ANGEL NAGPAPASALAMAT ako na naabutan pa ni Lola ang pagtatapos ko ng apat na taong kurso sa kolehiyo bago tuluyang bumigay ang kanyang puso. Noong nagkasakit siya ay ginawa namin ang lahat ni Mama para masigurong hahaba pa ang kanyang buhay. Naging lubos ang kaligayahan ni Lola nang magkaanak si Mama at si Dad Serge isang taon matapos ang ika-labingwalong taong kaarawan ko. Naalagaan niya pa at nakalaro ang kapatid ko hanggang magtatlong taong gulang ito. Alam kong kuntento siya at maligaya dahil natupad niya ang mga gusto niyang makuha sa buhay. Naalala ko pa nang gabing celebration namin matapos ang graduation namin ni Carlo at ang speech na sinabi ng pinakamamahal kong lola. “I want to propose a toast to my beloved and highly esteemed grand daughter and to her proud mother. Congratul

