CHAPTER 70 BREANA’S POINT OF VIEW Naiwan ako doong hindi alam kung saan ako pupunta. Hindi ako aakyat sa condo ni Arwin. Hindi muna ngayon. Hindi pa napapanahon. Nakapag-usap na kasi kami ni Arwin na kailangan ko munang lumayo. Kailangan kong bigyan ng sapat na oras si Anne na tanggapin na muna ang lahat bago kami muling magsimula. Humakbang ako palayo sa condo. Maghohotel na muna ako. Bukas na lang ako hahanap ng pansamantala kong marerentahang apartment o condo. Nakasakay na ako ng taxi nang nakakita ako ng isang pamilya na nakahiga lang sa lansangan. Magkayakap sila. Ramdam ko yung pagmaahalan nila. Yung hindi nila isusuko at iiwan ang isa’t isa kahit pa gaano kahirap ang kanilang pinagdadaanan at buhay. Kung sila nga na walang-wala, nanatiling matatag? Kami pa kaya ni Arwin? Hindi

