" Talaga ang sweet mo naman Bryle, thank you. Akyat na ulit ako ilagay ko lang ito sa ref tong pasalubong. " sabi ni Amber at ang lapad ng ngiti nito parang batang sabik sa chocolates. " Sigi na, para makapagpahinga ka na din. " sabi ko dito. " Goodnight friend, good night Bryle, thank you ulit dito. " wika ni Amber at nagmadalinh pumunta sa kusina at umakyat na din pagkatapos. Naramdaman ko ang hiya, kung di bumaba si Amber baka ano ng nagawa namin. " Moks sorry. " turan nito. " Huh wala yun, sigi na magpapahinga na ako ikaw umuwi kana din. " sagot ko dito. " Pero gusto ko pang mag stay dito, gusto pa kitang kasama, ngayon nalanh kasi ulit tayo nagkita kaya sobrang na miss kita. " " Pero inaantok na ako. " alibi ko dito, sa totoo lang kasi nahiya talaga ako kasi di pa naman

