The Last Flower

1548 Words
March 9 Drake's POV Habang binabalatan ng mansanas si Kale ay naririnig ko siyang kumakanta habang nakatingin sa bintana. "Hm? Mukhang masaya ka ata ngayon.." Ang sabi ko sakanya. Nakita ko siyang lumingon at ngumiti sa akin. "Wala lang.. Ang saya kasi eh. Parang gusto kong ibalik yung mga nasayang na oras." Nagtaka ako sa sinabi niya.. Ngunit tumahimik ako't hinayaan ko siyang magpatuloy. "Alam mo Drake? Nagpapasalamat ako dahil nabunggo ako nung araw na yun." Nagulat ako sa sinabi niya.. "A-ano bang sinasabi mo? K-kung hindi ka lang sana nabunggo..."  "Kung hindi ako nabunggo, hindi kita makikilala." Nakita ko ang matamis na ngiti sa labi niya. "Kahit na namanhid na ang paa ko at hindi na ko makatayo, masaya ako dahil nandito ka parin sa tabi ko. Gusto kong hindi na ito magwakas.." nakita ko ang pilit na ngiti niya. "A-ano ba? Syempre. Alam mo naman na ginagawa ng mga doktor ang makakaya nila.." sabi ko, ngunit hindi ko maiwasang malungkot. "D-Drake.." napatingin ako sakanya nang banggitin ang pangalan ko.. "Hm?" "s-sa tingin mo.. okay pa rin ang itsura ko? K-Kasi.. n-natatakot ako na baka.." napatigil siya sa pagsasalita at nakita ko ang pagkalungkot ng ekspresyon niya. Bumuntong hininga ako, "Kale.. hindi kita nagustuhan sa itsura mo.." nakita ko siyang namula. Tinabi ko yung platong pinagbabalatan ko ng mansanas, malumanay ko siyang hinawakan sa pisngi pagkatapos ay hinalikan ang kanyang nanunuyong labi. Naramdaman ko ang pagkagulat niya't nakita ko muli ang pamumula niya..  "Diba? Wala akong paki-alam kahit ano pang itsura mo. Basta, makasama kita.." sinabi ko iyon matapos ko siyang halikan. Nakita ko naman ang pagluha niya.. "B-bakit?"  "W-wala.." pinunasan niya yung luha niya, "masaya lang ako.."  Hindi ko maiwasan ang malungkot.  Kale, hinding hindi kita iiwan. Hinding hindi kita pababayaan.. Mahal na mahal kita Kale. March 20 "All student of senior high.. Congratulations for graduating!" Masaya kong hinahawakan ang diploma ko.. Sawakas at gumraduate na rin kami. Hindi ko akalain na makaka-graduate ako ngayong araw.. Masaya kong binuksan ang pintuan ng kwarto ni Kale dala-dala ang diploma niya.. "Kale!!" Masaya kong bati sakanya at lumapit sa higaan niya. Hinawakan ko yung kamay niya't inilagay dito ang diploma niya.. Pinagmasdan ko si Kale na hindi na makagalaw ang anumang kalamnan at hindi na rin magawang makapagsalita.  Halos mapaiyak na ako ngunit pinigilan ko iyon dahil alam kong ayaw niya akong umiiyak. "C-Congrats Kale.." Sinabi ko iyon na may pilit na ngiti sa mukha. Sa likuran ko naman ay hindi na napigilang umiyak ng mama niya.. Masaya ako dahil umabot pa kami sa puntong gra-graduate na.. Even though, he can't move his muscles, he tried to force a smile. Hindi ko na napigilan ang hindi mapaluha nang makita ko siyang nagkakaganto, hindi ko na napigilan ang hindi umiyak habang nakikita ko ang maputlang mukha niya at ang itim sa ibaba ng mata niya, nanuyo na rin ang labi niya. Despite his condition, he tried to speak.. "S..Salamat...." habang ngumingiti ng pilit ay tuluyan na akong napaiyak. Nagdasal ako ngayong oras na to, gusto kong magtagal pa kami. Wag niyo pa sana siyang kunin. "K-Kale.. W-Wag kana magsalita.. P-Pinapakaba mo ako eh.." Sinabi ko iyon habang pinupunasan ang luhang nanggagaling sa mata ko.. Ngunit matapos kong sabihin