“ Gusto mo exit na tayo friend? “ “ Wag na Amber ok lang ako, ano ka ba wag mo na akong isipin nakaya ko nga ng 9 years ngayon pa ba ako mag iinarte. “ at nginitian ko si Amber. “ Sabagay no, sigi go with the flow nalang tayo, pinansin ka ba ni Fiona? Nanlilisik yung mata niya kanina nung nag shake hand kayo ni Bryle. “ “ Di ko pinansin wala na akong pakialam sa kanila, siguro naman di magtatagal yan dito si Bryle sa pinas no? Ano sa palagay mo friend? “ “ Sa palagay ko mag stay yan ng matagal, matagal siyang nawala kaya baka for good na yan dito. “ “ Walang problema, pero baka pag lagi siyang nandito mag resign nalang ako, ayaw ko na soyang makasama ng matagal. Imposibleng di niya alam na wala tayo dito sa company nila, ang galing niyang mag pretend friend. " sabi ko dito. "

