MAHIGIT seventeen hours ang travel time mula sa Paris to Manila. Sa paglisan namin ni Carlo sa lugar kung saan nanatili kami ng tatlong taon, pabalik sa mundo kung saan bubuo kami ng bagong buhay namin at pamilyang magkasama, hindi ko maiwasang mapaisip kung wala ba kaming nasayang na oras na dalawa. “Love, live without regrets,” bulong ko sa kanya nang nasa kotseng itim na kami pauwi sa bahay nila Mama. Binabagtas na namin ang kahabaan ng Sky Way mula sa airport patungo sa Quezon City. Magkakasabay ang flight namin ngunit sa ibang sasakyan sila sumakay dahil dadaan pa sila ng opisina. Dahil sadyang clingy rin ang kapatid ko sa mga magulang namin, hindi ito nagpaiwan at sumama na lang sa opisina. “What about it?” “Naisip ko lang kung may nasayang ba tayong dalawa na panahon?