iyon ay parang wala siyang narinig.. "D-Drake... W..Wala..akong...p-pinagsi...sisihan.." Patigil-tigil na sabi nito na ikinatakot ko. "S-Syempre! D-Diba? Titira tayo sa isang bahay? Diba..? K-Kaya.. P-Please, Kale wag kana magsalita.." Ayoko nang makarinig ng ano pang salita na manggagaling sakanya. Gusto ko pang magkasama kami ng matagal. "M-Masaya...ako.." Alam kong nahihirapan na siyang magsalita at halos mapahagulgol na ako habang umiiyak sa gilid niya hawak-hawak ang kamay niya.. "D-Drake...G-Gusto...Kong...N-Ngumiti...Ka..." Matapos niyang sabihin iyon ay ngumiti ako ng pilit habang umiiyak.. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. "Ayaw... Kong... Malungkot... Ka..." Habang sinasabi ang mga katagang iyon ay hindi ko maiwasang maalala ang mga nangyari noon. Hindi ko napigilan ang hindi umiyak nang maalala ko ang mga nangyari sa amin.. Yung una naming pagkikita, yung pangalawa naming pagkikita, at nung nakita ko na lang siya bigla na nasa school at ka-klase ko pa. Yung pagdikit niya sa akin na parang linta, yung pagkwento niya ng mga weird na storya, yung ngiti niyang nakatatak na sa isip ko.. Yung pagpunta namin sa isang flower shop at yung ekspresyon niyang mukhang naagawan ng candy.. Yung nalungkot ako nang hindi ko siya nakitang pumasok.. Yung na-realize ko na mahal ko na pala siya.. Hanggang sa nang sabihin ko iyon sakanya.. Yung nasaktan ako, yung nakipagbugbugan ako.. Yung gabing kumatok siya sa pintuan ko ng umiiyak at niyakap ako ng biglaan.. Yung binalik niya yung nararamdaman ko.. Yung nagbago ako.. Yung mga panahong masaya pa kaming nag-uusap.. Hanggang sa nang malaman ko ang sitwasyon niya..  Napahagulgol ako sa pag-iyak.. Hindi ko na magawang ngumiti.. Hindi ko na magawang magsinungaling..  "S-Salamat dahil p-pinaramdam mo sa akin k-kung p-pa..ano... maging... mas..a..y..a." Matapos niyang sabihin ng pilit ang mga katagang iyon ay naramdaman ko ang panlalambot ng kamay niya. Nakita ko yung nanunuyong kuko niya.. At humagulgol ako sa pag-iyak.. "K-KALE!! KALE!!!" Ginalaw-galaw ko siya, ngunit nakita ko ang unti-unting pagsarado ng mata niya. Doon umalis yung mama niyang umiiyak at tinawag ang doktor. Habang ako naman ay mahigpit pa ring nakahawak sakanya at sinisigaw ang mga katagang.. "DIBA WALANG IWANAN?!! KALE!! IMULAT MO ANG MATA MO!! K-Kale.. Please.." Napayuko ako at hinalikan ang kamay niya..  Alam ko nang mangyayari ito, ngunit umasa ako na pagbibigyan ako ng panginoon sa una at huli kong hiling sakanya.. Umaasa ako sa himalang dadalhin niya. Gusto ko muling makita ang ngiti sa labi niya.. Gusto kong mahawakan muli ang kamay niya.. Gusto kong makasama siya hanggang sa pagtanda.. Binago niya ako't siya ang nagbigay ng pag-asa sa akin.. Gusto kong sumibol muli ang bulaklak na nalanta na.. Ngunit.. Humagulgol ako sa pag-iyak..  "Ayokong malungkot ka.." === Nung araw na iyon, ay ang araw na tapos na ang paghihirap ko sa pag-aaral. Yung pag-aaral na gusto ko nang matapos na agad. Hiniling ko na sana mabagal nalang ang oras para maramdaman ko pa yung kasiyahan kasama ni Kale. Hindi ko akalaing ang huling araw ng pag-aaral ko, ay ang huling araw rin ng pagkikita naming dalawa. Hindi ko nagawang makapunta ng libing niya dahil hindi ko matanggap na kinuha na siya. Mahal ko pa rin si Kale.. At ang tanging alaala lang na naiwan niya sa akin ay ang