Natulog akong may ngiti sa mga labi ko, ang sarap pala talaga magmahal, akala ko di ko na ulit maramdaman ito dahil nga takot na akong magmahal ulit. Yung patay ko na puso ay nabuhay ulit, binuhay ulit ni Bryle at pinaalab ulit nito ang puso kung akala ko wala ng pakiramdam. Pagkagising ko kinabukasan, naghilamos agad ako at nag toothbrush at bumaba na agad sa kusina para maghanda ng almusal namin ni Amber, dahil malamang tulog pa ang pwet nun ngayon. Busy ako sa paghahanda ng lulutuin ko sana ng biglang may nag doorbell. " Hmmmmp ang aga naman, wala naman akong natandaan na ipapa deliver ngayon. " sa isip isip ko lang. Pagsilip ko sa pinhole ng gate nagulat ako na si Bryle ang nasa labas at may mga bitbit itong paper bag. Kaya binuksan ko kaagad. " Bryle bat ang aga mo naman? anon

