan. Hindi na ako natuloy sa pagsakay dahil agad agad akong lumalakad patungo sa kotse.
The window rolled down and Icarus' bright face greeted me. His hazel brown eyes seems sparkling. He was grinning widely like it was as though he's in a good mood right now.
"Hop in." he said.
"H-Ha?" napamaang ako at napakurap. "Bakit naman? Ihahatid mo ba ako? Bago mong kotse ba 'to? Ang ganda ah." sunod sunod kong sabi. Icarus is a kind of man who likes to collect cars. Porke't rich kid eh. Bukod doon ay pansin ko rin ang pagkahilig niyang magkolekta ng mga relo.
"I'll drive you home, ayaw mo ba?" he asked and his thick brows furrowed. Aligagang napakurap ako at dali daling binuksan ang backseat door at agad na pumasok. Baka mag bago pa ang isip niya eh.
"Dito ka sa harap, hindi naman siguro ako mukhang driver." he scoffed.
Napakurap muli ako bago bumaba at tumabi sa kaniya sa harapan.
He started the engine and we were just quietly sitting there. Nagkamustahan at nakipagbiruan pa kami sa isa't isa hanggang sa pareho na naman kaming natahimik. To ease the awkwardness, I asked him how to open the radio and he taught me how. Nagsimula na itong tumugtog.
"You are my sunshine...
My only sunshine,
You make me happy
When skies are gray..."
"You'll never know, dear
How much I love you
Please don't take my sunshine away..."
I smiled silently as a certain name suddenly popped in my head. I remembered my f*******: friend named Cutiecutie. "I love this song..." naibulalas ko.
"Hmm... me too." he answered with a smile.
"I'll always love you
And make you happy
And nothing else could come between
But if you leave me to allow another
You'll have shattered all of my dreams... "
"This song reminds me of a friend sa facebook." kuwento ko at medyo napahagikhik pa. "Ah, I miss that voice!" I exclaimed.
He uncomfortably shifted his position on his seat. "R-Really?"
"Yep." I giggled again. Ramdam ko ang pag iinit ng magkabilang pisngi. No one had ever sang for me. Well, except from Eleazar. Wala atang araw na hindi ako non kinakantahan. Sintunado man o hindi.
"Hmm..." he hummed. "
"However, nakakainis lang minsan pero cute naman. Ang lamig talaga ng boses niya. Ah, by the way, kinantahan niya pala ako sa messenger." sabi ko. "So, ayun na nga. Nakakatawa lang,"
"Uh, why?"
"Send nang send ng message sa akin at binabaha ako ng stickers, jejemon amp." natawa ako.
Sandaling natahimik ang kasama ko.
"Y-You find it... uh, what's jejemon again?" he shyly asked. Nawala na ang sigla sa mukha nito at parang namumutla.
"Jejemon, ibig sabihin no'n ay nahuli sa uso. Mga pag oldies ang datingan." humalakhak ako.
"What?" he faced me with his usual poker face. Hininto niya pala ang kotse sa gilid ng daan.
I stopped.
"Uh... h-ha?"
"Oldies?" He looks pissed.
"'Luh? May sinabi raw ako?" sabay patay malisyang umiwas ako ng tingin. "Wala akong pinapatamaan dito, ah!" depensa ko.
"Do I look... old?"
My forehead creased. My heart took a leap. Tumikhim ako at lumabi. "Ano ka ba, yung friend ko sa sss ang tinutukoy ko."
But he didn't budge, instead he close the distance of our face, few inches and our nose will touch.
I gulped.
"Again, I'll ask you... Do I look old?" he huskily said which made me shiver.
I gulped hard as I lifted my shaking hands and pushed him slowly. "L-Lumayo ka nga sa akin!" namimilog ang matang sininghalan ko siya.
Tinaasan niya ako ng kilay at bumalik ulit siya sa pagda-drive. Pinakalma ko naman ang puso kong naghuhumerentado sa dibdib ko bago ko nilingon at tinawag.
"What?" masungit na aniya.
"Uh, hindi ka naman old tingnan. Uh... for my age, yes. Pero kung tutuusin, uhm, s-sobrang gwap— Ah, nevermind." mabuti nalang at napigilan ko agad ang ano pa man ang sasabihin ko sana.
I heard his soft chuckle. Nag iinit ang pisnging natahimik ako at napakagat ng ibabang labi.
Hinatid na ako ni Icarus sa bahay pagkatapos naming mag asaran sa loob ng kotse niya. Kung hindi ko lang talaga siya kilala simula bata pa kami, iisipin kong may gusto siya sa akin based on how he treats me. At pinasakay pa talaga niya ako sa baging kotse niya, ah?
Bakit? Bakit ako pa? Nasaan na ba si Grettle? Bakit ba ako ay pinapaasa? Bakit ang puso ko pang marupok sa tukso? Bakit?! Charot. Naka-move on na ako, 'no.
Napailing ako at napangiwi sa nakakadiring sinabi ko sa aking utak. Yuck.
"Saang lupalop ka na naman ba dinala ng kalandian mo at ginabihan ka ng uwi?"
Hindi ko pinansin ang narinig mula kay Quinn habang naglalakad ako paakyat sa aking kuwarto.
Kung makaputak naman ang isang 'to akala mo isang nanay. Napaikot ang mga mata ko.
"May pinagmanahan nga naman, oh!" parinig niya sa akin habang sinusundan ako paakyat. "I'm starting to see this house as dirty. Paano ba naman, may nakikitirang anak ng isang puta."
Childish.
Naikuyom ko ang kamao ko at nagtiim bagang nalang sa mga sinasabi niya. I'm not that low to stoop on her level of childishness.
Hindi ko siya pinansin at pumasok nalang sa kwarto. Dahan dahan pa ang pagpasok ko at baka magkapasa na naman ako sa katawan kung sakaling may masama na namang ginawa si Quinn. I looked at her over my shoulder and caught her grinning.
She flipped her fair bago siya pumasok sa kaharap na silid ko. Napailing ako at akmang bibitaw na sa door knob nang mapansing hindi ko na ito magawa. Tila dumikit na ang aking mga balat dito.
Nanlaki ang aking mga mata at para akong lalagnatin sa sobrang pagkulo ng dugo. I tried to pull my hand but to no avail...
Malutong akong napamura. She f*****g puts a super adhesive glue on my knob. Napapadyak ako sa inis habang sinusbukang tanggalin ang kamay ko.
Relax, Sunshine. Remember she's your sister. Hold yourself. Paalala ko sa aking sarili bago pa man ako maubusan ng pasensya.
Kinabukasan, ganoon pa rin ang nangyari, she kept on hitting me with her unstained fratch, bold insults, discrimination, and her half jokingly pranks which causes me a lot of bruises and cuts. Minsan naiirita ako sa kaniya pero madalas ay pinapabayaan ko nalang, magsasawa rin naman siya.
"Opps! Sarrey!" she exclaimed and hid a smirk on her lips.
Napapikit nalang ako nang matapunan ako ng spaghetti sa ulo. Here she goes again with her bitchy side.
"Leave me alone, Quinn." mahinahon ngunit mariin kong banta.
"O-Oh, I'm s-sorry! I'm sorry! I didn't mean to... sorry po!" nag simula na siyang mag hysterical. Kunot noong pinanood ko lang siya. What just happened?
"I'm sorry, hindi ko sinasadya!" she began to cry hard.
"The hell!" I said as I stood up.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang ginagawa niya. Napalibot ang paningin ko sa buong cafeteria at napansin ang mga matang puno ng pagtataka mula sa mga estudyante.
"W-Wag niyo po akong saktan, please! H-hindi ko naman po iyon sinasadya! N-natapilok ako at nadulas, m-maawa ka, ate..." pumiyok ang boses at yumugyog ang balikat.
"Quinn." sinubukan ko siyang hawakan pero mas mabilis pa sa kidlat siyang natumba.
"Ouch!" Nasasaktang aniya.
Nanlaki ang mata ko at umawang ang labi. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya.
"Quinn! What the hell are you doing?!" sigaw ko at napalinga linga.
"Don't come near me! Huwag mo akong saktan. I'm sorry, I'm sorry! I-I really didn't meant it!"
Nagsimula ng pagkagulahan kami ng mga estudyante. Ang iba ay may hawak na camera at ang iba naman ay nanunuod lang.
I sighed irritatedly and clenched my jaw. Napakuyom ako. "Quinn, stop this act, please." I said through gritted teeth.
She gasped and started to cry harder. Naka upo pa rin ito sa sahig at umaatras na para bang inaapi ko talaga siya. "H-Hindi ko naman iyon sinasadya, eh. P-promise h-hindi... hindi ko iyon magagawa sa'yo! I'm so sorry! H-Hindi ko na ulit iyon g-gagawin."
Napailing nalang ako at itinago ang nakakuyom na noo sa likuran. I could feel my newly wound from my hand because of her prank last night being cut once again.
"Whatever you're doing, you did great." I said. My heart was about to explode but I kept on reminding myself she's my sister. I'm way older than her so I must understand and be a patient sister.
"See, guys! She is even threatening me! Ang sabi niya sasaktan daw niya ako!" nanlalaki ang mata sa takot na sigaw niya upang kunin ang simpatya ng mga estudyanteng nakikinoud.
Nagtiim bagang nalang ako. Why does she have to do this? Nagsimula na ang bulong bulongan sa paligid. I sighed one more time to ease this anger on my chest.
No, Sunshine, you can't let your bitchy side shows up.
No.
"Quinn, will you stop the act? Alam natin pareho ang nangyari!" singhal ko dito.
"H-hindi ko nga sinasadya!"
"Oh, shut it! Wala akong paki alam!" I said through gritted teeth. Malapit na malapit na, mauubusan na ako ng pasensya. "At hindi rin kita pinagbabantaan, alam mo 'yan..."
She threw me a sharp glare ngunit agad din iyong naglaho. Napatingin siya sa aking likuran at mas lalo lamang siyang napaiyak at nagkunwaring takot na takot.
Seriously, she can win the Oscar's award for being such an actress.
"Sunshine!" Eleazar's angry voice roared around the cafeteria.
My whole body stiffened.
I slowly looked at him and his eyes tells me how mad he is. Napalunok at at mabilis na lumapit sa kaniya para sana ay humanap ng kakampi. But to my shock, nilapitan niya si Quinn.
...na dapat ay ako.
"Ano bang ginagawa mo, ha?!" sigaw niya sa akin habang nilalapitan si Quinn sa sahig na humihikbi pa rin at panay ay hingi ng tawad kuno sa akin.
"Wala akong ginagawa, Ele..." I said coldly.
"Liar! You pushed me on the floor! Everyone around here saw it! You pushed me! You tried to hurt me!" Quinn screamed.
"You threw a spaghetti on my head."
"So, you're not denying it? Itinulak niya ako dahil nagalit siya dahil natapunan ko siya ng spaghetti. Ezar! Believe me! Hindi ko iyon sinasadya! H-hindi ko iyon magagawa sa kaniya! Why would I do that? She did nothing bad for me to do such thing! M-Maniwala ka, nagsasabi ako ng totoo... "
"Hey, it's okay, it's okay." Hinagod niya ang likuran ni Quinn at pinakalma.
Ramdam ko ang pagkabasag ng aking puso dahil sa nakikita sa aking harapan.
"H-Hindi ko alam na ganyan pala siya. S-sinaktan niya ako, Ezar..." sumbong nito.
Galit na bumaling ang tingin sa akin ni Eleazar. Napaiwas ako ng tingin. "I can't believe you did this! Hindi ka na ang dating kilala ko. Just for that small thing handa ka ng manakit ng kapwa? You disappoint me, Sunny." he stated.
I just stared at them.
My heart was painfully tugging. Bakit mas pinapaniwalaan pa niya si Quinn eh ako yung girlfriend niya?
I smiled weakly.
Pinalipat lipat ko ang tingin sa dalawa at napailing nalang sa sakit na namumuo sa aking puso.
Sa huli, nagbuntong hininga nalang ako at tiningnan sa mata si Quinn. She has this smug smile on her lips.
"I'm sorry." I said and averted my eyes to looked at Eleazar. He was really mad and the disappointment was all written on his face. "I-I'm sorry... " gumaralgal ang aking boses.
Tumalikod na ako at pumunta sa isang rest room, pumasok ako sa isang cubicle at doon pinakawalan ang pinipigalang luha at hikbi.
Hindi ako makapaniwalang ginawa iyon sa akin ni Quinn. She just made me stupid right in front of the students who look up to me as their senior. I can't believe she humiliated me and even accused me for a crime I didn't even committed.
And most especially, I can't believe the fact that the person whom supposed to protect me were now protecting a two-faced witch...