sobreng ito.. Tinignan ko yung hawak na sobreng ibinigay sa akin ng mama niya matapos iyon. Ang sabi ng mama niya ay.. "iniwan to sa akin ni Kale, at sinabi niyang ibigay ito sayo pagkatapos ng lahat." Na para bang alam na nito na wala na siyang lunas. Hindi ko magawang buksan ang sobre. Dahil sigurado akong iiyak ako. Ngunit inipon ko ang lahat ng lakas ng loob ko at dahan-dahan itong binuksan.. Pagkatapos ay, nanlaki ang mata ko at halos mapaiyak na nang makita ko ang isang bulaklak. Naalala ko pa noon, dahil sa gusto kong malaman kung ano yung ibig sabihin ng bulaklak na iniwan nung babae sa lalaki, sa kwento niya'y palihim kong binasa ang laman ng libro. Ang kahulugan ng bulaklak na iyon ay.. "Mahal Kita." Napaiyak ako at humagulgol nalang sa sobrang pighati. Napatingin ako sa kalangitan.. Bakit ba.. Sobrang liwanag ng kalangitan? Nakakita ako ng isang hugis bulaklak na ulap. Napangiti ako habang lumuluha at naalala ko si Kale. Kasabay nuon ang pagtulo muli ng luha ko.. Hinding-hindi kita makakalimutan Kale. Mananatili ka sa puso't isip ko..  Partings are not exaggerated things.  Minsan, gusto kong sisihin ang Panginoon. Ngunit hindi rin maaalis sa isip ko ang magpasalamat sakanya dahil binigyan niya ako ng pagkakataong makilala ang taong babago sa akin.  *** "Sir!! May sugat ulit ako!!"  "Ha? Nanaman?! Patingin.. Ano ba kasi pinag-ga-ga-gawa mo tuwing P.E niyo?"  "Sorry naman sir!"  Bumuntong hininga ako't ginamot yung sugat ng isang 2nd year student na babae.  "Aray ko naman sir! Masyadong madiin! Baka mamaya hindi gumaling sugat ko niyan!" Umiling ako, "alam mo.. Lahat ng sugat gumagaling. Kung may sugat man na matagal gumaling.. Iyon ay ang.." tinuro ko yung dibdib niya.. "Uuuyyy! Si sir! Humuhugot. Siguro in love kayo?" Natawa nalang ako sa sinabi niya, "mali ka.." sabi ko rito..  Dahil iisa lang ang nilalaman nito.. Hanggang ngayon,  tumingin ako sa flower vase kung saan nakalagay ang isang bulaklak na nag-nga-ngalang 'Lily Of the Nile'  Alam kong, Nasa tabi ko lang si Kale at binabantayan ako.  Napangiti ako,  "Bumalik kana sa room niyo!" sigaw ko sa estudyante ko. At ngumiti ito bilang sagot, pagkatapos ay umalis na.. Kale.. Isa na akong Doctor sa eskwelahan. Mga ilang taon na rin ang lumipas.. Kamusta kana? Gusto ulit kitang makita. Gusto ulit kitang makasama. Miss na miss na kita.. Ikaw yung nagturo sa akin na masayang mabuhay. Dahil sayo, naliwanagan ako. Alam mo ba? Nalulumbay ako dahil mag-isa lang ako, pero alam kong nariyan ka sa tabi ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nakakalimutan ang kaunting oras ng pagsasama nating dalawa..  Habang sinusulat ang mga iyon ay hindi ko maiwasang maluha.. Kailangan kong maging matatag. Dahil nakita ko na ang tunay na kagandahan ng mundo.            "Don't cry because it's over, smile because it happened."                                            —Dr. Seuss The Last Flower: Lily Of The Nile —"I Love You."                                    _____________________________________ SEQUEL REVIEW: Drake continued to live as a school doctor. He was locked living in the past and haven't forgotten about his late lover. But what will happen if he meet the present? Is it the time to put this tragedy to rest and turn the page to a new and happier chapter of his life? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD