UMUWI ULIT AKO SA PROBINSYA NAMIN!

278 Words
tuwing umaga ay pupunta kami ni nanay sa bukid, tinuruan niya akong mag araro, mabilis ko naman itong natutunan dahil madali lamang ito. at sa hapon naman kapag umuuwi na kami ay nakasakay sa kalabaw .... mahirap kasi ang daanan, maputik at madulas ito... kaya naman lagi akong angkas ng paborito kong kalabaw. pag uwi ng bahay ay nakaluto na si itay.... at madadatnan din namin ang aking mga kapatid na tatlong maliliit na naglalaro pa.. masaya kaming nghahapunan mag anak... at maya maya pa ay tatawagin na kmi ni itay sa sala at my kwento daw ito. mahilig kasing magkwento si itay tungkol sa mga makalumang libro . at minsan kinukwento rin nila ni inay kung paano sila nagkakilala at kung paano kami ganito kadami hahaha. mabait ang tatay at nanay namin. katamtaman lang buhay namin sa probinsya hindi mayaman pero hindi naman ganoon kahirap. masisipag kasi ang mga ito. makalipas ang ilang lingo naka tanim na kami ni inay nga mais, at pagakaraan pa ng mga araw at malalaki na ito at natapos narin lahat ang gawain sa bukid. nagpa alam ako sa aking magulang para magtrabaho ulit at pinayagan naman nila ako, di bale kapag my sahod ako ulit magpapadala na lang ako para sa mga gastusin sa bahay. mahirap maghananap ng trabaho lalo na kung wala ka naman experience pa, kahit pa ayun ang tinapos kong kurso.... sa aming bayan hindi lang ako ang mga my natapos at tulad nila wala rin maayos na trabaho pwedeng pasukan.... kaya naisip kong mamasukan ulit bilang isang kasambahay... gusto ko talangang makatulong sa aking mga magulang... kaya naman namasukan ulit ako.. sumama ako sa taga sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD