UMALIS AKO AT NAMASUKAN SA CABANATUAN...

652 Words
pag kahatid sa akin ng kasama ko na taga sa amin sa bahay ng aking papasukang trabaho ay siya ring paalam niya sa akin na siya naman ay pupunta na sa kanyang magiging amo sa maynila, " hindi ako nainform agad, mag ka iba pala kami ng amo, akala ko kc iisang pamilya lamang ang aming mga magiging amo... unang araw ko palamang ng kausapin ako ng amo kong matanda edad 65 na ito, " luz anak huwag ka mahihiya rito ha, tawagin mo na lamang akong inay, nanay oh kahit na ano pa, basta ituring mo kaming pamilya, tutal andito ka na lang din naman sa bahay atska ang mga anak ko lahat ay wala sa aking poder, puro apo ko lamang ang mga makakasama natin dito sa bahay. " opo nay " sabi ko naman... " nay anong oras po ako dapat gumising kapag weekdays? " tanong ko. "luz anak hindi mo kailangan gumising ng maaaga, hayaan mong mga bata mismo ang maghanda ng kani kanilang mga agahan at gamit sa skwelahan" " opo sige po nay" sambit ko ulit sa kanya. " basta ang gagawin mo lamang ay alagaan ang apo kong isa, halika at ipapakita ko sayo. agad namang sumunod ako sa amo ko. nasa likuran niya lang ako habang ng lalakad papunta sa isang kwarto. " anak ito nga pala ang aalagaan mo siya si lorna, labintatlong taong gulang na siya, isa siyang bulag at kailangan niya ng mag aalaga sa kanya, masyado na kasi akong matanda, minsan hindi ko na siya kayang samahan pa sa loob ng cr kapag maliligo. "at sasamahan mo rin siya sa skwelahan tuwing papasok . " basta ikaw na ang bahala sa knya anak. " hmmmm bulag pala ang aking aalagaan, "sabi ko sa aking sarili... bakit nga ba hindi ko manlang naitanong bago ako pumasok sa trabahong ito kung ano ang papasukan at magiging trabaho ko.. " okay lang kaya ko naman siguro ito. mukhan naman mabait si lorna, at ang cute. si lorna ay isang bulag, pang apat sa magkakapatid, siya lamang bukod tanging babae sa kanila. sayang naman at bulag siya.ang gandang bata kasi, makinis ang balat at ang puti puti pa nito. hindi ngsslita daw si lorna, sabi ng kanyang lola kaya dapat alerto ako. nung una ay nahihirapan ako sa kanya lalo na hindi ko alam kung paano ko tuturuan ang isang bulag. sa skul nila ay lagi lamang akong naka tabi sa kanya , baka kasi may kailangan siya or iihi sa toilet. makalipas ang mga buwan medyo okay na ako, nkaka pag adjust narin sa mga gawain at lalo kay lorna, mabait naman kasi si lorna kaya mabilis ko lang naka gaanan ng loob. isang araw inutusan ako ng amo kong matanda para magluto ng kamote que. "first time mo sabi ng amo ko sa akin. " opo nay pasensya na po. " sambit ko. "naku okay lang yan.. lahat naman tayo sa una lang hindi marunong.halika tuturuan kita. tinuruan niya nga ako at unti unti ko na rin itong natutunan. pati ang pagluluto ng mani sa tamang lutong nito ay itunuro din niya sa akin.. " luz ang galing galing muna magluto ...saktong sakto paborito ito ng aking anak na sundalo" ika ni amo " magugustuhan ka noon ay este yung luto mo pala sabay tawa siya. namumutla ako sa sinabi ni amo ko sa akin . hindi kasi ako sanay sa ganoon biro ng isang amo sa kanyang kasambahay. " anak kapag umuwi na ang aking unico iho ipagluto mo siya nito ha?" sabi ni amo sa akin. anak ang tawag na niya sa akin ka ya naman minsan ilang ako sa amo ko. paglipas ng ilang araw, dumating nga si sir danilo, ang unico iho daw ng amo ko. nahihiya akong batiin siya ng magandang gabi, parang umurong ang aking dila, nakakahiya tuloy napatitig pala ako sa kanya ng matagal na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD